Chapter 2

8 6 4
                                    


Kix's POV

Nang magising ako, umaga na at nasa isang kwarto. Kung di pa ako kinatok ni Kuya Provis ay baka nagsisigaw na ako dun dahil sa di ko kilala ang kwarto.

"So bunso papasok kana ngayon agad?"- di ko pinansin ang tanong ni Kuya Jay at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Sis sabay kana samin ni Kuya Provis, idadaan ka na lang namin sa hospital na pagtatrabahuan mo."- di ko pa rin sila pinansin kaya naman nagbulungan ang mga ito na naririnig ko naman.

"Bro, inisnab tayo ni Kix!"- sabi ni kuya Jay

"Si kuya Provis kasi e! ayan tuloy d tayo pinapansin ng suplada nating kapatid"- Kuya Non

"Aba at ako pa talaga ang may kasalan! e kung batukan kitang gunggung ka! hah!"-  nakita nya itong akmang babatukan si kuya Non, sya naman ay napa iling iling lang sa mga pinag gagawa ng mga kuya nya.

"Alis na tayo baka ma late pa ako kung mag chichismisan lang kayo dyan."- uminom muna sya ng tubig bago tumayo at nagtungo sa sala para kunin ang bag nya.

"Sis! Hintayin mo kami!"- rinig nyang sigaw ng mga kuya nya sa kusina

"Bilisan nyu! ang bagal bagal nyu talaga!"- lumabas na sya ng bahay, isang subdivision pala ang kinalalagyan ng bahay ng mga kuya nya. May pumaradang BMW sa harap nya.

"Hope in Kix!"- pumasok sya sa front seat na nakabukas, pagpasok nya ay nakita nya sa backseat ang dalawa pa nyang kuya.

"Bakit ka nandito Kuya Jay? Doctor kaba hah?"- tinaasan nya ito ng kilay

"Sis naman diba pwedeng makikisabay lang? saka simula ngayon sama sama na tayong lahat na papasok sa trabaho at susunduin nyu din ako pauwi."- nakalabing sabi ni kuya Jay

"Anu ka chix na susunduin pa hah!"- tumawa namanang dalawa nyang kuya sa sinabi nya

"Bibubully nyu nanaman ako, porket ako lang naiba ng kursong kinuha. Sisihin nyu si Itay kung bakit sya Arkitekto at sakin pinamana ang propisyon nya! hmp!"- natawa kami sa pagdadramani kuya Jay

"oh nandito na tayo, labas na Jay."- nanlaki naman ang mata nito

"Kuya Provis naman e! parang tinatakwil nyu na ako bilang kapatid ah!"- anu ba yan! mas babae pa ata to kesa sakin kung magdrama!

"Lalabas ka ng kotse kuya Jay o ako mismo ang kakaladkad sayo papasok sa building na yan!"- agad naman nitong binuksan ang pinto ng kotse at agad na lumabas

"Ito na nga e nasa labas na!"- nagulat sya ng bumukas ang pintuan sa kinalalagyan nya at nakita ang kuya Jay nya doon na nakalabi

"Ano nanaman?"-

"Goodbye kiss ko Sis!"- hinalikan nya ito sa pisnge

"Layas na baka ma late pa kami!"-

"Tsk! di ko alam kung kapatid ko ba kayo o hindi"- sabi nito ng pa iling iling

"Nagulat din kami kung bakit kapatid ka namin, e ang gwapo at ang ganda ng lahi namin tapos ikaw ang panget mo. Tsk, itatanong ko talaga to kay Inay at Itay."- Bago pa makapagsalita si kuya Jay sa sinabi ni kuya Non ay pinaharorot na ang kotse ni Kuya Provis.

"Magsusumbong nanaman yun kay Inay na kinakawawa natin"- natatawang sabi ni Kuya Provis

"Oo nga tapos papagalitan tayo ni Itay hahah! ngayon pa lang nakikita ko na ang ngiting aso ni Jay"- Dahil sa sinabi ni kuya Non tumahimik kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Itay miss kana namin. Piping usal nya sa isip.

Kixone Romano  (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon