NAMSHEN
Nakarating na kami sa mall pero hindi namin nakita ang kasunod namin na sina Kuya Nemo at Tintin.
"Nasaan naman kaya nagpunta ang dalawang iyon? Hindi naman sumasagot si Tintin sa tawag ko." Nakasimangot na sabi ni August.
"Baka na-traffic lang sila." Maikling sabi ni Oyan saka tumingin sa akin. "Nagugutom ka ba?"
Umiling ako.
Pero hindi ang sikmura ko na tumunog kaya nagkatinginan sila ni August bago tumawa.
"Hindi naman talaga ako gutom." Bulong ko.
"Halata nga." Nakangiting sabi ni Oyan saka hinila ako papasok sa isang fast food chain. Kasunod naman namin si August na kanina pa hindi mapakali sa pag-tipa sa kanyang phone.
Umorder ng pag-kain para sa aming dalawa si Oyan kaya may oras ako para kausapin si August.
"Oy, Augustina.. Bakit kanina ka pa busy sa pagta-type? Sino ba kausap mo?" Nagtataka na tanong ko habang sinisilip yung phone niya.
'Celine.'
Napatango na lang ako nang mabasa ang convo nila. Pinipilit ni Celine si August na sabihin kung nasaan kami pero ayaw sabihin ng bakla.
Medyo napangiti naman ako na kinuha ng palihim ang phone ko bago chinat si Celine about sa kung nasaan kami at saka ibinalik yung phone ko.
"Hay salamat. Tumigil na si Koryanang madrama sa kakatanong." Parang nawala lahat ng problema niya dahil lang doon. "Alam ko kasi na pagod siya kaya gusto kong mag-pahinga lang siya ngayong araw." Dugtong nito na ikinataas ng kilay ko.
"Huh? Bakit?"
"Alam mo naman. Buong gabi kaming magkasama sa ilalim ng puting ilaw, at dilaw na buwan~" Hinampas ko naman ang braso niya nang kumanta siya.
"Ang panget ng boses mo, parang sirenang naipit." Biro ko.
Hahampasin niya dapat ako nang makita niyang palapit na si Oyan kaya umayos na siya ng upo.
Pagkatapos namin kumain ay hinintay muli namin sila Tintin at Kuya sa labas.
"Anong oras na ha?" Panimula ko habang papalapit yung dalawa na parehong seryoso. "Bakit ngayon lang kayo dumating?"
"Traffic." Maikling tugon ni Kuya saka tumingin kay Oyan. "Saan na tayo pupunta?"
"Sa isang shop ng Tita ko, hindi kalayuan dito." Nakangiting sabi ni Oyan saka hinila na ako para mauna sa paglalakad.
Ilang shop ang nadaanan namin bago kami pumasok sa isang glass door. Sinalubong kami ng babae sa front desk.
"Sir, sino po sila?" Nakangiting tanong niya. Kakaiba yung tingin niya kay Oyan kaya masama ang tingin ko.
"Oyan." Maikling tugon niya. "Nasaan si Tita Agnes?"
"She's waiting inside the fitting room. Do you need me to lead your way?" Tanong nung babae na ikinailing ni Oyan.
"No need. I have my girl." Nakangiting sabi nito saka itinaas ang kamay ko at tinungo na yung lugar.
"Ayiiieee. Kinilig na 'yan." Asar nung tatlo sa likod na ikinangiti ko lang.
Nang makarating kami sa isang pinto ay huminga muna ng malalim si Oyan bago pinilit yung doorknob at hilahin ako papasok.
"Hi Tita." Nakangiting bati niya sa isang babae na nasa mid 20's palang at balingkinitan ang katawan.
"Oyan.." Nabitawan ako ni Oyan ng yakapin siya nung babae. Napaawang na lang ang bibig ko sa paraan ng pagyakap niya.
Tita? Sasakalin ko 'to ng phone ko kapag hindi ako nakapag-pigil.

BINABASA MO ANG
Behind His Innocence (COMPLETED)
Teen FictionNamshen Emerald Cristobal, isang bad girl na walang ibang magawa bukod sa makipag-away at manyakin ang boyfriend niya. Meet Rhoyanne Prinz Salvador, an innocent guy who have an innocent mind and heart. An aloof guy who fell in love with a bad girl n...