3rd Person's POV:
Nasa hideout kami ngayon at iniisa-isa ang lahat ng taong sisingilin.
" Thomas Chua" isang punyal ang tumarak sa larawan ng sinabing pangalan na nakasabit sa dingding.
" Sino ang uunahin natin? " saad ng lalaking nagtarak ng punyal.
Napatitig ako sa lahat ng larawan na sangkot at tumingin ako sa lahat na nasa silid.
Tila naghihintay rin sila sa sasabihin ko dahil sa etsura palang ng mukha nila handa ng lumaban. Isang ngiti ang ginawa ko at kinuha nag larawan niya.
" Klievan James Bartolome " at tinaas ko ang larawan upang makita nilang lahat.
Isa-isa silang nagtinginan at bumalik sakin ang pokus kaya tinanguhan ko lamang sila.
" Sino ang gagawa ng misyong yan? "
" Ako at ikaw King " at sabay na nagsitinginan ang lahat kay King na siyang pinakatahimik ngunit malinis magtrabaho.
" Call "
Binaba ko ang larawan at napangiti sa kanya. Umupo ako sa silya at binubusisi ang nasa harap ko.
" It's now or never "
Tin's POV:
" Kalma ka lang Tin, hindi ka niya nakilala" at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Looking myself in the mirror hindi makakaila na nababalisa ako. Napapikit ako at pilit na inalala ang dahilan bakit ko ito ginagawa. Ilang segundo akong nakapikit at ng pagbuka ng mga mata ko hindi ko namalayan na lumuluha na ako.
Hindi ko maikakaila ang nararamdaman ko matapos ko siyang makita uli. I badly wanted to hug him tight and ask how he's doing but I can't. I can see that he really did change physically and emotionally. Back right there when I look him in the eyes there was no emotion at all and I feel accountable why he turned out like that.
Maraming paano at tanong sa isip ko tulad ng paano kung hindi ko siya nakilala hindi ko sana siya iniwan at nasaktan. Paano kung hindi nalang ako naging anak ng isang malademonyong ama. At kung hindi nalang niya ako minahal para hindi umabot sa ganito na kailangan niyang madamay ng dahil sa akin. Pero hanggang tanong lang ang magagawa ko at ang kailangan kong panindigan ang pangako ko na kahit ibuwis ko ang buhay ko maprotektahan ka lang at ang lahat na konektado sakin ngayon.
Naglalakad ako ngayon papuntang elevator dahil natapos na ang meeting at napirmahan na ang kontrata ang kailangan ko lang ay araw-araw na pumasok sa opisinang to para sa proyekto. Iaabot ko na sana ang kamay ko para bumukas ang elevator ng may pumindot na non. Tiningala ko kung sino yun at mukhang nagkamali akong gawin iyon. Ang pabango niya at nanunuot sa ilong ko at napako ang mga mata ko sa mapupula niyang mga labi ngunit pinikit ko ang mga mata ko at umatras palayo sa kanya.
" Thank you, Mister Bartolome " balik na naman ako sa pagpapanggap ngunit hindi maikakaila sa boses ko na napapautal.
Tinitigan niya lang ako at tumango. Napakunot at napasalubong ang kilay ko sa ginawa niya. Aba mukhang nagbago na nga ang lalaking to marunong ng mang snob. Ang taray huh hindi man lang nakuha sa alindog ko eh noong dati patay na patay to sakin. Napalabi ako at hinintay na lamang na bumukas ang elevator. Nang bumakas ay nauna akong pumasok kasunod siya at sumara na ang pinto. Napatingin ako sa kanya ng palihim ng may kinausap siya sa telepono at bakit parang ang saya ng loko.
" I'm about to go there just wait for me.
Yeah I'm sorry again, tsk love you too bye. " at binulsa na niya ang telepono habang ako ay napako sa kinatatayuan ko.Bakit ako nag rereact ng ganito? Bakit nasasaktan ako ng ganito? Diba dapat wala na dahil wala na akong karapatan sa kanya, wala na akong karapatang mahalin siya ulit at lalong wala sa lugar na magselos ako sa girlfriend niya. Damn what am I thinking?
Pinakalma ko ang sarili ko at ng bumukas ang elevator sa unang palapag ay nauna ako sa kanyang lumabas at diretsong naglakad dahil mukhang hindi na makakahintay ang luha ko gusto ng mahulog. Isang hakbang nalang at makakalabas na ko ng lobby ng magsalita siya." Miss Zamora you did a great job earlier and I hope starting tomorrow the project will run smoothly. " malalim na boses niyang sinabi na nagpahinto sa akin.
Tin pigilan mo kailangan mong umarte may misyon ka pang kailangang tapusin. Huminga ako at humarap sa kanya na nakaplastar ang ngiting maganda Pa sa sikat ng araw.
" My pleasure Mister Bartolome and it's my job so I guarantee you that our company will not dissapoint your company. " matapos kong sabihin yun ay nagpaalam na ako ngunit bago paman ako makatalikod ay nakita ko ang ngiti na iisang tao lang ang nabigyan kahit pa noon. Hindi maaari guni guni ko lamang iyon.
Nasa loob ako ngayon ng sasakyan at kinakalma ang sarili ko dahil sa mga pangyayari kanina. Tumingin ako sa salamin ng sasakyan kung may mali ba sa disguise ko ngunit wala naman hindi niya ako nakilala. It's been 5 years for God's sake marami nang nagbago kaya yung kanina wala lang yun. Pinaandar ko na ang sasakyan at ng nasa highway na ko ay biglang tumunog ang telepono ko na siyang nagpangiti sakin.
" Yes?You already miss me huh? " matamis kong saad na nagpaganda ng mood ko.
Narinig ko ang ingay na nasa kabilang linya at hindi na ako nagtataka kung magkasama na naman ang mga isip bata.
" Hey Tin Zamora when are you comming back? King missed you already haha" narinig ko na nagtatawanan ang lahat maliban sa sumigaw na si King.
" I didn't say that! Don't make issues you kid! "
Natawa nalang ako at ngayon ko lang naramdaman na kailangan ko yun ang tumawa yung parang gusto kong kalimutan ang nakaraan at gumawa ng panibago kaso mukhang impossible yung mangyari. Napa ayos ako ng upo sa sasakyan at nagsalita.
" Listen, I can't be with all of you for now and you know why. I'll be staying here for a couple of weeks so while I'm gone work on the mission do I make myself clear? " natahimik ang nasa kabilang linya sandali at bumalik uli ang ingay.
" Don't worry Sav we have a plan already. Just please be safe malapit kalang sa target. And about him I'll call later when these idiots gone make sure you answer my call or else. " here we go again, she's always like this when she wants something she will surely get it by hook or by crook.
" Alright! I'll hung up now I'm driving bye. " pinatay ko na ang tawag at napahilot sa batok ko dahil kailangan kong ikwento sa kanya mamaya ang nangyari kanina.
" Bahala na. " at pinaharorot ko na ang sasakyan papunta sa hotel na titirhan ko.
BINABASA MO ANG
JEALOUS
General FictionIf loving means sacrificing everything then so be it! Paano kung nagsakripisyo ka para sa taong mundo mo na makakaya mo bang tuparin ang pangakong minsay binitawan mo na? Kaya mo pa kayang magpatawad kung ikaw mismo hindi kayang patawarin ang saril...