***
Sa gitna ng luha't sakit
may nakasilip na langit
liwanag na nakaabang
sa marimarim na daan.Maikling panahon
ibig kong ikahon
nang mapalawig
ang ngiting iyong iginuhit.Ibig ko sanang gantihan
ng mga salitang makahulugan
na sa bawat espasyo'y matatagpuan
damdaming matagal nang nananahan.Ngunit karanasang mapanakit
dulot ay pagdadalawang-isip.
Hahayaan na lamang bang lumipad
sa nakatadhana sayo'y mapadpad?Panonoorin na lang
sumaya sa agos ng iyong tadhana
ako nama'y pauubaya
iguguhit na muli pagkukunwari sa madla.***
BINABASA MO ANG
The Unspoken Thoughts
PoetryMaccheb's Poetry Collection --- Mga salitang hindi masabi mga letrang nakapiit ito ang magiging kanlungan ng lihim na 'di batid ang hantungan.