Chapter 2

4 1 0
                                    

Nagpunas siya nang buhok niya at tiningnan ako na magkasalubong ang kilay.

Napaawang ang labi ko nang nakita ang buo niyang katawan, bumagsak ang tingin ko sa 8 pack abs niya. Tumulo ang laway ko nang hindi ko namamalayan

"What are you doing here" kunot noong tanong niya saakin.

Nanlaki ang mga mata ko at pinunasan ang labi, tinakpan ko na rin nang dalawang kamay ko ang namumula kong mukha.

"K-Kukunin ko l-lang yung mga l-lalabhan" utal utal kong sagot habang nakatakip ang mga mukha.

"Do you know how to knock?" ramdam ko ang inis sa boses niya.

"S-Syempre alam ko!" agad na sigaw ko.

"Then why you didn't knock?" he said sarcastically.

"B-Because" pilit akong naghanap nang salita sa utak ko pero para yatang nag black out ang utak ko at puro nalang ang mukha niya ang nasa utak ko!, at kada rinig ko nang boses niya ay nagfaflash sa utak ko ang mukha niya at ang katawan niya!

"Tsk. Just leave already" naputol ang pag iisip ko nang narinig ko siyang magsalita.

Maingat kong tinanggal ang mga kamay ko at kinuha na ang basket na hindi naman masyadong mabigat.

Dahan dahan akong lumingon kay Liam at nakitang nakatalikod siya saakin. Sa pagmamadaling makaalis sa kwarto ay nabangga ang paa ko sa kama at nadulas pa ko!

"Arghhh" agad na sigaw ko dahil sa sakit, agad na kumalat ang sakit galing sa paa at likod hanggang sa buong katawan ko.

Nag pagulong gulong ako sa sahig dahil sa sakit nang paa ko.

"Are you okay?"

Minulat ko ang mga mata ko hanggang sa maaninag ko ang mukha niyang napakalapit sa mukha ko.

Hindi naman ako ganito.

Agad naman akong nagpanic at gumulong papalayo sa kaniya at sa kasamaang palad ay nasa tapat ako nang kama at nauntog ang ulo ko doon.

Kailan ba to matatapos! Karma ko na ba to dahil sa mga pinaggagagawa ko kay Ashton bago ako pumunta dito?!

Hinawakan ko ang noo ko at naramdamang may kunting bukol iyon,pumikit ako nang mariin.

Hindi na ko ulit papasok sa kwartong ito!

Sabi ko na nga ba, dapat si Ate Vivien nalang pinakyat ko dito eh. Malas naman oh.

Nanlaki ang mga mata ko nang naramdam kong umangat ako.

Huminga ako nang malalim dahil baka magulat nanaman ako at unti unting binuksan ang mga mata. Agad na bumungad saakin ang anghel na mukha ni Liam. Damn it! He's an angel!

Hindi ko namalayan na binababa niya na ako sa kama at pinaupo doon.

Pumunta siyang banyo at pagbalik niya ay may dala dala na siyang first aid kit.

Nang nakalapit na ay akmang kukuhanin ko na ang kit pero linayo niya iyon sa akin. "I'll do it" walang pag aalinlangang sabi niya.

"Ako--"

Hindi niya na ako pinatapos at hinila ang upuan papunta sa harap ko at naupo doon.

"Ako na nga sabi" linayo niya kit sa akin at pinititk ang noo ko.

Agad naman akong dumaing sa sakit dahil pinitik niya nag bukol ko sa noo!

"Aray ko!" reklamo ko.

"Tsk" singhal niya bago gamutin ang sugat ko sa noo.

Dahil sa tagal niyang paggamot sa noo ko ay napansin ko na may damit na siya.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok.

Akmang pupunta na ako sa pintuan para buksan iyon, hinila ako ni Liam pabalik sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa.

Kumunot ang noo ko. "May kumakatok"

"Who is that?!" sigaw niya.

"Uhmm Sir andiyan po ba si Amara?" boses iyon ni Ate Vivien.

Nagsalubong ang kilay niya habang ginagamot ang noo ko.

"Why are you asking me?" balik sigaw ni Liam.

"I-Inutusan ko po kasi s-siyang kunin yung labahan niyo sir" pag dadahilan ni Ate Vivien.

"Yeah she's here" mahinahong sabi niya. Agad akong natigilan nang marinig ang boses niya.

Kasing pula na ata nang kamatis ang mukha ko pagkatapos kong marinig ang boses niya. Damn Ngayon ko lang narinig ang boses niya na mahinahon.

He's voice are so damn beautiful and so nice!. Kapag mahinahon.

"Pumasok kana, ikaw na kumuha" masungit niyang sabi. Marahan niyang hinawakan ang paa ko, hinaplos niya ang mapula kong tuhod gamit ang hinlalaki niya. Bahagya akong natigilan ng walang naramdamang sakit nang hinaplos niya ang sugat sa tuhod ko.

Bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Ate Vivien. Kinuha niya ang mga nagkalat na damit sa sahig dahil sa pagkadulas ko at linagay iyon sa basket. Nagtama ang paningin namin.

"Anong nangyari?" Sabi niya pero walang lumabas na boses sa bibig niya. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinenyasang lumabas na.

Ngumisi ngisi pa siya habang naglalakad palabas. 

Binaba ko ang tingin ko kay Liam para tingnan kung anong ginagawa niya pero pagtingin ko ay nagtama ang mga mata namin.

Biglang tumibok ng pagkabilis bilis ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Nanatili siyang nakitingin saakin.

"What?" kunot noong tanong ko sa kaniya at nag iwas nang tingin.

"I'm touching your wound" sabi niya saakin.

Sinenyasan ko siyang lumayo at sinunod niya naman iyon.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya na aalis na.

"Be careful next time" He smirk.

Lumabas na ako at bumuga nang hininga. Nagpapsalamat na nakalabas na.

Nang nasa hagdanan na ay nakita ko sa di kalayuan ang kwarto ni Beverly.

Gusto ko nang umalis dito, pero wala akong choice. Ampon ako. Hindi ko tunay na Kamag anak si Beverly at kung sino man sa pamilya niya. Namatay ang kapatid ni Beverly na umampon saakin pati ang asawa nito dahil sa isang aksidente. Alam kong hindi ko sila tunay na pamilya pero ako yung mas nasaktan ng mamatay sila, pero mas lalo akong nasaktan ng sinabi ng mga pulis na hindi lang daw aksidente ang nangyari sinadya daw ang pagkabangga nila. At iyon ang dahilan kung bakit ako nandito. 

Isa sa mga pinaghihinalaan ng mga pulis si Beverly. Ang dahilan kung bakit nila hinihinilaan si Beverly ay dahil matindi daw ang galit ni Beverly sa kapatid niya at pinaghihinalaan rin siyang miyembro ng isang sindikato.

Kaya ako nandito dahil nag volunteer akong ako nalang ang ipadala sa bahay nila.

Sang ayon ang lahat maliban kay Aiden. Ampon lang siya sa mga Reyes kaya hindi ko siya tinuturing na kapatid ko. Masyado daw delikado.

Yun ang kina iinisan ko sa kaniya. Masyado niya akong minamaliit. Masyado siyang protective saakin na para bang may laging nakasunod saakin na kalaban at ano mang oras ay papatayin ako.

I hate him.

Heartless (Reyes Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon