Chapter 3

0 0 0
                                    

Tin's POV:

Matapos Kong malaman kung sino ang magiging klayente ko ay agad Kong tinawagan si Miss Emily at ngayon niya ako gustong makausap tungkol doon. Heto ako't nakahanda ng buksan ang pintuan at hinahanda ang sariling hindi tanggapin ang trabaho. Binuksan ko ang Pinto at ayon siya prenteng nakaupo sa upuan at may binabasa.

"Miss Emily? " nag isang katok ako upang makuha ang attensiyon niya at ng ito'y humarap sinalubong ko ang mga mata niya.

" Is this all about yesterday Tin? I already told you that it's a good oppurtunity for you and you're more suitable to win the project Tin. " nanginig ang kamay ko at namamawis ang noo ko.

Paano ko ito tatangihan kung kailangan Kong magpanggap sa kanilang lahat. Hindi pwede na magkita kami, kahit na naka disguise ako alam Kong makikilala niya ako.
Hindi maaari!

" Miss Emily hindi ko ho kailangan ng mataas na posisyon at ang dami ko Pang tatapusin kung pwede ho ibigay niyo nalang kay Mia or kay Marco oh kung sinong magagaling huwag na ako. " tinitigan ko siya ng matiim sa mga mata ganto ako noon kay dad at epektibo ito sana ngayon mangyari rin.

Tumayo si Miss Emily at lumapit sakin. Napaseryoso ako at tumuwid ng upo.

" Bakit ba ayaw mo? Sabihin mo nga sakin Tin.." Palapit siya ng palapit yung tingin niya parang kilala niya ako pero siguro nagkakamali lang ako.

" Ano po? " namamawis na ang kamay ko dahil alam Kong hindi ko to matatakasan.

" Are you hiding something? " napatayo ako bigla at nanlisik ang mga matang tumingin sa kanya.

" No! What I'm concerned about is my work. You know what Miss Emily I can do it in one condition." napangiti siya at ako naman hinihintay ko ng pasukin ang empyernong ako ang gumawa.

" Spit it out Tin" tumingin ako sa kanya at sinabing.

" Gagamit ako ng ibang pangalan " natahimik siya.

" Gawin mo kung anong gusto mo just do your job the way it is. " sa puntong yun hindi ko na alintana kung ano ang unang hakbang nanginginig ang mga kamay ko at ang bigat ng katawan ko dahil alam kong makikita ko siya ulit.

" Salamat, alis na ho ako. "

Pagkasara ko ng Pinto unahang pumatak ang mga luha na kanina ko Pa pinipigilan. Alam ko kung paano mag control dahil yun ang isa sa tinuro ng mundo ko noon ang maging malamig, ang hindi magpakita ng kahinaan.
Pinahid ko ang mga luha ko at bumuntong hininga.

" Alam Kong may papasukin akong panganib at  na may nakahandang empyerno pero bakit ngayon Pa? Bakit siya Pa ulit? "

Kakauwi ko lang galing sa trabaho at maghuhubad na ko ng mga ginamit kong pang disguise. Sa bahay na to dito nakatira si Tin ngunit sa kabilang banda si Savanna ay nakatira sa isang liblib na lugar. Inalis ko ang peke kong buhok at nilugay ko ang mahaba kong buhok at sinuot ko ang isang itim na hoodie at itim rin na leather pants. Inalis ko ang contact lens ko at nagsuot ng sapatos. Sino ba namang magaakala na ang isang Savanna Christine Chua ay mamumuhay ng ganito. Napatingin ako sa salamin, ito ang mukhang hinahanap at gagamitin at bilang Tin gagawin ko ang lahat matakpan lang ang mukhang to.

Sinigurado ko munang malinis ang loob ng bahay at kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. Bago ako umalis dumaan ako sa Pinto ng bahay ni Aling Menda at isinuksok ko ang isang subre at mabilis na naglakad papunta sa isang abandonadong gusali kung saan nakatago ang kotse ko. Inilabas ko ang telepono ko upang ilawan ang paligid ng makita ko na ang sasakyan ay diretso kong inilagay ang mga gamit sa likod ng sasakyan at pagkapasok ko sa kotse ay pinaharorot ko ito.

JEALOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon