Chapter 35

29 5 0
                                    

Nagising akong may ngiti sa mga labi. Sino ba naman ang hindi? Kung katabi mong matulog ang taong kumukumpleto ng araw, gabi, at nang buong buhay mo. Iyon nga lang pagmulat ko ng mga mata wala na siya sa tabi ko.

Natataranta naman akong bumangon dahil baka naabutan siya ni Papa rito sa k'warto ko at baka kung ano na rin ang ginawa no'n sa kan'ya. Oo, may tiwala ako sa sinabi niya kagabi na ipaglalaban niya ako, which melted my heart, pero hindi ko naman kasi alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Papa.

Nagsusuot na ako ng tsinelas nang dumako ang paningin ko sa isang sticky note na nakapaskil sa librong nakapatong sa bedside table ko. Kusa nalang sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng mabasa ang kan'yang sulat-kamay.

Hey baby, good morning! <3

I wrote this while you were sleeping. I didn't bother to wake you up kasi ang himbing ng tulog mo at naglalaway pa, anyways, I love you so much. I'm sorry kung hindi mo makikita itong kag'wapohan ko paggising mo, maaga kasi akong hinanap ni Lolo. Call me after you read this. I love you!

Pasalamat talaga siya at mahal ko siya. Tangina, naglalaway ba talaga ako? Kinapa ko ang gilid ng bibig ko. Wala naman, ah? Tss! Pero hala, baka pinahiran niya? Eww! Dinampot ko na ang cellphone ko at akmang tatawagan ko na sana si Wu Jin nang bigla namang bumukas ang pinto ng k'warto ko.

"Ming Zi, maghanda kana. Nariyan na si Liam sa baba, naghihintay sa 'yo." may awtoridad sa boses na sabi ni Papa.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kan'ya. Ayoko rin namang masampal ulit. Tama na 'yong isang beses, pangalawang beses dahil alam kong tutuparin ni Wu Jin ang pangako niya sa 'kin na ipaglalaban ako hanggang dulo. Sana all nalang talaga sa'min. Putek! Kinikilig na naman ako! Hindi ko na inabala pa ang sarili na magpaganda pagkatapos kong makapag-ayos tutal hindi naman si Wu Jin ang makakaharap ko. Sa kan'ya lang talaga ako magpapaganda.

Nang makababa na ako, nakita ko agad si Liam na ngiting-ngiti sa 'kin. Gusto niya bang masampal ulit? Kapal pa rin ng mukhang ipagsisikan ang sarili sa 'kin. Gano'n ako kaganda? Tsaka, hindi ba siya nakokonsens'ya para kay Krystal? Kailangan ko rin palang kausapin ang kaibigan kong 'yon.

"Good morning, Mariela." bati niya kaagad na tinanguan ko lang pero sa kaloob-looban ko, nag-uumirap na 'yong kaluluwa ko sa kan'ya. Nakakasira ng umaga.

"Oh? Is that how you treat your fiancé?" napaigtad ako sa boses na iyon ni Papa na nasa likuran ko lang pala.

"Good morning, Liam." puno ng kaplastikan na sabi ko with nakakamatay'ng tingin at ngiti pa 'yan.

Tuloy-tuloy lang ako palabas ng bahay. Inaya pa akong mag almusal ni Mama pero tinanggihan ko na dahil nawala naman na 'yong gana ko at syempre kung ano-ano na naman 'yong pinagsasabi ni Papa pero naging bingi na ang tenga ko sa kakadada niya kaya deadma nalang.

"Alin ba roon sa 'hindi ako magpapakasal sa iyo' ang hindi mo maintindihan? At nang masampal kita ulit hanggang sa matauhan kana," tanong ko kay Liam nang nasa labas na kami ng gate namin.

"This is our fate, Mariela. Why don't you accept it?" Ang tapang nito, eh. Magpapasampal talaga ulit.

"Accept it? Naririnig mo ba ang sarili mo, Liam? Kung meron man akong gustong pakasalan, si Wu Jin 'yon at hindi ikaw. Kaya tigil-tigilan mo nang ipagsisiksikan ang sarili mo sa 'kin dahil wala kang mapapala---"

"Kung hindi matutuloy ang kasal, one of you will die!" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Papa.

Anong sabi niya? Isa sa amin ang mamatay 'pag hindi natuloy ang kasal? Anong klaseng tradisyon ba 'yan? Nakakatangina!

"Fix now your mind, Ming Zi before it's too late," iyon lang ang sinabi ni Papa bago kami tinalikuran.

"See? We don't have a choice kundi ang sumang-ay---"

Destined To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon