[EDITED 07/05/21]
WARNING: ERRORS AHEAD / MATURED CONTENT!Gustav's
DInala niya ako sa likod sa may swimming pool. Marami na talaga ang tao at halos lahat ay mga lalaki, sinalubong kami ni Hyno na kasama si Javi. Hawak-hawak pa rin ako ni Malec sa bewang at nakakaagaw kami ng atensyon pero wala akong hiya na maramdaman. That's new.
"Malec! I didn't expect to see you here!" Sigaw ni Javi dahil malakas ang tugtogan. Pareho na silang may hawak na colored plastic cups na sa tingin ko ay alak ang laman. Maraming pagkain at alak, nagkalat iyon sa loob at sa labas ng bahay ni Lovemir. May malikot na iba't ibang kulay na ilaw na rin na ikinahihilo ko. Hindi ako sanay sa party, madalas ay mas gusto ko ang magkulong sa kwarto kaysa ang mag club kaya nahihilo talaga ako sa dami ng tao ngayon.
"Happy Birthday! I'm with my babe!" Itinuro ako ni Malec at nanlaki pareho ang mata namin ni Javi.
"Ah?! You're gay, Stav?! Wow! You two look good together! Nice couple!" Javi beamed at hindi na ako nakakibo dahil ayaw kong sumigaw. Hindi ko tuloy siya maitama! Couple, amp! Siniko ko si Malec at tiningnan siya ng masama. He just winked at me and I rolled my eyes. Sly.
"C'mon you two! Enjoy the party and drink! Walang event event to! Inuman lang!" Si Hyno at inakay niya papalayo saamin si Javi. Sinundan ko sila ng tingin at paikot-ikot silang dalawa habang nakikipag-usap sa kung sino-sino. Napailing ako. Hindi ba sila nahihilo sa ginagawa nila?
"Baby, here." Natigil ako ng bumulong saakin si Malec at may inabot siya saaking mangko ng tacos. "Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya. Inalalayan niya akong makaupo sa isang single sofa na naandon katabi ng mga mesa at kung ano-ano. Tumabi siya saakin at dahil malaki siya ay hindi kami nagkasya.
"Kumain na ako kanina. Ikaw?" Pilit niyang sinisiksik ang sarili niya sa kinauupuan ko. I chuckled. "Hindi tayo kasya."
"We'll fit, tayo ka muna babe." Bulong niya ulit saakin. Oo, bulong. Malapit na malapit ang mukha namin sa isat-isa dahil nagbubulongan kami para magkarinigan. I can even smell his minty breath and it's addicting.
Tumayo ako at saka siya umupo at hinila niya ako bigla paupo sa lap niya!
"M-Malec!" Saway ko sakanya dahil maraming tao. May mga kakilala pa naman ako dito! Nginitian niya lang ako at hinawakan niya ang magkabilang bewang ko ng mga braso niya saka niya ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
"I'm hungry, feed me those." Itinuro niya ang tacos na hawak ko pa rin. I tsked. Hindi nanaman siguro siya kumain. Sinubuan ko nga siya ng tacos at kumain rin ako. Masarap iyon kaya nalibang ako sa pagkain habang sinusubuan siya. Nang maubos namin iyon ay tumayo ako at kumuha ng maiinom sa malapit na mesa.
Pabalik na sana ako nang biglang may humarang saakin. Kinunotan ko ng noo iyong Mike na pinsan ni Lovemir. Ano nanaman kaya ang kailangan nito?
"So you're Malec's lover, huh?" Nakataas ang kilay niya saakin. Hindi ko siya sinagot. "Careful, he's a manwhore." Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at ibinulong iyon saka siya umalis sa harapan ko.
Sinundan ko siya ng tingin at nagtatakang ibinalik ko sa gawi ni Malec ang mga mata ko. Nagkatitigan kami at kunot na kunot din ang noo niya.
Nagtataka pa rin ay naglakad ako palapit sa upuan namin ni Malec. Ano naman ang eksena 'non? Tsk. Hindi ko na inintindi ang nangyari at nakangiting inabutan ko ng inumin si Malec na kunot pa rin ang noo.
Pinaupo niya ulit ako sa lap niya at saka siya nagtanong saakin.
"What did that bastard told you? I told you not to let anyone get near you." Hindi agad ako nakasagot dahil habang sinasabi iyon ni Malec ay nasa leeg ko ang mga labi niya. He's kissing my neck while mumbling words. Napapalunok na inayos ko ang pagkakaupo ko sa ibabaw niya. Ang touchy talaga niya.
BINABASA MO ANG
Possessive Obsession [UNEDITED]
Fiction généraleGustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec García. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obsessed with him. What trouble has he gotten into? Bachelors in Trouble series #1