"Amara let your brother handle this" ani ni Papa at umupo.
"Mas may tsansa ako Pa at mas magaling ako kaysa sa anak niyo, kaya ko to" nagsimula na akong kumain.
"Don't get cocky dumb ass" inis na sabi ni Ash, kambal ko. Tiningnan ko si Ash na ngayon ay matalim na nakatitig sa akin.
"Shut up" ngumisi ngisi ako nang akmang susugurin niya na ako, mabuti nalang at napigilan siya ni Kuya.
"Amara Enough" pigil ni Kuya sa akin nang tumayo ako. Nagkibit balikat ako.
"By the way, why are you here?" walang emosyon na tanong ko kay Kuya.
"This is my house Amara" mariin na sabi niya saakin.
"Diba sinabi kong huwag ka nang bumalik?" mas mariin kong tanong kay Kuya.
"Enough Amara!" sigaw ni Papa sa akin.
"Bukas lilipat na ako sa bahay ni Beverly" mayabang ang tonong sabi ko.
"Okay if that's what you want" Ani Papa. Bumuntong hininga pa siya bago tumayo.
"Amara let Ash handle this please" ani Kuya nang nakaalis na si Papa. Umupo ako sa upuan ko at kinain ang natitirang pagkain na naiwan sa plato ko.
"I can handle this okay. Don't meddle"
"But it's dangerous" Pagdadahilan niya.
"So?" sarkastiko ko siyang tiningnan.
"Don't look at me like that Amara" matalim niya akong tiningnan.
"I'll say this again, don't meddle Aiden" mariin kong sinabi ang panghuling salita at tumayo na.
Agad akong bumangon nang maramdaman ang napakalamig na tubig sa buong katawan ko.
"Ano ka prinsesa!? Gising na!" Sigaw sa akin ni TIta Beverly. Bumangon ako at suminghap nang maramdaman ang lamig sa buong katawan ko.
Tiningnan ko nang masama si Tita Beverly na ngayon ay ngumingisi.
Sinampal niya ako. "Anong tinitingin tingin mo diyan ha? Bumangon ka na!" Sigaw niya ulit sa akin at binitiwan ang baldeng hawak niya. "Linisin mo yan" ngingising sabi niya at umalis na sa kwarto. Hinawakan ko ang pisngi ko at hula ko ay namumula na ito ngayon.
Nang sumarado na ang pinto ay agad akong nag make face. Ihampas ko sa kaniya tong balde eh. Siya yung nagkalat sakin ipapalinis. Pashnea.
Hindi ko muna lininis ang kama at agad nang dumiretso sa banyo. Pabagsak kong sinarado ang pintuan nang banyo at naligo na.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?, tanggalin ko dila mo diyan eh" bulong ko habang linalagay ang shampoo sa buhok ko.
Bumuntong hininga ako nang naalala ang napanaginipan ko kanina. Isang buwan na simula nang lumipat ako dito sa bahay ni Beverly pero parang isang taon na akong nandito. Simula nang lumipat ako doon narin nagsimula ang pang aapi nila saakin. Actually siya lang naman ang umaapi sa akin hindi naman talaga kasama yung dalawang anak niya.
Wala na siyang asawa, ang sabi daw ni Ate Vivien ay iniwan daw siya nito. Buti nga sa kaniya. To tell the truth, kayang kaya kong ibalibag ang Beverly na yan palabas nang bahay na ito kasi akin naman talaga to, kayang kaya ko siyang palayasin sa pamamahay "Ko", kaso naawa ako sa kaniya eh kaya ibinigay ko nalang sa kaniya to. Kayang kaya kong bumili nang isang dosenang bahay na mas malaki nito noh, gusto mo ito nang buong subdivision.
Actually, may misyon talaga ako eh.
"Amara! Tawag ka ni Senyora, Amara bilisan mo galit na galit yung balyena" Natigil ang pag iisip ko nang kumatok sa pintuan ko si Ate Vivien.
"Sige Susunod ako!" sigaw ko pabalik at dali daling sinuot ang unipormeng pang kasambahay.
I don't mind wearing this, mas maganda ako pag naka maid suit noh. Ngumisi ngisi ako nang sa malayo palang rinig na rinig ko na ang sigaw ni Beverly. Ang ingay niya.
"I don't want this! I want sunny side up!" isip batang sigaw ni Beverly sa kasambahay. Dali daling pumuntang kusina ang kasambahay, bakas sa mukha niya ang takot. Ang panganay na anak naman niya ay pinipigilan siya sa paglapit sa kasambahay. Napansin ko rin na wala pa sa hapag kainan ang bunso ni Beverly. Pustahan hindi iyon umuwi kagabi.
Linagay ko ang mga kamay ko sa bulsa at pumunta sa kusina. Naabutan ko si Ate Amy, yung sinsigawan ni Beverly kanina na tumutulo ang luha habang binabaliktad ang itlog. Bumuntong hininga ako at nakaramdam nang awa.
"Ako na diyan, kumain ka muna" bulong ko sa kaniya, agad naman siyang umalis doon. Pinagpatuloy ko ang pagluluto nang itlog. Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad.
"Salamat Amara" her voice broke. I sigh. Araw araw nalang ganito.
"Nasaan na yung pinapaluto ko!" rinig kong sigaw nang balyena.
Isampal ko sa kaniya tong frying pan eh. Ginawa kong omelet ang isa at ginawang sunny side up ang isa. Pinaghiwalay ko iyong nang plato at tinago ang omelet sa likuran ko.
Pusta aayawan niya tong sunny side up na to.
Lumapit ako sa lames, linagay ko ang plato nang sunny side up sa gitna nang lamesa at ang omelet naman sa malapit kay Beverly. Nag tama ang paningin namin ni Liam, ang bunsong anak ni Beverly. Tinaasan niya ako nang kilay, agad naman akong nag iwas nang tingin.
"Gising na pala ang prinsesa!" sarkastikong ani Beverly.
Binalewala ko lang siya at tumayo sa gilid niya. Ganito araw araw, tatayo ako sa gilid niya at ako daw ang kakain nang mga tira nila, as if naman kakainin ko tira niya noh. Kadiri siya. Kaya kong hindi kumain nang isang buwan noh.
Natigil ako sa pag iisip nang umubo ubo si Liam, agad naman akong kumuha nang tubig at binigay iyon sa kaniya. Hinawakan niya ang baso at sa kasamaang palad ay nahawakan niya ang kamay ko.
Naramdaman ko ang kakaibang kuryente na dumaloy sa kamay ko kaya nabitiwan ko ang baso, laking gulat ko nang parehas kami nang ginawa. Naramdaman niya rin?
Agad akong nag panic at pinulot ang mga bugbog gamit ang mismong kamay ko. Bumalik ako sa huwisyo nang naramdaman ko ang sakit na galing sa palad ko.
"Ano ka ba!?" sigaw ni Liam, tiningnan ko siya. Umupo siya, hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila akong papuntang kusina.
"Linisin niyo iyon" utos niya sa kasambahay na naghuhugas na nang mga pinagkainan nila. Tapos na kumain ang mga kasambahay kung ganon, ako na lang pala ang hindi kumakain.
"Balak mo bang saktan ang sarili mo ha!?"
Marahas niyang kinuha ang first aid kit sa lalagyanan.
"Ako na, bumalik kana doon" walang emosyon kong sabi at Inagaw ko sa kaniya ang kit.
"Tsk" Tinapon niya saakin ang kit.
Pagkaalis niya ay binalik ko na ang kit sa lalagyanan at hinugasan nalang nang tubig ang palad. Hindi naman mqsakit eh.
BINABASA MO ANG
Heartless (Reyes Series#1)
RomanceAmara Rae Reyez, an accident take both of her parents lives. That's why her Aunt Beverly is the one who took her and take care of her. But her Aunt Beverly abuse her. But an accident happen to her and they found out that she's adopted and she knows...