Chapter 14

37 6 0
                                    

"Teka lang!" nagmamadali kong bawi no'ng cellphone. Mabuti nalang talaga at hindi niya pa na-open.

"Why? May itinatago ka ba diyan?" usisa niya. Tss. Pake ba nito?

Mabilis pa sa alas k'watrong dinelete ko 'yong picture niya kanina habang nakikipaglaro ro'n sa mga bata. Deleting pa 'yong isa nang bigla naman niyang hinablot 'yong cellphone.

"Ano ba kasi 'yang tinatago mo, ha?"

"Hoy, ibalik mo muna sa 'kin 'yan!" habang pilit ko pa ring inaabot ng isang isa kong kamay 'yong cellphone na pilit niya rin namang inilalayo habang tinitingnan ito.

'Pag nakita niya 'yon, paniguradong lalaki ang tenga niyan tapos aasarin ako na may gusto sa kan'ya kahit wala naman talaga! Bwiset!

Ganoon lang ang eksena namin hanggang sa makuha ko ito pero sad'yang minalas lang dahil sa paghakbang ko patalikod, naapakan niya ang isa kong paa dahilan para ma out of balance ako.

Lahat ng kilala kong Santo tinawag ko na para iligtas ako at mukhang nasagot naman agad ang dalangin ko dahil sumandal lang ang likod ko sa pinto ng kotse ni Wu Jin. Nakapikit akong ngumiti at nagpasalamat ngunit agad rin akong napadilat nang maramdaman ko ang mga brasong nakasuporta sa likod ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Kaagad akong nagbaba ng tingin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, pero mukhang mali rin ata na ginawa ko 'yon dahil napako naman ang paningin ko sa labi niya.

Actually, this is how I play.

Ganyan ako kalinis makipaglaro.

Biglang nag init 'yong mukha ko nang maalala ko ang mga katagang 'yan na kung saan ko unang natikman ang labing 'yan. Pakening shit! Ano na ba nangyayari sa 'kin? Binalik ko nalang sa kan'ya ang paningin pero nasa labi ko naman ang tingin niya. Mas lalo akong na conscious sa posisyon namin.

"L-lumayo ka nga sa 'kin.." mahinang sabi ko saka bahagya siyang itinulak pero parang wala lang 'yon sa kan'ya.

Nanatili pa rin siyang nakatitig sa labi ko hanggang sa unti-unting bumaba ang mukha niya palapit ng palapit sa mukha ko. Wala akong magawa kundi ang pumikit.

"You really want me to kiss you, huh?" napadilat ako ng binulong niya sa 'kin 'yan. Gosh! Nakakahiya! May pa pikit-pikit pa akong nalalaman--- "And I've been dying to taste your lips again," at sa isang iglap lang, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

He kissed me---wait! What? He kissed me again?!

Half part of me wanted to pushed him away and the other half of it wanted to let him be and just savor the moment like WTF?! This is not so me!

It was just a plain kiss but it gives me a thousand bolts that made my whole body electrified and even loose me in my mind. I felt him slowly move his lips---

"Ahem!"

Pareho kaming napaigtad sa gulat ng marinig namin ang malakas na tikhim na iyon.

"Por diyos, por santo! Mga kabataan talaga ngayon, hindi na marunong mahiya!" anang isang may edad ng babae na may dalang pang walis. Isa siguro 'to sa mga maintenance nitong plaza. Nandidilat ang mga matang tumalikod siya sa 'min.

Sobrang nakakahiya talaga 'yon! Fuck you self! Kaagad kong tinulak palayo si Wu Jin at tinalikuran siya dahil sa sobrang kahihiyan.

"You took me a picture while I was playing with the kids pala kanina, huh?" nanlalaki ang mga mata kong lumingon kay Wu Jin na siya nang may hawak ng cellphone ko ngayon at kasalukuyan ng tinitingnan 'yong mga stolen ko sa kan'ya kanina.

Destined To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon