CA-Chapter 4

267 11 9
                                    

Kathryn's POV

Kakauwi ko lang, inis na inis pa din ako sa lalaking yun. Kilala niyo naman ang tinutukoy ko di ba? Pinagsasabi nun. 'Hindi kita titigilan, Dela Cuesta?' Huh! Napaka niya! Grr. Nakakainis siya, Sobra.

Gusto ba naman akong gawing Personal Alalay dahil lang sa Nestea. Ang OA niya a. Pwede namang magpalit nalang siya ng bagong shirt. Tss. Big deal na ba yon? At saka kanina, May parusa pa daw ulit. Dahil lang sa Ice Cream? Eh kasalanan ko bang bumulong siya at lumingon ako? Hay buhay. 

Pagkauwi ko, dumiretso na agad ako ng kwarto ko at nagbihis.

Humiga na lang ako sa kama at kinuha ang aking Ipod. Hinanap ko yung Everything ni Michael Buble, Favourite ko yun eh. Nung nahanap ko, pinindot ko yung play button, malamang. -__________-

 Wala namang magawa dito eh.

 

Hindi kita titigilan, Dela Cuesta.

Hindi kita titigilan, Dela Cuesta.

Hindi kita titigilan, Dela Cuesta.

Hindi kita titigilan, Dela Cuesta.

Hindi kita titigilan, Dela Cuesta.

Hindi kita titigilan, Dela Cuesta.

Paulit ulit yan sa utak ko. Urgh! Kath, kumalma ka nga. Badtrip naman oh. >//////<

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Sakto namang nakita ko si Ate Jenell, kasambahay namin. Close kami niyan. mga 3 years na din siyang nagtatrabaho sa amin. 26 years old na siya. Pamangkin ni Manang Ester. Si Manang kasi baby pa lang si kuya sa amin na siya nagta-trabaho.

"Ate Jenell, wala pa po ba si Kuya?" Tanong ko.

Dapat kasi maaga si Kuya ngayon. Sabi niya kasi dito na siya magla-lunch. Eh 3:00 na wala pa siya.

"Kakatawag niya lang po ma'am. Baka daw po gabihin siya, may biglaan daw po kasing meeting eh." Sagot ni Ate Jenell.

"Nako ganon ba ate, sige po. Labas po muna ako, punta muna ako sa bahay nila Julia huh?" Paalam ko sa kanya. 

"Osige po ma'am. Wag po kayong magpapagabi huh."

"Ate Jenell, Wag mo na po akong tawaging ma'am. Kath na lang." Pakiusap ko sa kanya, ang pormal kaya ng Ma'am. Tsaka pang sosyal lang yun.

Cupid's Arrow [KathNiel]Where stories live. Discover now