CHAPTER 39

62 5 0
                                    

CHAPTER 39

AUGUST

'ANO? KAKAPALAN KO BA 'YUNG MAKE UP KO O PWEDE NA 'TO? MUKHA LANG AKONG BINUDBURAN NG HARINA?!'

HINDI ko alam kung bakit ganito ako ka-stress habang tinitingnan ang ayos ko sa salamin. Maayos na black americana, maayos ang pagkaka-spray net ng buhok at mukhang sinampal ng harina ang mukha ko.

Sino ba namang hindi mai-stress kapag debut mo na? Oo, twenty something pa ang debut ng isang lalake pero natatagalan ako, okay? So,naisipan kong i-feel na debut ngayon. My 18th birthday, awoo!

Nasa gitna ako ng pag-iisip ay biglang may kumatok sa pinto. Muntikan na akong madulas nang makita kung sino ang pumasok.

"P-papa.." medyo kinakabahang tawag ko sa kanya.

Katulad ko ay nakapormal rin ito ngunit kitang-kita ang matikas at matipuno nitong pangangatawan kumpara sa akin. Napalunok ako ng ilang beses bago inayos ang aking pagkakatayo.

Tipid itong ngumiti bago lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Anak, bakit medyo maputi ang mukha mo? Para kang mauubusan ng pulbos." panimula nito na labis kong ikinakaba.

Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko bago pinilit na matawa.
"Haha? Kasi, ito ang uso ngayon kaya gusto ko itry." palusot ko.

Umangat ang isang kilay niya kaya naalarma ako at mas inayos ang pagtayo.

"Ayaw kitang mapahiya sa mga pupunta ngayong kaarawan mo kaya," kumuha siya ng pamunas at ipinahid sa mukha ko, "Ayusin mo ang sarili mo. Kumilos ka nang naaayon sa kasarian mo, huwag mong hayaan na mabahiran ng anumang issue ang pangalan ng pamilya natin." bilin niya sa akin bago inabot sa akin ang pamunas na hawak niya.

Namamasa ang aking mga palad na tinanggap iyon bago natatarantang tuman
"O-opo, tatandaan ko iyan Papa." natatarantang sabi ko.

Nagpantay ang mga kilay nito bago tumalikod sa akin. Iyon ang nakuha kong pagkakataon para punasan ang mga pawis sa aking mukha at mga kamay. At nang paharap na siya ay umakto akong walang nangyari at tumayo ng tuwid.

Napapitlag ako dahil sa biglaang pagtapik niya sa magkabilang-balikat ko at nangigiti akong niyakap.

"Hindi ko sinasabi sa iyo ang mga bagay na ito para magalit ka, gusto ko lang na maging maayos ang nag-iisang anak at magpapasa ng apelyido sa mga magiging apo ko. Gusto kong maging marangal ka 'gaya ng binuo naming pangalan ng mama mo. Hindi ka man maging pulis, gusto ko na maging matuwid at maipagmamalaki pa rin kita hanggang sa huling hininga ko." mahabang salaysay ni Papa sa akin.

Wala akong ibang nagawa bukod sa damhin ang bawat salita na sinabi niya habang lumuluha ang aking mga mata. Dahil sa sinabi ni Papa ay napakaraming tanong ang umiikot sa isipan ko.

Paano kapag nalaman nila ang totoo? Anong mangyayari sa akin? Ililihim ko na lang ba o tatanggapin ko ang kahihiyan na matatanggap ko? Paano ang iningatang pangalan ng mga magulang ko? Paano si Celine? Matatanggap niya ba ako?

"Hijo," nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag ni Papa sa akin.

Akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin. Napakagat ako sa akong labi bago dinama ang yakap ng aking ama.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon