Chapter 2

2 0 0
                                    

Tin's POV:

" Aling Menda ito na po yung renta ko ngayong buwan. " inabot ko sa kanya ang pera sabay ngiti ng malapad sa landlady namin.

"Ayy ang aga mo naman nagbigay Tin maaga sweldo mo ngayon no? " sabay tawa ng mahina ni Aling Menda na siyang nagpangiti sakin.

"Opo! Mas mabuti ng maaga ho baka wala na akong maibigay kung papatagalin ko Pa. At alam kong kailangan mo yan para sa mga anak niyo.

"Hay nako ikaw talagang bata. Oh siya pumasok ka na baka mahuli ka sa trabaho. " nagmano ako sa kanya bago lumabas ng bahay.

Kabababa ko lang sa tricycle ay sinalubong agad ako ni Mia kasamahan ko sa trabaho at matalik ko naring kaibigan simula ng umalis ako. Isang ngiti nag salubong ko sakanya na ginantihan naman nimo ng yakap.

"Ang aga mo ah.. Inaabangan mo ba ako or si Marco haha" isang halakhak ang binitawan ko matapos akong hampasin ni Mia sa balikat.

"Ikaw ang nilapitan ko diba malamang ikaw ang inaabangan. Saka hindi namn daw yun papasok ngayon dahil may klase daw." may paipit Pa ng buhok sa tenga matapos sabihin yun.

"Hahaha huwag ka ng magkaila kilala na kita Mia hulog na hulog ka don kay Marco. At alam mo talagang may klase siya huh haha. " hinawakan ko siya sa braso at naglakad na papasok sa opisina.

"Tumigil ka nga Tin chismosa mo talaga! " sabay kaming nagtawanan papasok.

Kakatapos lang naming magtanghalian ni Mia at kababalik ko lang sa mesa ko ng may kumatok.

"Pasok! " inayos ko ang suot kong damit at ngumiti sa taong nasa harapan ko.

" Oh Claire anong atin? " lumapit siya at inabot ang isang envelope.

" Ma'am ito po yung bagong klayente natin, kay Marco po ito na ka assign kaso hindi Pa niya tapos ang huling klayente niya. Pinapatapos ni Miss Emily sayo dahil importante daw po ang klayente kaya kailangan na asikasohin." kinakabahang tumingin ito sakin.

" Si Mia meron ding bang assignment na bago? " tumango Lang siya at halatang naghihintay na sumangayon ako sa bagong klayente.

" Oh cge ako na bahala nito tatapusin ko lang ang pinaasikaso ni Miss Emily at isusunod ko to." ngumiti na Si Claire matapos kung sumangayon para bang nabunutan ito ng tinik.

" Salamat ma'am Tin, alis na ho ako. " pagkasara ng Pinto ng opisina ay napasandal ako sa swivel chair at hinilot ang sintido. 

Hindi ko kayang biguin si Ma'am Emily sa mga klayenteng binibigay niya sakin. Nagtratrabaho ako sa isang Furniture Company dito sa Baguio. Namuhay ako ilang taon na ang nakakalipas, binago ko ang itsura ko mula buhok hanggang sa pananamit upang hindi ako makilala. Isa si Mia sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ngunit hindi ko minsan binahagi ang buhay ko lalo na kay Miss Emily na siyang tumulong upang magtrabaho sa kanya bilang head of marketing. Iniwan ko lahat kung meron ako at handa kung panindigan lahat hanggang sa makakaya ko. Alam kong tuso ang ama ko at alam Kong pinahahanap na ako ngayon dahil ako ang kailangan niya at hindi ko hahayaang mangyari ang gusto niya. Uunahan ko siya bago niya ako magamit.

Napatingin ako sa envelope sa ibabaw ng mesa at binuksan ito. Hindi ko Pa natatapos basahin ang laman nabitiwan ko na ang papel. Pinagpawisan at subrang nanginig ang kamay ko sa aking nabasa.

"Hindi ito maaari!"

Pinulot ko ang papel at siniguradong tama ang pagkakabasa ko sa pangalan ng klayente.

"Klievan James Bartolome.. " napahawak ako sa gilid ng mesa at dahan dahang napatayo sa upuan.

Klievan's POV:

" Sir, I already contacted the furniture company in Baguio and according to them the marketing head will be here to manage the project. " si Ethan ang assistant ko ng ilang taon.

" Good! Make sure of it Ethan and don't forget to contact me as soon as she arrives" napakunot ang noo niya at alam ko na ang dahilan non.

" Sir, how did you know that it's a she? At Ikaw po ang sasama sa marketing head?" napatayo ako at pumwesto sa bintana ng opisina at tumingin sa ganda ng ilaw sa syudad.

How do I know her? Well, siya yung babaeng sinaktan ako at iniwan ako.

" I just know! Please clean my schedule once the marketing head will be here Ethan." napapikit ako at hinilot ang sintido. Then Ethan talk.

" Yes sir! Consider it done. I'll go ahead sir kung wala na ho kayong ipapagawa. " isang tango lang ang sinagot ko at tumingin uli sa ganda ng  mga ilaw.

It's been a lot of years, mula noon I haven't forget you kahit ang mukha niya it's still vivid.

Ang dami Kong tanong na siya Lang ang makakasagot. Kailangan ko ng katahimikan hindi lang sa isip pati rin sa puso. Ilang taon na akong nakakulong sa nakaraan at ang nakaraan ko lang ang makakasagot noon at ikaw yun Anna.

Tinitigan ko ang larawan niya sa mesa ko. Gusto ko uling makita ang ngiti na Yan ang tawa niya.

" Are you happy? Do you still love me Anna? " napaupo ako sa upuan at bumuntong hininga.

JEALOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon