Chapter 3 ~ Mistaken identity
[Rico’s POV]
*-- ting ding ding
Yes! Recess na rin sa wakas! Kailangan ko na syang hanapin para magawa ko na yung plano ko.
Dahil nga matagal ko na syang gusto at sinusundan maraming bagay na rin akong alam sa kanya like yung room nya or kung saan sya madalas pumupunta kapag recess, mukha na nga ata akong stalker eh!! >__<
So dahil nga marami na akong alam kaya naman medyo madali na sakin ang hanapin sya. Pumunta agad ako sa tapat ng room nya at hinintay na maka labas sya. Nakita ko naman na sya, naka-plain yellow shirt lang at naka-pants tapos naka clip lang yung buhok nya.. Sh*t ang ganda nya talaga!! >///<
Nung lumabas na sya syempre naka sunod pa rin ako. Nasa kanya lang talaga ang mata ko all the time ng sa ganun hindi sya mawala sa paningin ko.Nung pumasok na sya sa canteen dahil na rin siguro sa dami ng tao kaya nahirapan na akong sundan sya. Saglit pa akong nag-ikot sa loob ng canteen dahil baka sakaling makita ko pa sya. Pero nung sa tingin ko wala na,, lumabas na rin ako at nag- decide na magpunta sa may bench ng school dahil dun din sya madalas tumambay pag recess time. At hindi nga ako nag kamali. Nandun nga sya naka-upo mag-isa..
Pero wait? Bakit naka ponytail na sya? Eh kanina naka-clip lang ah?? ?_?
Haay bahala na nga!! Maya-maya nag-hanap ako ng pwedeng mautusan para ibigay sa kanya yung rose
“Ibigay mo toh dun sa babaeng naka-upo sa may bench, yung naka-yellow shirt naka-pants at naka ponytail” pagkasabi ko nun pinapunta ko na yung batang inutusan ko sa kanya. Nung nakita kong nakuha na nya eh agad na akong pumunta sa meeting place naming. This is it! Di na talaga ako papalpak this time.
Hinihintay ko na sya ngayon sa music room.. Maya- Maya lang…
[eeeeeeeck] sound of the door opening
Sa wakas andito na sya! Di parin ako humaharap sa kanya dahil ito ang way ko para hindi ako ma-torpe. Ang kausapin sya ng naka-talikod. Ayos noh ? but anyway wala rin naman akong ibang choice eh.
“You came” sabi ko ng nakatalikod pa rin
“Si----------
“Makinig ka muna sa lahat ng sasabihin ko” pagpuputol ko sasasabihin nya. Eventhough hindi ko nakikita ang facial expression nya I am pretty much sure na naguguluhan na rin sya sa mga nangyayari kaya naman para malinawan na sya eh di ko na pinatagal pa.
“ Mula 1st year pa lang tayo gusto na kita, and until now ganun pa rin ang nararamdaman ko.I guess medyo nabibigla ka sa mga sinasabi ko ngayon pero hindi ko na kasi talaga kaya na hindi sabihin sayo ang nararamdaman ko. Gusto kita noon pa , kahit na hindi kita kakilala o nakaka-usap man lang, I don’t know but there’s something on you na laging hinahanap ko. I like you so much and I can’t take na tingnan ka na lang palagi sa malayuan. I’d try many times na mag-tapat sayo pero ewan ko kung bakit laging hindi natutuloy, but now you’re here at sinasabi ko na sayo ang mga nararamdaman ko. Akala ko noon hindi na dadating yung day na toh, yung day na malalaman mo ang feelings ko parasayo. Pero I don’t want to waste this chance to make you feel how much I like you. Gusto kita,,
Gusting-gusto. At kung papayag ka lang,,
I want to court you” sabi ko sabay harap sa kaniya…
Pero ………
O__O?