CA-Chapter 3

293 11 6
                                    

Chapter 3

--

Kathryn’s POV

“Girls, parang ang sarap mag shopping ngayon?” Kiray

Ang sarap manapak. Pramis. Nakakabadtrip.

“Puwede. Ikaw Kath?” Julia.

Sino tinatakot niya? Ako? Bakit ko naman gagawin yung sasabihin niya? Ano siya? Amo? Hindi niya ako pinapalamon kaya wala siyang karapatan.,

“Punta tayo sa Forever21 o kaya Mango?” Kiray.

Parang natapunan lang ng nestea yung polo niya, makapag react akala mo namatayan eh noh? Kailangan may kapalit? May revenge? His damn face!

“Ano, Kath? Sasama ka ba?”

Mas gugustuhin ko ng lumipat ng school kesa naman Makita siya araw araw. Nakakabanas din noh!

“Earth to Kath! Earth to Kath! Nakikinig ka ba?” napatingin ako kay Julia na naka cross arms na. Si Kiray naman ay nakataas na yung kilay.

“Ha? Ano nga ulit yun?” Pero imbes na sagutin niya ako, nag roll eyes na lang siya.

Kita mong tinatanong eh. -_-

“Iniisip mo si Daniel Fernandez noh?” napatingin naman ako kay Kiray.

“In his dreams.” Sagot ko. Pumunta kami sa Jollibee, Mcdonald’s at KFC para mag take-out na mga pagkain. Food trip daw kami sa bahay ko.

Nag CR si Julia at si Kiray naman at sumaglit muna sa MARIELLE kung dumating na yung inaabangan niyang bracelet.

Kumakain ako ng ice cream ng may naramdaman akong tao sa likod ko. At first, akala ko si Julia lang pero parang wala yatang balak ito pumunta sa tabi ko.

“Hi Kath.” Bulong niya.

Nagulat ako kaya naman bigla akong napaharap sa kanya. Sobrang lapit niya kaya naman napasubsob ko yung ice cream sa polo niya.

“Shit. Pag minamalas ka nga naman oo.” Sabi niya at tumingin sa damit niya.

Kumuha agad ako ng tissue at tangkang pupunasan yung damit niya pero hinawakan niya yung kamay ko kaya naman napatigil ako at tumingin sa kanya.

Kitang kita sa kanya na nainis siya.

“Second.” Sabi niya.

Nagulhan ako. Anong second? Naka drugs ba to? “Anong second?”

"It’s your second time to spill something disgusting on my shirt.” Sabi niya at nag smirk.

Aba, namumuro na to sa akin ah?

Nag iwas na lang ako ng tingin sa sobrang lapit niya sa akin. “Bakit Kath? Guilty ka?” sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

Konti na lang. Konting konti na lang. Masasapak ko na to.

Hindi ako sumagot at hinila yung kamay ko sa pagkakahawak niya. “Anyway, may kapalit na ang pagtapon mo ng nestea sa damit ko.” Sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Ano?”

“Magiging PA kita for one month.” Sabi niya at ngumiti ng wagas.

Nanlaki mata ko.

“P.A.? AS IN, PERSONAL ALALAY?!”

Napatawa siya. “Ay hindi, personal assistant.” Sabi niya at ngumiti ng nangaasar.

Cupid's Arrow [KathNiel]Where stories live. Discover now