TAG-ULAN

1 0 0
                                    

***

Patuloy sa pagluha
ang langit na nagdaramdam
hindi malaman kung kailan titila
ang sakit ng isang paalam.

Iyon ang inakala,
iyon ang pinaniniwalaan
masakit pa rin ang mga alaala
sikapin mang burahin sa gunita.

Ngunit, mali yata ako...
maling buntunan ng sisi ang kahapon ko
sapagkat isang araw nang magising
nangungulila sa taong hindi ako pansin.

Hinayaan ko na ang kapalaran
na ako'y dalhin sa nararapat na kandungan,
tinanggap ko nang hindi mo ako makikita
ngunit ano itong nadarama?

Lumalalim ang pagtingin
ng pusong 'di ko mapigil
ako sana'y patawarin
kung siya'y aking sinisiil.

Tila hindi na kaya pang sambitin
ang mga salitang 'mahal kita'
sa taong dagli ring babawiin
'pagkat 'di ko na ibig masaktan pa.

Matagal ko nang hinihintay
ang pagsikat ng araw
makadama man lang ng init ng pag-asa
agawin ako sa pananamlay.

'Di na ako aasang lilingon ka,
'di hihilinging dumating ka pa.
Kung saan ka dalhin ng iyong mga paa
tatanawin pa rin kita't masaya akong luluha.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unspoken ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon