Chapter 32

24 5 0
                                    

"Not to fall inlove with you, but I just did."

Paulit-ulit na sumasagi sa utak ko ang sinabing 'yan ni Wu Jin kanina. Para akong patay na naglalakad papasok sa loob ng bahay namin, ni hindi ko nga alam kung pa'no ako nakauwi sa gayong sobrang layo ng inilipad ng utak ko. Hinabilin talaga 'yon ni Lolo sa kan'ya? Baka naman mali lang 'yong narinig niya? Ewan, ang gulo! Lolo naman eh! Pinapakialaman pa talaga love life ko!

"Kahit na! Hindi niyo pa rin dapat inilihim sa 'min 'yong totoo!"

Sigaw kaagad ni Maureen habang umiiyak ang sumalubong sa 'kin nang tuluyan na akong makapasok sa loob habang pilit na umiiwas sa tangkang paglapit ni Mama sa kan'ya.

"At alam mo kung ano 'yong masakit, Ma?! Sa ibang tao ko pa 'yon nalaman! Iyong totoong dahilan ng pagkamatay ni Lolo!"

"Anak, I'm sorry!" 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ni Mama saka napaupo sa sahig at umiyak. "Hindi ko inakala na hahantong tayo sa ganito. Balak ko namang sabihin talaga 'yon sa inyo sa tamang panahon,"

Hindi ko na naman napigilan ang maiyak. Bwiset na mata! Hindi man lang maubos-ubos ang luha!

"At sa tingin niyo hindi pa 'yon ngayon?! So, kailan pa pala?!" halos mapaos nang sigaw ni Maureen kay Mama.

"Maureen, tama na," mahinahon kong sabi. Sabay pa silang gulat na lumingon sa 'kin.

"Anong tama na?! Ilang taon tayong nabuhay at naniwala sa kasinungalingan, te! Ang sakit dito eh!" sabay turo niya sa kan'yang dibdib, "Ang sakit sakit na mismong pamilya mo, inilihim sa 'yo 'yong totoo!"

"Ginawa lang naman nila 'yon para sa 'tin. They have their reason why they keep it from us,"

"Ha! Yeah right?" sarkastikong aniya bago nagmamadaling umakyat papunta sa kan'yang k'warto.

"Maureen!" tawag ko sa kan'ya pero pinigilan na ako ni Mama.

"Hayaan mo muna siya, anak."

Bumaling ako sa kan'ya nang maramdaman ko ang marahang paghawak niya sa kamay ko.

"Anak, I'm sorry! I'm sorry kung inilihim namin 'yon sa inyo ng Papa mo 'yong totoo. Ginawa lang naman namin 'yon para sa ikabubuti niyo at dahil rin sa hiling ng Lolo niyo," umiiyak na namang sabi ni Mama.

"Naiintindihan ko, Ma."

Wala rin namang mangyayari kung pati ako magagalit sa kanila ni Papa dahil alam ko naman na ang lahat kung bakit sila naglihim. Niyakap ko nalang si Mama para iparating sa kan'ya na okay lang ang lahat sa akin at naiintindihan ko sila. Naiintindihan ko rin naman ang galit na nararamdaman ni Maureen ngayon pero alam ko na kusa niya rin iyong matatanggap at maiintindihan ang lahat.

"So, totoo talagang Chinese ka, te?" naninigurong tanong ni Sheena sa 'kin nang sabay-sabay kaming mag lunch.

Dalawang linggo na ang nakalipas at balik na kami ni Krystal sa sk'welahan dahil tapos na ang two weeks immersion namin at ngayon lang ulit kami nagkasabay na mananghalian ulit nina MJ, Sheena, at Ayumi. Syempre kasama pa rin sina Wu Jin at Liam.

Naging okay na rin 'yong pagtrato sa 'kin ng mga estud'yante, hindi na nila ako pinagchi-chismisan takot lang nilang e-expell ni Lolo Wu Tian na dalawang linggo na ring naupo bilang chairman sa unibersidad na ito.

"Ang unli mo rin, 'no? Last week tinanong mo rin ng gan'yan si Maureen tapos ngayon, 'yan pa rin ang itatanong mo kay Ate Mariela? Jusko 'day! Ang unli mo talaga!" pabiro namang singhal ni MJ kay Sheena na ikinanguso lang nito.

"Parang naniniguro lang, eh! By the way, itinadhana talaga kayo ni Kuya Wu Jin te, 'no? Yiiieeeee!"

Speaking of Wu Jin, these past weeks nararamdaman ko ang unti-unti niyang pag-iwas sa 'kin. Nakakabahala dahil alam kong may kinalaman 'to roon sa habilin ni Lolo sa kan'ya. Hindi siya nakipaghiwalay sa 'kin pero natatakot akong doon nga ang punta namin.

Destined To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon