Chapter 17

176 15 4
                                    

NAMSHEN

"Kumain ka muna." Napahinto ako sa paghakbang papaakyat ng hagdan ng marinig ko ang boses ni Papa. Akala ko ay hindi ako ang kausap niya kaya nilingon ko siya.

Medyo nagulat ako nang makita na sa akin pala siya nakatingin.

"H-hindi ako gutom." Tamad na sabi ko at paakyat na ng mag-salita siyang muli.

"Hanggang kailan mo ba ako balak iwasan bilang ama mo?" Makahulugan na tanong niya kaya mariin akong napapikit at napakuyom ang mga kamao.

"Pwede bang sa susunod na lang natin pag-usapan iyan? Wala akong oras ngayon para sa mga walang kwentang bagay." May halong irita na sabi ko bago padabog na umakyat sa hagdan at tinungo ang aking kwarto.

Papasok palang ako ng bumukas ang pintuan ni Gold fish. Nagkatinginan kami pero inirapan ko lang siya bago padabog na isinarado ang pintuan.

Pabagsak kong tinungo ang kama bago tumingin sa study table ko. Ilang araw na lang pala at simula na ng review para sa nationals pero wala akong notes at mga natutunan.

Napadapa ako bago sinubsob ang mukha sa kama.

"Papaano ako magre-review kung wala akong natutunan? Tapos may exam pa ako sa Friday. Ahhh!" Napahampas na lang ako sa kama.

Habang nabubugnot ako ay nag-ring yung phone ko kaya agad kong sinagot.

[ Nakauwi ka na ba? ] boses ni Oyan ang bumungad sa akin.

"Oo, ikaw? Malayo yung dorm mo kaya dapat umuwi ka na ha?" Paalala ko kay Oyan.

[ Iyon nga ang problema, hindi pa ako umuuwi. ]

"Ha? Bakit naman?" Dahan-dahan akong napaupo at kinunotan ng noo.

[ May nakalimutan kasi ako. ]

"Ano naman iyon?" pag-uusisa ko.

[ Kiss ko. ] Sabi nito habang rinig ko ang tunog ng mga labi niya kaya natawa ako.

"Sira! Talagang inisip mo pa ang bagay na iyan kaysa tulungan ang girlfriend mong mag-review para sa Exam ko sa Friday." Napapailing na sabi ko.

Narinig ko siyang tumawa.

[ Hindi, seryoso na. Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi pa ako umuuwi. ]

Napaawang ang bibig ko bago umiling.

"Ha?"

[ Tingin ka sa bintana.. ] ramdam ko na nakangiti siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

Sinunod ko siya at tiningnan yung bintana.


"Nakatingin na ako."


[ Bakit 'di kita makita? ] bakas ang pagkabahala sa boses ni Oyan.

Napakamot ako ng ulo bago inihilamos sa aking mukha ang isa kong palad.

"Natural, hindi pa ako nakasilip." Sarkastiko na sabi ko.



[ Hahahahahaha. ] nailayo ko ang tenga sa akin cellphone dahil sa biglaan niyang pagtawa.


"Hayst. Ano ba iyan, Oyan? Hindi mo naisip iyon?" biro ko na malawak na ang ngiti.


[ Oo nga, bakit 'di ko naisip iyon? Okay, sumilip ka sa bintana. Please? ] nako, nagpapakyut na ang boses niya ngayon.

"Saang bintana?"

Rinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong m-hininga niya.

[ Kung saan ka nakatingin ngayon. ] Halata yung pagkairita niya sa walang katuturan kong tanong.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon