TALA

5 1 0
                                    

***

Ibig kong abutin
ang iyong ningning
na nagpapangiti
sa mundo kong nagdilim.

Ibig kong sabihin
na gusto kita
ngunit hindi maaari,
ako'y bituing walang halaga.

Ibig kong ipagtapat
ang pitak mo sa aking puso
nang 'di ka iiwas,
nang 'di ako mabibigo.

Ibig kong ipagsigawan
sa sandaigdigan
na liwanag mo ang nakapitan
nang mawalan ng dahilan upang lumaban.

Ngunit hindi dapat
sapagkat may ibang karapatdapat,
tala kang tinitingala
na hindi ko kailanman mayayakap.

Hayaan mo na lamang ako
na isulat ang damdaming ito,
hayaan mong taglayin nito
ang paghanga sa kinang mo.

Hayaan mo na lamang ako
na ibaon ang kayamanang ito
na sa panahong mahukay mo
sana'y 'di pa buo ang mga katagang, 'wala na ako'.

***

The Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon