Chapter 1

9 6 3
                                    


"Anak, mag ingat ka sa Maynila. Tumawag ka pag nakarating kana. Tawagan mo din daw ang Tita Alicia mo dahil ipapasundo ka. Wala kana bang nakalimutan anak? yung mga pagkain mo naandyan naba? kumpleto naba mga gamit mo? wala ka na bang nakalimutan? Teka lang baka meron pa.."- tinitigan ko lang si Inay na syang nag aayos ng mga gamit ko

Kanina pa sya salita ng salita at pa ulit ulit na lang yang mga sinasabi nya. Hindi ko din naman sya mapipigilan dahil alam kung nalulungkot lang sya dahil aalis na ako. Hindi man ipakita ni Inay pero alam kung papaiyak na sya, pinipigilan lang nya.

"Inay, wag na lang kaya ako umalis?"- natigilan naman ito sa sinabi ko at hinarap ako

"Jusko namang bata ka! Hindi pwedy dahil nakaplanu na to! Aba wag mo paasahin ang Tita Alicia mo!"- Bumalik ito sa pag aayos sa mga dadalhin ko

"Pero maiiwan kayong mag isa dito Inay, baka malungkot kayo. Wala pa naman din sila kuya dito para samahan ka.."- tumalikod ito at napansin ko ang pag taas baba ng balikat nito, hudyat ng tahimik nitong pag iyak

"O-okay lang ako d-dito anak, wag mo ako alalahanin! Isipin mo ang pagtatrabaho mo bilang Doctor sa Maynila.."- may lungkot sa mga tinig ni Inay

"Saka kaya ko ang mag isa dito anak, may pagkaka abalahan ako dito.."- tumahimik na lang ako at napatungo

Hindi ko ibig na magpunta sa Maynila kaya lang ay dun ako nadestino bilang doctor sa isang sikat na hospital sa syudad. May trabaho naman ako dito sa probensya namin bilang doctor, kaya lang nabigyan ng pagkakataon at nadestino sa Manila. Doble din ang sahod dun kaya di nagdalawang isip si Inay na pumayag ng magpaalam ako.

Labag man sa kalooban ko pero kailangan kung umalis. Maiiwan mag isa si Inay dito sa bahay, wala na kasi ang Itay. Namatay si Itay dahil sa Cancer sa utak, nasa stage 4 na sya kaya di na kinaya ng katawan nya.

May tatlo akong mga kapatid at puro lalaki. Si kuya Provis ang matanda samin, sumunod si kuya Non, si kuya Jay at ako ang bunso. Si kuya Provis at kuya Non ay parehong Brain Surgeon, ako naman Psychiatric samantalang si Kuya Jay ay isang Architect at Engineer. Namana nya ang propisyon na yan sa aming Itay samantalang kami naman ay sa aming Inay.

Hindi kami mahirap di din naman kami mayaman, sakto lang na nakakakain kami tatlong beses sa isang araw.

"Anak mag iingat ka dun ha"- tinanguan ko si Inay at niyakap

Nandito na kami ngayon sa Airport ng Tacloban city, pag sakay pa lang namin ng Van sa Guiuan ay tudo paalala na si Inay hangang sa nakarating na kami dito sa Tacloban ay ganun pa din.

"Mag iingat ako dun Inay wag ka mag alala, tatawagan kita pag nakarating na ako ng Manila."- di ko inasahan ang pagbatok nito sa akin kaya napa igik ako

"Siguraduhin mo lang Kixone Romano! Naku!"- ang sadista talaga ni Inay. tsk tsk tsk

NAKASAKAY na ako ngayon ng eroplano, iniisip ko kung ano ang magiging buhay ko sa Manila. Sana naman ay hindi mahirap. Hindi ako kina Tita Alicia titira, napagusapan na namin yun kagabi. Ang mga kapatid ko ang susundo sakin pagkadating ko ng Manila.

Napahikab ako bigla, inaantok na ako kaya di ko natulog na lang muna ako.

-----------

Jay's POV

"Kuya Provis bilisan mo dyan!"-

"Nak ng putakteng manok naman Non, ito na nga nagmamadali na!"-

Nandito kami ngayon sa Opisina ni Kuya Provis, hinintay kasi namin sya dahil may inoperahan pa sya kaya ito sila ngayon nag sisigawan dahil baka ma late kami sa pagsundo sa bunso namin. Ayaw pa naman nun na pinaghihintay.

7:50 a.m na! shit baka ma late kami!

"Ano kuya di kapa ba tapos dyan!? bilisan mo sa pagpirma!"- May importante kasi itong kailangan pirmahan kaya ito sya aligaga sa pag perma.

"Oh tapos na halina kayo, masyado kayong atat eh!"- napatingin naman kami kay kuya Provis

"Wow Bro! baka di mo kilala susunduin natin, 7:40 na at 8:00 ang dating nya"- kinausap nito ang sekretarya kaya huminto muna kami saglit

"KUYA!"- panabay naming sigaw ni kuya Non kaya nabaling samin ang tingin ng mga taong naglalakad sa hallway

"Ang iingay nyo talagang tatlo, para kayong di mga lalaki.."- napatingin kami sa nagsalita

"Oh sorry Doc Mashia.."- hinging paumanhin ni Kuya Non sa kapwa doctor

"Saan ba punta nyo at parang madaling madali kayong tatlo?"- Si kuya Provis na sumagot sa kanya

"Sunduin namin bunso namin kaya aalis na kami!"- hinila kami ni kuya Ethan para makasakay na ng Elevator

Nang bumukas ang pinto ng Elevetor ay pumasok na kami at agad pinindot ang basement kung nasaan ang parking lot. Biglang tumunog ang cellphone ko na hudyat na may tumatawag, kay kinuha ko ito sa bulsa at sinagot.

"Hello?"- isang unregister number ang tumawag

"Pag hindi kayo nakarating dito sa airport ng 10 minutes magwawala ako dito! Bwesit!"-

Nanlaki ang mata ko sa narinig, Holy Crap! 8:05 na! Shit late na kami! Nakarating na kami sa basement!

"Bilisan nyo! late na tayo, si Kix ang tumawag 10 minutes lang daw kung hindi magwawala sya sa aiport!"- nagtakbuhan naman ang dalawang gunggung papasok sa kotse na gagamitin namin na as usual kotse ko, tsk! pinaharorot ko na para makarating kami agad sa airport.

----------------

Kix's POV

Nakakabwesit! wala pa ang mga kuya nya, kanina pa sya dito ng 8:00 at ngayon nga ay 8:30. Kanina pa nya gustong magwala pero d nya ginawa kasi pagkakamalan syang baliw.

Aba! ang ganda naman nyang baliw kung ganun. Inaantok na din sya, kaya kailangan na talaga nyang makauwi dahil may trabaho pa sya bukas ng umaga.

Ilang minuto pa ang dumaan, nakita nya ang mga kuya nya na pababa ng kotseng nakaparada sa harapan nya mismo.

"Sis, we---"- Nabitin sa ere ang dapat na sana'y sasabihin ng kuya Provis nya ng tinalikuran nya ito at pumasok sa backseat. Pagkalapat ng likod nya ay di na nya alam ang sunod na nangyari dahil sa nakatulog sya, narinig na lang nya ang pagtatalo ng mga ugok nyang kuya hangang sa mawalan na sya ng malay.

****************

Kixone Romano  (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon