AUTHOR'S NOTE: THE NEXT CHAPTERS WILL BE SHORTER THAN THE PREVIOUS CHAPTERS. FOR ME, TO FINISH THIS STORY BECAUSE IT IS ALREADY TWO YEARS BUT STILL NO PROGRESS. THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING.
CHAPTER 34
NAMSHEN
"Pasensya ka na, Namshen. Bigla kasing tumawag si Neil na i-cancel raw muna ang celebration dahil nawawala si Celine. Hindi kita nabalikan kasi humingi siya ng tulong." paliwanag ni Tintin.
Tumango ako at pinilit na ngumiti.
"Ayos lang, wala namang nangyaring masama sa akin.." pagsisinungaling ko para hindi na siya mag-alala.
Saktong pumasok si August na tahimik na umupo sa tabi namin. Nagkatinginan kami ni Tintin bago humarap kay August.
"Nawawala si Celine kagabi. Bat hindi mo sinasagot yung tawag?" tanong ni Tintin.
Hindi kumibo si August na inilalabas ang mga gamit para sa panimulang subject.
Hinawakan ko siya sa braso kaya tumigil siya at tumingin sa akin.
"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko.Pinilit na ngumiti ni August.
"Binantaan akong muli ni Carol." tanging nasabi niya na ikinainit ng ulo ko."Si Celine, pumunta ba siya sa iyo?" tanong ni Tintin.
Tumango si August.
"Oo, lasing siya kaya inihatid ko siya pauwi." sagot ni August."Anong sinabi niya sa iyo?" pag-uusisa ko.
"Umiiyak siya habang tinatanong ako kung totoo ang pagmamahal ko sa kanya."
Umiling ako.
"Hindi si Celine.. Si Carol." seryosong tanong ko.
Napalunok si August bago nagsalita.
"N-namshen.. Hayaan mo na.""Sinabi na naman niya yung magic word na kinatatakot mo?" tanong ko na ikinatahimik ni August.
Napatayo ako na ikinagulat ng mga kasama ko sa room. Natahimik sila. Sinamaan ko sila ng tingin bago mabilis na lumabas.
Nag-iinit ang mukha ko pati ang mga kamay ko dahil sa inis. Narinig ko ang paghabol nina Tintin at August pero hindi ko sila pinansin.
Nang marating ko ang building ng second year marketing students ay kaagad kong hinanap si Carol. Hindi ako nahirapan dahil kakalabas lang niya ng kwarto nila.
Nakangisi niya akong sinalubong.
"O, Namshen.. Mukhang alam mo na ang ginawa ko." panimula niya.Kumuyom ang aking kamao.
"Ano bang gusto mo? Bakit mo pinapahirapan si August?" naiinis na tanong ko.Pinagkrus niya ang mga braso bago ngumiti.
"Simple lang, gusto ko siyang bumalik sa akin."Tumaas ang isang kilay ko.
"Gusto mo siyang bumalik sa iyo kahit alam mo na kung ano siya.""Oo, kasi sinabi niya na ako rin ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya iyon. Naisip ko na ako rin ang makakatanggal dahil mahal ko pa rin siya."
Tumingin sa ibang direksyon si Nam habang nagpipigil na tumawa.
"Baliw ka, sinasabi mong mahal mo si August pero hindi mo tanggap ang nangyari sa kanya na kagagawan mo rin.""Bakit si Celine?" muli akong tumingin sa kanya. "Tingin mo matatanggap niya si August? Hindi siya matatanggap ng ama ni Celine. Itatakwil siya ng mga Goo dahil.. "
Mabilis ko siyang sinampal para tumigil siya dahil maraming nanonood sa amin.
Naluluha akong tumango.
"True love accepts all the flaws. Kaya hindi mo totoong mahal si August kung hinuhusgahan mo siya."

BINABASA MO ANG
Behind His Innocence (COMPLETED)
Novela JuvenilNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...