A/N: Hey guys!! pasensya na po at natagalan ang update :)
busy po kasi!! well anyway here's the next chappies!! hope you enjoy ^_^
VOTE AND COMMENT NAMAN PO :(
~KEHee13~
Chapter 5
[Rico’s POV]
Bwiset talaga!! Palpak na naman!! Sino ba kasi yung babae nay un !? bakit nasa kanya yung mga roses?!! >___<
“Bwiset na bata yun !! pamali-mali!! Tatanggalan ko yun ng mata pag nakita ko ulit !! Non-sense naman yung mata nya eh!!” pagmamaktol ko dito kay Ijun
“PFFFFT!! Destiny yan dude!! Wala ka na talagang pag-asa dun sa girl of you dream !! hahaha!!!”
“Sige tawa pa!! gusto mo ikaw pag-labasan ko ng inis ko ?!!” pagba-banta ko sa kaniya
“Oh, easy, nakaka-tawa kasi yung mukha mo ngayon eh , promise!!”
Dismissal na namin ngayon at ito ako nag-mamaktol pa rin dahil sa nangyari!! At sa dinami-dami naman ng makakakuha yun pang nakaka-iritang babae na yun!! >__<
Nasa hallway na kami ng biglang O____O
Nakita ko si girl of my life na kasama yung nakaka-iritang babae na yun!!!!!!!
Teka, bakit mag-kasama sila? Don’t tell me magkakilala sila??
Friends? Baka naman classmate lang ? naku !! pag nag-sumbong yung babaeng yun tiyak masisira ang image ko !!
Dapat mapigilan ko sya
“Ijun sandali lang ha, may pupuntahan lang ako” sabi ko
“Woi! Saan ka pupunta?” sigaw nya sakin
“Sandali lang” sabi ko habang natakbo papalapit sa kanila
Nung malapit na ako napansin kong parang seryoso masyado yung usapan nila kaya naman parang nag-alangan akong lumapit, kaso image ko ang nakasalalay dito eh!!
Haist!! Bahala na!
At ayun nga. Lumapit na ako.