Chapter 2 ~ What is this??
[Marinela’s POV]
“Basta sabay tayong mag-recess ha?” pangungulit ko sa best friend kong si Kelsie
“Oo na nga !! paulit-ulit tayo?” Sarcastic naman nyang sagot
“Naninigurado lang “ ^___^
“Psssh!”
By the way guys , ako nga pala si Marinela Anne Blanca pero kilala rin ako bilang Nela.I’m 16 years old and 4th year high school.Makulit,jolly,friendly,maputi,baby face at cute yan ako. Pero aside from my positive traits may isang bagay pa ang hindi na talaga maaalis sakin,,
ang pagiging MALAS!! Ewan!! Lagi nalang akong napapahamak o napapahiya! Kaya nga gusto kong laging kasama ang bestfriend kong si Kelsie eh, para meron akong savior.^__^
** TING DING DING!! [Recess time]
“Kelsie tara na?” ^__^ naka-ngiting aya ko sa kanya
“Excited? Baka gusto mo munang mag-ligpit ng gamit?” sarcastic naman na sabi nya
“Di na, mamaya na pag-balik natin”
“Ano ka ba?!! Mamaya mawala pa yang mga gamit mo eh!!” inis na sabi nya. So no choice ako kundi ang sundin sya
“Oo na nga oh, ito na, nililigpit na” sabi ko in a sarcastic way
After naming nag ligpit ng gamit lumabas na agad kami at pumunta sa canteen. Bumili lang kami ng pag-kain pero nag-decide kami na sa may bench na kumain dahil nga over crowded na ang canteen.
“Hoi! Nela! Bakit naka-yellow ka ngayon?” biglang tanong sakin ni Kelsie habang kumakain kami sa may bench
“Ha? Wala lang, bakit? Bawal ba yun?”
“Hindi”
“Yun naman pala eh, eh bakit mo naman natanong?”
“Wala lang,pareho kasi tayong naka yellow ” napatingin naman ako sa damit nya at sa damit ko
“Ay,oo nga noh! Oo nga. Ngayon ko lang napansin pareho pala tayo. Ang galing noh?
“Tsk! Ano naming magaling dun ? porket pareho lang ng kulay ng damit magaling na agad?”
“Oo noh?! Syempre bestfriend tayo kaya baka nag-bu-bluetooth yung isip natin” ^___^
“Ang ingay mo! Parang yun lang tuwang-tuwa ka na! May pa Bluetooth-bluetooth pang nalalaman?”
“Sungit nito” :(
“nga pala, ilang minutes na lang bago mag-bell?” tanong nya naman bigla
“ah,20 minutes pa, bakit?”
“Dito ka lang,pupuntahan ko lang si Celine, kukunin ko yung libro ko”
“Ha ? sama na lang ako” :3
“Wag na ,para mas mabilis dito ka na lang,bibilisan ko naman eh. Okay?”
At ayun tumakbo na sya agad-agad.kainis! ayaw ko nga mag-isa eh!! >__<
-- Maya-maya
*kublit,kublit
Napatingin naman ako dun sa kumalabit sakin. Freshman pa base sa color ng I.d lace nya.
“Bakit?” tanong ko
“May nagpapabigay’’ sabay abot ng rose
“Nagpapabigay? Sino? akin talaga?” di makapaniwalang tanong ko
“Oo sayo daw.Basahin mo daw yung card” sabi nung bata at bigla na syang tumakbo. Nag-palinga-linga naman ako sa paligid pero mukhang wala naman dun yung nag-papabigay kaya ang ginawa ko binasa ko na lang yung card.
-- pumunta ka sa may school garden ngayon na --
Yun lang ? wala man lang name na naka-sulat? But anyways dahil curious ako kung kanino galing ang sulat sinunod ko na lang yung sabi dun sa letter total meron pa naman akong 15minutes. Pag-dating ko sa may garden may lumapit naman ulit saking freshman at biningyan ulit ako ng rose with a card. Syempre binasa ko ulit yung laman nung card.
-- pumunta ka ngayon sa music room—
Ano ba yan !! ang dami namang pinapagawa! Di ba pwedeng magpakilala na lang?! mamaya pala prank lang toh eh!!
Pero dahil nga sa curiosity ko kaya pumunta pa rin ako. Pag-dating ko sa music room pumasok na agad ako at pag-bukas ko ng pinto bigla na lang nag-play ang isang music habang may isang lalaki na naka-tayo at nakatalikod na di ko naman kilala ..?