CHAPTER 43

86 9 4
                                    

CHAPTER 43

WARNING: Some scenes are not suitable for the very young readers, please remind yourself that this is a work of fiction only. Don't apply it in reality. I don't promote violence.

NAMSHEN

TINITIGAN ko nang maigi si Tintin at hindi ko siya makikitaan ng anumang pagsisisi sa mga mata niya. Ngumiti siya na abot tenga bago pinagsiklop ang dalawang kamay at humakbang paikot sa akin.

"Hmm, sasabihin ko na ba?" may pag-aalinlangang tanong niya sa kan'yang sarili bago tumapat sa akin at paupong lumuhod, "Ang pangunahing dahilan lang naman Namshen kaya nagawa ko iyon sa inyo ay dahil..."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at sinabayan ang nanlilisik ko na mga mata.

"Galit ako sa inyo." dagdag niya at hinawi ang mga buhok na humaharang sa mukha ko, "Galit na galit ako sa inyo lalo nasa iyo Nam!" sigaw niya sa akin ngunit pinanatili ko ang mga titig ko sa kan'ya.

"B-bakit? P-papaano? Kailan pa nagsimula?" naguguluhang tanong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa dahilan niya.

Mas maniniwala pa ako kung sinabi niya na sinaniban siya ng alien.

Pinagkrus niya ang mga kamay bago tumingin sa itaas at binabasa ang pang-ibabang labi.
"Ang dami mo namang tanong.." medyo naiirita na sabi niya bago muling ibinalik ang tingin sa akin, "Pero dahil nakasama naman kita, I'll make an exception. Sasagutin ko ang mga tanong mo."

Umirap ako sa kawalan dahil sa mga sinabi nito.

Ang dami pang sinabi, masusuntok ko ulit ito.

"Galit ako sa inyo dahil pinaparamdam niyo sa akin kung gaano ako kahina. Palagi niyo akong pinapakialaman ni August kahit sa isang simpleng Exam!" panimula niya.

Nagpantay ang mga kilay ko.
"Natural, kaibigan ka namin." tipid ko na sagot.

Ayaw namin na ikaw lang ang mukhang walang alam sa ating tatlo.

Mariin siyang umiling bago umigting ang panga.
"Huwag mo akong lokohin, Nam. Simula nuong highschool tayo, minamanipula mo na kami ni August na akala mo ikaw ang pinakamagaling at pinakamatalino. Palagi kaming nadadamay sa mga kahihiyang ginagawa mo. At galit na galit ako kapag pinaparamdam mo sa akin na kinakaya-kaya mo lang ako kahit alam ko na mas malakas ako sa iyo, sa inyo," may lungkot na paliwanag niya sa akin, "Sa totoo lang, medyo galit lang naman ako kay August. Nadamay lang rin siya dahil importante ka sa kan'ya lalo na't first love ka niya nuong highschool. At ako, isang third wheel sa one-sided love story niyo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"A-anong sinasabi mo?" tanong ko, "Liar. Si Carol ang unang minahal ni August."

Mahina itong natawa bago muling sumeryoso ang mukha.
"Iyon ang akala mo dahil iyon ang pinaniwala niya sa atin," ngumuso ito bago ngumisi, "Kung hindi ka naniniwala. Isipin mo ang mga ginawa ni August simula nuong highschool palang tayo. Normal ba para sa iyo ang bisitahin sa bahay araw-araw, na palaging nasa tabi mo kapag may problema ka, na palagi kang tinutulungan kapag nahihirapan ka at ang akuin ang suspension na dapat ay para sa iyo. Kasi sa akin, bilang lang sa kamay ko na ginawa iyon ni August sa akin, knowing na mas nauna niya akong naging kaibigan kaysa sa iyo." naluluhang paglalahad niya na mas ikinagulat ko.

"Wait, huwag mo sabihing nagseselos ka sa aming dalawa ni August." paglilinaw ko.

Inalis niya ang nakakrus niyang kamay at mabilis niyang isinampal sa akin ang isa.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon