Chapter 1

4 1 0
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ko nang kusina ay grabe nanaman ang sermon saakin ni Beverly. Bakit daw ako nagpapabaya, bayaran ko daw yung baso, mas mahal pa daw saakin yung baso. Ganyan ganyan.

Hinayaan ko nalang siyang magsalita habang kumakain hanggang sa napunta ang usapan kay Liam.

"Umuwi kaba kagabi?" hindi ko tinitingnan si Beverly pero ramdam ko ang galit sa boses niya kahit mahina lang iyon.

"Yes" sagot ni Liam.

"Uulitin ko, Umuwi ka ba kagabi?" inulit ni Beverly ang sinabi niya pero may riin na ngayon sa bawat salitang binibitawan niya.

Narinig kong bumuntong hininga si Liam. "No, Kanila Ja--" may pagaalinlangan sabi niya.

Umatras ako nang marahas na binababa na ni Beverly ang kutsara't tinidor niya. 

"Liam Kailan ka ba magaayos ha?!" Nag echo ang boses ni Beverly.

"Ma calm down" ani Lucas.

Nanatili akong nakayuko dahil ayokong madamay sa gulo.

"Bakit hindi mo gayahin si Lucas ha. He's a lot better than you, dapat nga ay siya na ang mamahala nang kompanya eh, pero yang walang kwenta mong ama pinili ka para mamahala sa kompanya." walang pag aalinlangan na sigaw ni Beverly sa mismong mukha ni Liam.

"Hindi siya walang kwenta" mahina pero mariin na sabi ni Liam.

Umiling iling nalang ako. Hindi ko na problema yan.

Padabog na umalis si Beverly sa upuan niya. Sinundan naman ni Lucas ang ina niya.

Bumuntong hininga ako at naglakad na papuntang lamesa at nagsimula nangmagligpit nang mga kinainan nila.

"I'm still eating"

Nag tama ang tingin namin ni Liam nang magsalita siya. Agad akong nagpanic at linagay ang mga naligpit ko na sa dati nitong lugar.

"Tsk" singhal niya saakin. Bumalik naman ako sa dati kong lugar at hinintay siyang matapos.

Habang kumakain siya ay hindi ko napigilang mapatitig sa kaniya.

He's handsome, hindi na ako magtataka kung may pupunta sa harap nang gate na mga babae at hinahanap siya. Magulo ang buhok niya at halata sa mga mata niya na kakagising niya lang pero hindi iyon nakasira dahil gwapo pa rin siya.

"Stop staring"

Agad akong nag iwas nang tingin nang narinig ang boses niya.

Tumayo na siya at umakyat na papuntang second floor.

Ibinuga ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan, at hindi ko alam kung bakit ko iyon pinipigilan.

Mabilisan kong linigpit ang lamesa at umakyat na sa kwarto ko. Kinuha ko ang selpon na nasa bulsa nang jacket ko at tinawagan si Ash. Tumatawag kasi siya kanina nung nagbibihis ako, pero hindi ko nasagot dahil tinawag na ako ni Beverly.

"Amara" narinig ko na ang pamilyar niyang boses.

"Ano? Ba't ka tumawag kanina?" tanong ko at umupo sa upuan.

"Uhmm Gusto ko sanang magtanong" may pagaalinlangan sa boses niya.

"Oh?"

"Anong paboritong kulay ni Liviana?" tanong niya, kaagad na kumunot ang noo ko.

"Baki-"

"Sabihin mo nalang" putol niya sa sinasabi ko.

"Bakit mu-"

"Damn it Amara!"

"Sinisigawan mo ko?!" sigaw ko sa kaniya.

"Hindi kita sinisigawan Ashton kaya Huwag mo kong sigawan!" sigaw ko ulit sa kaniya.

"Sasabihin mo nalang kasi magtatanong ka pa!" sigaw niya pabalik.

"Bakit hindi mo siya tanungin?" Halos maging isang linya na ang kilay ko dahil sa mga sinasabi at tinatanong niya saakin, napapansin ko rin na lagi na siyang tumatawag sa akin at may itinatanong tungkol kay Liviana, Liv for short.

"Ang weird pag ako magtatanong" pagdadahilan niya.

Nagkamot ako nang ulo bago sumagot "Red"

Narinig kong bumuga siya nang hangin bago magsalita. "Thank you-"

Best friend ko si Liviana, at parang magkapatid na kami. Close siya saakin, pero mas close sila ni Ash. Kaya ko lang naman siya nagong kaibigan kasi pinilit ako ni Ashton na kausapin siya.

Natigilan ako nang maalala ang sinabi niya saakin nung una kong nakilala si Liv. 

"Hindi kayo bagay. Hindi ka niya magugustuhan at hindi ka niya type, Give up" dire diretso kong sabi.

"You-" naputol ang dapat na sasabihin ko sa kapatid ko nang may kumatok.

"Amara? Sabi ni Senyora maglaba daw tayo ngayon" boses iyon ni ate Vivien.

Bumuntong hininga ako at sumigaw. "Oo susunod ako" narinig ko ang mga papalayong yapak ni ate Vivien.

"We will talk later" mariin kong sabi at pinutol na ang tawag.

Nagmamadali kong kinuha ang bed sheet na nabasa kanina na ngayon ay medyo tuyo na at pumunta na sa laundry room.

Pagdating ko ay nagkasabay kami sa pagpasok ni Ate Vivien. Nanlaki ang mga mata ko na nakita ang tambak na labahan na nakalagay sa laundry basket, mas matangkad pa iyon sa kaniya!. Agad kong naibaba ang bed sheet at dali daling tinulungan sa pagbitbit si Ate Vivien. 

"Kanino to?!" gulat kong tanong kay Ate Vivien nang naibaba niya na ang laundry basket, linipat ko na rin ang ibang labahan sa isa pang basket.

"Kay Senyora" nagkamot siya nang ulo.

"Ang rami nga eh" dugtong niya.

"Meron pa ba sa taas?" tanong ko.

"Oo yung kay Liam di ko pa nakukuha" sagot niya.

"Ako na ang kukuha, magsimula ka na" walang respeto kong sabi at umakyat na sa second floor. Alam ko ang kwarto ni Liam dahil magkatabi lang ang kwarto namin. Bakit? Bago ko pinirmahan ang mga dokumento para mabigay ko sa kanila ang bahay ay nag bigay ako nang kondisyon, at yun ang sa guest room ako matutulog.

Pero isa lang ang guest room nang bahay na ito, katabi nang kwarto ni Liam.

Nang nasa harap na ng pintuan ay kumatok ako. 

Pero makalipas ang isang minuto na pagkatok ko ay hindi niya parin binubuksan. Dahil sa pagkainip ay galit kong binuksan ang pintuan na hindi naman naka lock.

Walang tao. Tsk.

Dali dali kong kinuha ang labahan na nakalagay sa isang basket. Katabi iyon nang banyo.

Nang kukuhanin ko na ang basket ay biglang bumukas ang pintuan nang banyo at linuwa noon si Liam na walang pang itaas at naka boxer lang.

Heartless (Reyes Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon