CA-Chapter 2

454 14 18
                                    

DANIEL'S POV

Hi. Daniel Fernandez is the name. Hindi ako si Billy Fernandez sa 24/7 inlove. Mas gwapo ako doon. 15 years old. Habulin ng babae. At puwede na din ng mga lalaki. XD

Anyways, first day ko dito sa Fernandez College, pagmamay ari namin yung school. Yung kapatid ko ang nagpapatakbo. Kahit hindi naman na ako mag aral kasi puwede namang mag advance studying eh. Pumayag akong pumasok dito kasi nandito yung bestfriend ko, si Diego.

Naglalakad na ako papuntang principal's office. Aawayin ko. Dejk. Magpapakita lang ako. Mababatukan ako ni Ate Roanna pag hindi ako pumasok ngayon eh.

"Anyare dyan sa polo mo? Masyado ka bang na-excite at naligo ka na sa mud?" pangaasar niya noong nakapasok na ako sa office niya.

"Grabe Ate, ang sikat ko dito. Bwiset nga eh, may isang babaeng nakatapon sa akin ng nestea. Tapos kung makapag salita pa, kala mo kung sino. Tss." napangiti lang sa akin si Ate Roanna.

"Woah! Anong itsura? Baka kilala ko."

"Morena siya eh, mahaba buhok, hanggang baba ko lang, malaki yung mga mata, parang siopao yung pisngi, sexy, tapos maganda naman."

Napaisip siya sa sinabi ko bago sumagot. "Baka si Kathryn Dela Cuesta." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Baka siya nga, may kasama siya eh, narinig kong tawag sa kanya 'kath'."

"Hmm, bagay kayo."

"Ate naman!"

"Haha. Pero bet ko siya. Anyway, ito na yung schedule mo." sabi niya at inabot sa akin yung schedule ko. History first subject ko.

Umalis na ako sa office. Hahanapin ko muna si Diego. Kaso bago ko siya mahanap, nahanap na niya ako. -_-

"Tol!" sabi niya at nag brother hug kami.

"Musta pre?" sabi ko.

"Okay lang."

"Nakahanap ka na ba ng chicks?"

"Lul."

"Joke lang, pre. Pupunta ako sa bastketball court, maglalaro. Sama ka?" tanong niya.

"Susunod na lang ako. Maglilibot muna ako." sabi ko.

Umalis na siya at naiwan ako dito magisa...naglilibot. Wala bang kahit tour guide dito? ~.~

Ang boring naman.. Wala akong magawa. -______________-

Pag tripan ko kaya yung hardinero dito sa Campus? Kawawa naman, wag na.

Lagyan ko kaya ng ketsup ang Lugaw? Ang boring pa din!

Mag-RT ng tweets ng Fangirls? Nakakatamad.

Tumugtog ng gitara? Hindi ko naman dala yung gitara eh ayoko naman sa music room, Kabilang building pa yun oh!

Eh kung

 .

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

PAGTRIPAN KO NA LANG YUNG BABAE NA NAKABANGGA SA AKIN KANINA?

"Nasaan kaya siya?" tanong ko sa sarili ko. Narinig naman yun ng mga girls.

"OMG SINO KAYA HINAHANAP NIYA?"

"AKO YAN, AKO YAN!"

"Assumera, Wag ka nga. Ako yan."

"DANIEL! OMG!!"

"Nandito lang ako!"

Ugh Girls. -_________________-

Napangiti ako ng mahanap ko na siya.

Morena. Mahaba buhok. Siopao na pisngi. Maganda naman siya e, maingay at ang tapang lang.

Its playtime.

Kathryn's POV

"What?!" sigaw ko.

"You heard what I said, wag mo na paulit. " Ohdiba? Seryoso ako tapos kung makapang bara eh. Buti na lang mahal ko yan si Julia.

"But, Wala naman akong ginagawa sakanya! Nabangga lang ah? Nyemas, ang babaw niya!" Sabi ko. Hindi na ako makapali.

Paano kung maalis ako dito sa School?

Paano kung ipagkalat niya na nabangga ko siya?

Edi layuan naman ako ng mga students dito? 

Edi mabully ako dito?

UGH! Kath, Erase erase! Nag oover think ka nanaman eh.

"You look scared." 

"AHHHHHH!!!" Napasigaw ako.Bigla niya naman tinakpan yung bibig ko.

"Napaka ingay mo talaga" then tinanggal na niya yung kamay niya.

"Dani----" 

"Yes, It's ME. Remember your mistake?" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

Bakit siya nandito? Nasaan na sila Julia? Napatingin ako sa paligid. Wala na sila. May mga taong nakatingin sa amin.

"Mistake?"

"Wag kang magpaka-shunga shunga. Alam mo na yun. And for that, May punishment yan"

Anak ng? Kung makapag salita tong lalaking to, feeling close kami ah? Tapos sabihin pa akong shunga? Eh try ko kayang ipakasal to kay Facundo. >///////<

"Ganun ba kalaki ang kasalanan ko? Natapunan lang naman kita ng nestea ah? Saka nagpalit ka na. Done."

"Seriously? You don't know me." then lumapit sa akin.

"You are Daniel Fernandez, and you're one of the most powerful person in here. And then?" Sabi ko ng pang-aasar na tono.

"Aish, Shh. Manahimik pwede? Ang daming sinasabi. Ipapatawag ka na lang kapag nakaisip na ako ng ipaparusa ko sa'yo." Halatang naiinis na siya.

"Anak ng tinapa. Konti na lang, masasapak ko to." bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Tss, Alis na nga ko ---- Mr. Nestea." Sabi ko, pero mahina na yung dulo.

"K, hintayin mo lang" He said then nag playful smile siya.

Tumalikod na ako at nagroll ng eyes. Hahanapin ko na sila Julia.

Totoo kaya yun? Mukha siyang seryoso.

Kung totoo man, ano naman kaya yun?

Bahala na, pero kahit ano man yun, hindi ako aayaw.

----------------

Chapter 2 here! Kung may tanong po/ for updates.

Tweet us : @mendioladennin or @Johnzeeel

Ask us: thekathniellove.tumblr (Johnzel) or thegirlwholove-cheesecakes.tumblr (Dennin)

Like? Vote.

Reactions? Comment.

 Dedications are based on your comment.

Cupid's Arrow [KathNiel]Where stories live. Discover now