Follow me.
saad ni ken..kaagad naman sumunod si hanna sa kay ken.
panget ang bagal mo naman. bilisan mo maglakad..
sumakay sila ng elevator.
kahit medyo takot parin si hanna. hindi nya na alintana dahil mas nangingibabaw ang sama ng kanyang pakiramdam.ng makapasok sila sa loob ng condo ni ken..
namangha si hanna sa nakita sobrang laki ng loob nito,. may sala, kusina, living room, dining area,. at yung sa may labas tanaw na tanaw mo ang mga naglalakihan at nagtataasan na building pati mga sasakyan tanaw mo din sa ibaba dahil..sa malaking salamin na bintana.
maupo ka muna dyan panget.. ikukuha lang kita ng damit na masusuot mo after mo magbihis magluluto ako hapunan.
ng pagpasok ni ken sa loob ng kwarto kaagad sya..naghanap sa closet nya ng damit na kakasya kay hanna.
nakakita sya ng damit na pambabae ito yung damit ni Patricia na nasa closet..
si Patricia ay kanyang girlfriend na nasa italy nagbakasyon sa parents nito.
madalas sya dito sa condo ko kaya nga may ilan sya mga damit dito.
kaagad sya nagpunta sa sala para iabot kay hanna ang damit.
ngunit nagulat sya sa nakita..
nakita nya si hanna na nanginginig at putlang putla.kaagad nya ito pinangko at dinala sa kwarto..
panget uy..
gumising ka.. ok ka lang ba.ah sir ok lang po ako..
kaagad dinial ni ken ang kanyang ina.
Ma.. si hanna may lagnat.. nanginginig.
anak papupuntahin ko dyan yung family doctor natin para matingnan si hanna..ok po ma salamat..
kasalanan ko po kung bakit sya nagkasakit. dahil iniwan ko sya kahit alam ko na di nya alam ang pauwi sa mansion
maya-maya dumating ang doctor.
na titingin kay hanna..doc ano lagay nya.. ok naman na sya nabasa lang ng ulan.
painumin mo na lang itong gamot na ibibigay ko ngayon. tapos wag mo kalimutan punasan sya ng maligamgam na tubig..
ah ok po doc.
pag mat tanong ka maaari mo ako tawagan anytime. pag di parin naging ok ang pasyente dalhin mo na kaagad sa hospital..
pero tingin ko magiging ok lang sya basta maalagan mo ng maaus at mapainom ito na mga gamot..
salamat doc.
pagka alis ng doctor.
kaagad nagtungo si ken sa kusina para kumuha ng palanggan na may maligamgam na tubig at bimpo.
pinatong nya ang planggan sa table at kaagad nya kinuha ang bimpo.
bigla gumalaw si hanna.
pinagmasdan ni ken ang mukha ni hanna... ano kaya itsura nitong panget na ito kapag walang salamin.
dahil nga sa kailangan mapunasan ang mukha ni hanna kaya unti-unti sya lumapit dito at tinanggal ang salamin sa mata..
kaagad nagulat si ken sa kanyang nakita.. hindi sya makapaniwala na ang babaeng hinahanap nya at matagal nya ng minamahal.. ay nasa kanyang harapan.
hanna nasa tabi na pala kita.. hindi pa kita nakilala.
Ken ang tanga tanga mo paano mo nagawa sa kanya yan.. pinahirapan mo sya ng sobra sobra.. nilait..
hindi makapaniwal si ken na napakaganda ni hanna pag walang salamin..
tinatago nya ang kanyang tunay na kagandahan sa pagiging nerd.
pangako hanna pag gising mo bukas ibang ken na ang makikilala mo..hindi na yung ken na masama ang ugali.
Kaagad tinawagan ni ken si Jonas..
Pare bakit napatawag ka.
jonas nakita ko na sya..sino pare yung babaeng sinasabi ko sayo na na love at First sight ako.. pare ang tanga tanga ko araw araw ko na pala sya nakakasama at nakakausap pero. hindi ko alam na sya yun..
naging masama pa ako sa kanya..
tinatago nya kasi ang kanyang itsura sa pagiging nerd sya ang secretary ko pare.gagawin ko lahat mapalapit lang sya sakin.
masayang masaya si ken ng malaman nya.. ang totoo.
pinagmasdan nya lang si hanna habang natutulog.
Kinabukasan...
Hanna Pov:
nasan ako. kaninong kwarto ito.
maya-maya may pumasok.
gising kana pala.ah sir kayo pala pasensya na ho kayo at dito pa ako natulog sa kwarto nyo..
ok lng yun hanna.
pinaghanda kita ng breakfast.
sir nakakahiya naman po.bigla nanibago si hanna sa kinikilos ni ken.
hmmmp ano kaya nakain nitong lalali na ito at bigla sya bumait ngayon..
siguro nakonsensya lang sa ginawa nya sakin kahapon.
kasalanan nya naman kung bakit ako nagkasakit eh.
kaagad tinungo ni hanna ang dining area. may nakaluto na doon na lugaw at egg sandwich.
kumain ng marami si hanna dahil sa sobrang kagutuman..
dahan dahan hanna.. hahaha.
napatingin si hanna kay ken first time nya ito makita ngumiti.ah sir pasensya na kayo fish ball lang po kasi huling kinain ko kahapon eh.
#kashyvlogs
by Shyrin🌹🌹

BINABASA MO ANG
The Arrogant Man Meet the nerd girl
RomancePaano kung mag tagpo ang dalawang tao na magkaiba nag istado sa buhay may mabubuo kayang pag-ibig sa pagitan ng isang taong matapobre at isang babae na sobrang panget, hindi lang sa sa physical na kasuotan maging sa pananalita. si hanna isang babae...