ACKB : Chapter 3

1.2K 72 17
                                    

#####KRISTINE#######

May nalalaman pang hinahanap na sya ng mama nya, eh kung alam ko lang, Gusto nya kaming mapagsolo ni myLabz ko .

Tenkyu bestfriend Michael! You’re the man! =)

“Oh ano na? tutunganga ka na lang jan? tulongan mo na ako, dali!” utos ko kay my Labz ko ahik..

Tas yung mukha nya nakabusangot…so napipilitan, ganern?

Inalalayan naman nya ako patayo, kaso, muntik na akong bumagsak ulit, kasi masakit nga yung paa ko T_T…

“Sa susunod kasi, huwag kang lalampa-lampa.. yan tuloy nasugat ka pa” sermon nito sa akin ng makatayo na ako ng tuloyan.

Uy concern sya Guys! Tignan nyo nga, baka nilalagnat ..ayeh!

Madapa sana ako araw-araw ahahah..

“Bayaan mo, malayo naman sa bituka eh” nagmamatapang kong tugon habang naglalakad na kami..kaso masakit talaga yung paa ko >.<

Inaalalayan nya pa rin ako habang naglalakad kami, kasi naman sa sugat ko >.< but it’s okey, hawak hawak naman ako ni crush hihihi..landi! (>//_//

Tas maya-maya, sumigaw si crush sa akin.

“Ang bagal bagal mo naman! Para kang pagong!” maktol nito.

Pigilan nyo ko! sisipain ko sya!..sinisira nya moments ko!

“Eh sa masaki-----“ putol kong sabi…dahil bigla nya akong binuhat…

(^//_//^) blush ulit ako ..

Buhatin ka ba naman ng crush mo^_^ ..

Para tuloy akong nasa langit..

Uy kinikilig!

Kilig to the bone, while shaking your tombong, with matching patalon-talon, na parang pagong :D

So tanong  ko…may pagong bang tumatalon? 

“O-oy ! ano ba!? ibaba mo nga ako” –ako, habang nagpupumiglas..

Asus! Nag-iinarte lang ako, pero gustong-gusto ko ^_~.. para kaya akong princesa na binuhat ng prince charming ko.. ^_^

Yun nga lang, nakapalda ang prince charming ko…ngakz! Ahahah haba pa ng hair nya :D

Ang ganda ko! feel na feel ang long hair nya! Hihihi atawa aketch!...

“Aabutin tayo ng syam-syam pag hindi kita bubuhatin…saan ba dito ang daan papuntang bahay nyo?”---Lawrence my Labz..Ang Laura ng buhay ko ahaha..

Tinuro ko naman sa kanya kung saan banda yung bahay namin..

Habang buhat-buhat nya ako..

Sinasyansingan ko na sya :P

Sinisinghot ko ng palihim yung pabango nya ahik..

Amoy cologne ng panglalaki o_O???

Ah I love his scent! Masculine na masculine!

Tas yung Chest nya! Pamatay! Ang tigas!

Parang bato! Parang puso nya >.<

Iligaw ko kaya to, para forever nya na akong buhat buhat ^_~

++LAWRENCE's POV++

Feeling ko sinisinghot ni classmate yung damit o sadyang nakahilig lang ito sa dibdib ko.

Pero hindi ko na lang ito pinansin dahil total tumahimik na sya..

Nang nasa harap na ako ng gate nina classmate ay may nakita akong bata at napatingin ito sa akin.

"Lolo, tignan nyo po si ate, parang bata po, nagpapabuhat pa" sabi nang bata.

"Si Kristine ba kamo,apo?" Tanong nang matanda at maya-maya ay nasa gate na rin ito.

Tinignan ko naman si classmate na ang himbing nang tulog at habang nakayakap sa akin.

"Oh? Bakit mo buhat-buhat ang apo ko? At kung makakapit pa sayo'y parang tuko?" Wika nang matanda na ikinangiti ko.

"Nadapa po kasi lolo at nasugat sa tuhod. eh Hindi naman po makalakad nang maayos kaya binuhat ko na lang po"sabi ko naman habang pinagpapawisan..

Napagod ako..

"Ah ganun ba, apo? Kay laking lampa pala ng apo kong si Kristine at nadadapa pa." Anito na mas ikinaluwang nang ngiti ko.

Magkakasundo kami nang matandang to.

"Oh sya, ipasok mo na sya sa bahay at mukhang nahihirapan ka na sa kanya, may pagkabalyena pa naman ang bigat ni Kristine"

Haist may pagkabalyena nga talaga ang bigat nya..

Hindi lang halata sa katawan nya..

ANG CRUSH KONG BADINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon