Chapter 3

8 6 4
                                    


Nang makalapit na ako sa kanila ay, inilihis ko na ang tingin ko papunta na sa mag asawa.

"Good Morning?"- gulat namang napatingin ang Matandamg lalaki sa kanya. "I'm Dr.Kixone Romano."- ramdam ko ang paninitig ng binatang lalaki saakin, pero binabaliwala ko na lang kahit nanginginig na ang mga tuhod ko

"Oh! Hello Doc. Romano, I'm Farah Silva and He's my Husband Limuel Silva, beside you is our son Yuhan Silva."- tumango naman ako sa pagpapakilala nila at nakipag kamay, pwera na lang sa anak nila na hangang ngayon at di ko pa rin nililingon at nakatutuk lang ang mga mata ko sa mag asawang Silva.

"Nice to meet you. Please follow me, let's discuss this matter in my office."- madali namang tumango ang dalawa. Agad na pumasok sila sa opisina niya dahil na din nasa  tapat lang ang mga ito.

"Have a sit Sir, Ma'am."- Sa may couch kami naupo para na din maging kumportable sila.

"So let's start?"- unang nagsalita ay ang Ginang na Silva

"Yes, as what Doctor Del Yiva say, we requested a doctor to our Son because he's ill."- tumingin naman ako sa lalaking nakaupo sa single couch na nakakunot ang nuo sa Ina, tila may sinabing hindi tama ang Ginang.

Kung titignang mabuti, mukha namang walang sakit itong lalaking to e. Well by his physical appearance, walang problema di ko lang alam, if it is emotionally or mentally?

"Mom! I told you, I'm not sick!"-

"Yuhan, Don't shout at your Mom."-

"but Dad..."- tinitigan lang ng seryoso ang binata

"Well, I must say that he's not sick."-

"He has a fever last night, so you have to check him up Doctor!"- napamaang naman ako sa sinabi ng Ginang

"Mawalang galang na po, pero kasi, I'm a psychiatric doctor, not...."- hindi ko na natapos ang sasabihin ko at napabuntong hininga na lang.

Kahit Psychology ang tinapos ko, may alam naman ako sa mga pag check up ng pasyente. Tumayo ako at lumapit sa binatang kanina pa nakapikit, nahihiya siguro sa mga pinagsasabi ng Ina nya

Hinawakan ko ang nuo nito kaya nagulat ako nang magmulat ito ng mata at deretso sakin ang tingin. Bumaba ang kamay ko sa leeg nito para salatin kung mainit ba ito, ngunit nakita ko ang pagpikit nito.

"Hindi naman na sya mainit Mrs. Silva.."- hinawakan ko ang kamay nito para i check ang pulse rate nito, kung mabilis ba o mabagal. Sa pakiramdam ko naman ay normal lang naman ang pulse rate nya. Kailangan lang nito ng Pahinga.

"He's very well okay Mrs. Silva.  He just need some rest para magtuloy tuloy na ang pag galing nya..."- binalingan ko ang binata na ngayon ay mulat na at nakatingin na sakin. "You have to rest, eat your food and take your medicine."- tumango naman ito, kaya nagtungo ako sa Table ko para kumuha doon ng papel at nagsulat ng i reresita

"If ever bumalik ang lagnat ng unico iho nyo dahil pasaway, bilhin nyo po ito at ipainom sa kanya."- binigay ko sa Ginang ang resita at inabot naman ng huli.

"Alright Doc. Thank you so much!"- nginitian ko ito ng puro

"Always welcome Mrs. Silva, it's our duty."-

Madami pang pasasalamat at kwento bago lumisan ang mag asawa kasunod ang anak nitong sa tingin ko ay bugnot na bugnot na sa kadaldalan ng Ina nito.

Naupo ako sa swivel chair ko at nagpaikot ikot habang nag iisip ng kalandian Hahaha! Joke lang!

Maya maya pa'y unti unti na akong nagiging busy, dahil sa sunod sunod na pasyente ang dumadating. Di ko namalayan ang oras 5:30 na pala ng hapon, kailangan ko nang umuuwi dahil may dinner pa kami mamaya. Hayy this day is so stressful!

Kumusta na kaya si Inay sa Probensya? Nakakakain ba sya ng mabuti? Nakangiti ba sya? Hindi ba sya malungkot? Parang gusto ko na lang umuwi at samahan si Inay doon.

Namimiss ko na tuloy si Nanay! Matawagan nga. Kinuha ko ang cellphone ko sa Ibabaw ng mesa at tinawag si inay. Ilang ring lang ang dumaan, sinagot na nito ang tawag.

"Inayyyyy !!!!"- narinig ko naman ang gulat na boses nito sa kabilang linya

"Jusko ka naman anak, wag mo ngang gugulatin ang iyong Inay.Bakit ka nga napatawag?"-

"Wahhhh!! huhuhu Miss na po kita..sniff*"- kunwari umiiyak ako para pauwiin na ako ni Inay sa Probensya

"Aba'y Kixia wag mo akong dadramahan ng ganyan! Ilang araw ka pa lang riyan, masasanay ka din."-  kita nyo na, ayaw na akong makasama ng nanay ko

"Pero Inay, gusto ko ikaw kasama ko.."-

"Naku ako'y tigilan mo Kixia! hala paalam na madami pa akong ginagawa."- Magsasalita pa sana ako ng babaan ako ni Inay ng tawag.

Tignan nyo yun! Naku kung di ko lang mahal si Inay.

Bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa nito ang mukha ng kaibigan ko na nakadungaw sa pinto habang naka ngiti.

"What?"- mas lalo itong ngumiti at halos mas lumalim pa ang biloy nito sa pisnge, jusko! bakit ang cute ng kaibigan ko

"Our Dinner later with your brother, don't forget!"- napatawa naman ako sa sinabi nito, mukhang excited ang patay gutom na to

"Excited kaba dahil makakasama mo ako sa Dinner o Excited ka dahil malilibre ka nanaman ng pagkain nila kuya?"-

"Syempre.... ipagpapalit ko ba naman ang pagkain sayo!"- muntik ko na itong mabato ng cellphone ko kung di lang nito naisarado agad ang pinto, Rinig na rinig ko din ang tawa nito.Tsk tsk patay gutom talaga sya.


***********

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kixone Romano  (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon