Chapter 5

13.5K 346 28
                                    

[EDITED 07/04/21]
WARNING: ERRORS AHEAD

Gustav's

HINDI ko mapigilan ang halakhak ko. Malec eyebrows furrowed at me. Napahawak ako sa tiyan sa kakatawa. Ang lakas ng loob niyang magsabi na ipagluluto niya ako tapos pancit guisado ang ipapakain niya saking hapunan. I was expecting some steak or random meat! It's dinner! May pa champagne flutes pa siya at ang gara ng mesa, tapos pancit guisado ang ihahain niya, ang oily pa tingnan ng pancit niya. This is hilarious, he's amusing.

“You're gorgeous while laughing but the way you laugh right now is pissing me off, please stop.” Lalo akong natawa. He sounds so grumpy! Tinapos ko ang pagtawa at kagat labing tiningnan siya.

“Nothing against pancit but, why pancit?” Pinigilan kong mapahalakhak ulit. He looked at me confused. Umupo siya sa harap ko at inilagay sa gitna ng table ang pancit guisado. I bit the inside of my cheeks, trying not to laugh again.

“It's your favorite.” Ako naman ang napakunot noo sakanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

“My favorite?” Itinuro ko ang sarili. He innocently nod.

“Lovemir said pancit guisado is your most favorite, you'll happily eat it anytime and anywhere.” Napatanga ako. So nagtanong siya? Pero mali ang sinabi ni Lovemir.

“I'm allergic to shrimp,” Sinulyapan ko ang pancit guisado niya na sangkatutak ang shrimp. “Pancit guisado is Hynodale's favorite, not mine.” Natatawa kong ani.

“What?" He said harshly before glancing at his pancit. Tumalim ang mga mata niya. Pinigilan ko ulit matawa.

“Yes, Lovemir probably jumbled it up.” i chuckled. His face is priceless. Kung kanina ay masaya ito, ngayon ay hindi makapaniwala ang mukha niya.

“It was the first dish I cook, I'll kill that son of a bitch.” He mumbled while looking at his pancit guisado. Nanlulumo siya. I suppress my laugh and bit my bottom lip. Kaya pala ang oily ng pancit niya.

“I'll eat it, don't worry. Aalisin ko na lang ang shrimp.” I tried to console him. He glance at me with his grumpy face.

“I was trying to impress you by cooking your favorite,” He crossed his arms in front of his chest. His biceps flexed. Doon natuon ang atensyon ko. “Forget it, I'll just order us food.” Napangiwi ako sa sinabi niya.

“No, it's okay. I'm impressed with the table setting, the gazebo. And I don't really eat foods random people cook for me.” Nagsalin ako ng pancit sa plato ko at tinikman iyon. It's surprisingly tasty but still too much oil.

“I'm a chef, I prefer my cooking than any others. You can't really impress me with cooking, but thanks for trying.” Mukhang mas lalo itong nanlumo sa sinabi ko. I chuckled. I didn't know he can be a big baby. Kulang na lang ay mag tantrum na ito ngayon.

“Fine, what's your favorite dish then?” Nagsalin na din ito ng pagkain sa plato niya.

“Me?” Nag-isip ako. “My favorite dish is sinigang na baboy, with a lots of cabbages.” His face lits up.

“Same! That's my favorite too, but I don't know how to cook it.” So he sucks at cooking but so eager to cook me dinner earlier.

“Sinigang is my specialty.” Pagmamalaki ko. He nodded and smiled at me.

“Can you cook me sinigang in our next dinner then?” Tinaasan ko siya ng kilay. May next dinner na agad? Abusado ang mamang pulis.

“Our next dinner, huh?” Natatawang sumubo ako ng pancit habang nakataas pa rin ang kilay sakanya. I saw him bit his bottom lip before nodding.

Possessive Obsession [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon