( KRISTINE POV )
"Ano bang nakaen mo pinsan at sa bakla ka pa nagkagusto?" Tanong ni Michelle habang gumagawa kami ng assignment .
"Oo nga naman Kristine, sa dinami-rami nang nanliligaw sayo at sa landi mong yan, sa bakla ka pa nagka-interes" sabi naman ni Michael.
Si Laura my labz ang tinutukoy nila...Ang crush Kong bading.
"Kung makalandi ka naman Michael, akala mo naman inaakit ko si my Labz ko, ei hindi naman" kunot noo kong sabi rito.
"At wala akong magagawa kung si Laura ang tinitibok nang puso ko."
Di ko naman kasi pwedeng turuan tong puso ko na umibig sa ibang lalaki, di ba?
"Hindi pa ba malandi yung makita mo lang yung crush mo, abot hanggang langit na yung ngiti mo tapos hindi ka pa nahihiyang sipolan at kindatan sya. " ani Michael.
Ano bang pinaglalaban ni Michael? Yung kalandian ko :D o yung pagmamahal ko :')
"Oo nga naman pinsan, pang-aakit na rin ang tawag don sa kalandian mo"
Tignan nyo tong dalawa..
Ang babastos..
Pagkaisahan ba naman ako...and hindi naman Kasalanang magpapansin sa crush ko di ba??
Hindi naman di ba???
Sabihin Nyo!
Hindi naman di ba???
"Hindi nga ako malandi, at mas lalong hindi ko sya inaakit" pagdedeny ko.
Malandi na kung malandi
Basta hindi ko aaminin na malandi ako ahaha..
"Gusto ko lang syang asarin nuh" sabi ko pa.
Trip ko talaga syang asarin dahil bet na bet ko sya ^_~
"Gusto mo lang magpapansin kamo" - Michael.
Kanino pa tong Michael na to ah.
Bara nang bara sa mga sinasabi ko.!"Alam nyo ang lalabo nyo, magtatanong kayo tapos hindi naman kayo maniniwala sa sinasabi ko" reklamo ko sa mga ito at nginitian lang ako.
Oh di wow! Ngiti lang natanggap ko...pero at least tumahimik na silang dalawa :D
Sisimulan ko na sana ulit ang pagsagot sa assignment ko ng mapadaan si Crush ko..
Tinitigan ko sya..at parang nainsecure ako sa ganda nya :*
Ang Crush kong bading!
Mas maganda pa sa akin..
Ngunit pag sya'y tumingin..
Kinikilig ang aking damdamin!..
Bow!
Ayan na si Laura/Lawrence my labz.. papalapit na sa amin..
*sumipol ako*
*witwew*
Nang lumingon sya sa akin ay bigla itong nagsmirk at tumalikod palayo sa amin..
Taray nuh? Ganyan ang my labz ko..Gandang sipain hihi
Nagtataka kayo siguro kung bakit ako inlab na inlab kay Lawrence, kasi...kasi...inlab nga ako wahahah...hindi ko rin alam ang dahilan eh ^_^
Pero gaya nga nang sinabi nina Michelle at Michael kanina
na sa tuwing nakikita ko si my labz ay bigla bigla na lang akong napapasipol at napapangiti...
Tapos bigla na lang bibilis yung pintig ng puso ko..
Yun bang para kang nininerbyos na parang ewan...
At sapat ng dahilan iyan para masabi kong
Nabingwit nya ang maganda kong puso!
Ang puso kong mapagmahal..
Pasalamat nga sya sa akin, dahil crush ko sya eh..
Dahil swerte nya sa akin..
Ahemm...
Why?
Because im beautiful, mabait, matalino, down to earth at higit sa lahat masarap kasama..package deal kaya ako..!
Oh ano? Malakas na ba ang hangin? Oh di kumapit kayo... :P
Pero asahan nyo readers! Dadamoves ako sa kanya...
At makikita nyo! Mapapasa akin sya
Bwahahahahhah......
^_^ :D
..............................................
AUTHOR: panu ba yan? Tinutupak nanaman ako? Ahaha pero okey lang ba?
Comment naman jan! Or vote n lng :D
BINABASA MO ANG
ANG CRUSH KONG BADING
Short StoryBakla man sya sa aking paningin Lalaking lalaki pa rin ang dating nya sa akin. BOW! ^_~