Chapter 3

1 0 0
                                    

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa araw na iyon ay naglaba kami at naglinis.

Lumipas ang mga araw at nakalimutan ko na ang pinag usapan namin ni Ashton.

Dumating na ang buwan na mag sisipuntahan dito ang mga kamag anak ni Beverly.

Last week of the month ata sila pupunta dito.

Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa iyon. Ginagawa nila iyon once a month. Katulad ng nangyari last month.

Dito sila matutulog ng isang linggo. Parang reunion.

Bumalik ako sa reyalidad ng bumukas ang pinto at pumasok si Liam. Bumagsak ang tingin ko sa babaeng nasa gilid ni Liam. Nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ng babae.

Nag iwas ako ng tingin ng mag tama ang paningin namin ni Liam.

Maswerte siya at wala dito si Beverly. Kapag nandito iyon ay magkakaroon na ng giyera dito sa loob ng bahay nila.

"Amara" napatingin ako sa gilid ko ng bumulong si Ate Vivien sa tainga ko.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Bago yan diba? Hindi yan yung babaeng kasama ni Sir nung isang araw diba? Sino kaya yan noh?" sunod sunod na tanong ni Ate Vivien.

"Tsk" sininghalan ko siya na parang hindi siya mas matanda saakin at nagpatuloy na sa paglalakad habang dala dala ang mga pinggan na pinag kainan namin. Wala si Beverly kaya nakakain ako ng maayos.

Liningon ko si Liam bago ako pumasok sa kusina. Mukhang pinapaalis na ni Liam ang babae pero ang babae naman ay nagpupumilit na pumasok sa loob.

Tuluyan na akong pumasok sa kusina at naghugas na. Mabilis akong natapos dahil kunti lang naman ang hinugasan ko.

Nagpunas ako ng mga kamay at lumabas na sa kusina.

Umakyat na ako sa kwarto pero bago pa ako makatapak sa unang baitang ng hagdan ay nakarinig ako ng ingay mula sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko si Liam na nakasubsob na ang mukha sa sahig.

"Sir!" sigaw ng isang kasambahay na nakakita rin sa pagbagsak ni Liam.

Ang bobo amp. Iinom inom tapos hindi naman pala kaya.

Malapit lang ako sa kaniya, kaya ako ang unang nakalapit kay Liam.

Tinulungan ko siyang tumayo pero masiyado siyang mabigat kaya pinaluhod ko nalang muna siya. Pagkakita ko ng mukha niya ay dumudugo ang ilong niya!. Bumuntong hininga ako.

Nagtama ang paningin namin. "Nasusuka ako" mapungay ang mga matang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Wait lang, dadalhin kita sa C-"

Hindi ko na naputuloy ang mga sasabihin ko ng sumuka na siya sa damit ko. "Pucha!" sigaw ko.

Yumuko siya kaya nasukahan rin ang jeans na suot niya.

Ngumiwi ako nang naamoy ang magkahalong amoy ng alak at suka sa kaniya.

"Amara!" Sabay na sigaw ni Ate Amy at Ate Vivien.

"Pu-"

Linayo siya saakin ng ilang mga kasambahay.

"Tang" bulong ko at bumuntong hininga. Tumayo ako at tiningnan ang suka niya sa damit ko.

"Linisin niyo yan, ipabuhat niyo kay Kuya Edward si Liam papuntang kwarto niya. Magbibihis lang ako." ma awtoridad kong sabi pero may halong inis sa boses ko ng sinabi ko iyon, nagsimula nang maglakad paakyat nang hagdan.

Naka ilang buntong hininga ako bago makapasok sa kwarto ko.

Tinanggal ko ang mga damit ko at diretso nang naligo.

Pagkatapos na pagkatapos kung magbihis ay nakarinig ako ng sunod sunod na katok galing sa pintuan ko.

Kumunot ang noo ko at lumabas ng banyo.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Ate Amy na parang maiiyak na.

Binigyan ko siya nang nagtatanong na tingin.

"Si Liam Amara ayaw magpabuhat kay Kuya Edward. G-Gusto niya daw ikaw bumuhat sa kaniya." sabi niya habang humihikbi.

Mas lalong kumunot ang noo ko at kasabay noon ang pag ngiwi ko "Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Nambabato kasi siya ng sapatos niya kapag linalapitan namin siya."

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan na kumawala ang tawa sa bibig ko.

Mukha siyang batang inagawan ng Candy!

Nag iwas ako ng tingin at tumikhim habang patagong tumatawa.

"Matulog na kayo ako na bahalang mag akyat sa kaniya" utos ko.

Tumango tango siya at tinalikuran na ako.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at dumiretso na sa baba.

Pagdating ko sa baba ay nakita kong nakahiga na siya sa sahig.

Nakailang buntong hininga muna ako bago ko mapagdesisyunan na buhatin siya at i-akyat.

Linapitan ko siya na may suot na mask dahil amoy suka siya.

Tinulungan ko siyang tumayo. Ang bigat niya.

Inalalayan ko siyang umakyat sa hagdanan.

"Tumayo ka nga nang maayos!" sigaw ko sa kaniya dahil muntik na kong matumba dahil sa kaniya.

Dapat pala nagpatulong ako kay Kuya Edward.

Humakbang siya sa isang baitang ng hagdan, dahil nga lasing siya ay naoutbalance siya. Mabuti na lang at nahawakan ko agad ang braso niya kung hindi ay nahulog na siya sa baba!

"Pu-"

Pagkatapos ng isang oras na pag akyat namin sa hagdan ay narating na namin ang kwarto niya.

Sa pagkaalala ko hindi naman ganon kahirap umakyat papuntang second floor.

Nang makapasok na kami sa kwarto niya ay sinadya kong binagsak ang katawan niya sa kama.

Tinanggal ko ang mask na gamit ko at linagay sa basurahan.

Lumabas na ako ng kwarto ni Liam na parang walang nangyari at dumiretso sa kwarto ko.

"Arghhhhhh" sumigaw ako dahil sa inis dahil maliligo nanaman ako. Tiningnan ko ang wall clock at Alas Dyes na. Antok na ako.

Napilitan akong maligo ulit. Kinuha ko ang tuwalya at pumasok na sa banyo. Padarag kong sinarado ang pintuan ng banyo at mabilisan na naligo.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay binagsak ko na ang katawan ko sa malambot na kama at pinikit na ang mga mata.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartless (Reyes Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon