Chapter 7 ~
[Marinela's POV]
Pagkahabol na pagkahabol ko kay Kelsie eh kumapit agad ako sa braso nya.
"Tara na?" sabi ko
"Tsk!" sabi nya sabay irap sakin.
"Sorry na kung natagalan" :3 sabi ko ng naka-pout pa baka sakaling effective.
"Ano bang pinag-usapan nyo at inabot kayo ng halos 30 minutes?!" inis na tanong nya. Hehe! Mainipin talaga.
"Wala naman" pagdadahilan ko.
"Wala? Don't tell me puro sorry lang ang sinabi nya sayo for almost 30 minutes?! Gaano ba katagal ang pag-sabi ng isang 5 letter word?!" sarcastic naman na sabi nya.
"Ah a-ano? Nakipag-kilala rin. Tsaka sinuli yung libro ko na naiwan ko daw kanina."
"Yun lang?" tanong nya na naman.
"H-ha? Ah o-oo" ano ba naman toh! Ang hirap naman mag-sinungaling! >_<
"So balik tayo dun sa kinukwento mo kanina" biglang sabi nya.
"Ha? Anong kwento?"
"Duh! Eh di kung bakit ka na late!"
Naku! Ano namang idadahilan ko ngayon? Di pa ako prepared eh! Kainis kasi yung si boy epic eh! 2nd time ko na tong pagsisinungaling ngayong araw dahil lang sa kanya!! >.<
Eh kung sabihin ko na lang kaya? Eh kaso baka pag nalaman nya ipa-salvage ako nun eh, o kaya ipa-torture, o ipa-chopchop o ipa -------
"Hoi! Kwento na! Dali!" biglang sigaw sakin ni Kelsie.
"A-ah, ano, wala naman yun, sumakit kasi yung tiyan ko kanina, eh mahaba yung pila sa C.R kaya natagalan ako" ^_^
Sabi ko sabay ngiti. Sana lang talaga effective.
"Ha? Eh ano yung sinasabi mo kanina na rose thingy?" nalilitong sabi nya.
"Yun ba? Wala yun, joke lang yun"
Tinaasan nya lang ako ng kilay nun. And i can see that she's not convinced.
"Oo nga. Joke lang talaga yun, isipin mo nga, sino naman sa tingin mo ang magbibigay ng rose sakin diba? Wala yun" sabi ko naman para maniwala sya.
"Alam mo, puro ka talaga kalokohan" sabi nya kang sabay kinurot ng mahina ang braso ko.
"Hehehe! Cute naman" sabi ko :p
"Mas cute ako" sinabi nya naman.
Diretso uwi na rin naman kami nun. Buti na kang at nagawan ko ng paraan.
Pero dapat talaga hindi ko tinutulungan yung lalaki na yun eh! >.<
[Rico's pov]
Buti na lang talaga at nagawan ko ng paraan yung kahapon.
Pero nakakainis talaga yung babae na yun! Bakit kailangan pa kasing maging mag best friend sila ni Kelsie?!
Maaga nga akong pumasok ngayon para kang abangan yung babae na yun. Gusto ko lang talaga maka-siguro na wala syang pagsa-sabihan ng about dun sa nangyari. >.<
"Hoi" bigla na lang may tumapik sa likod ko. Pag-tingin ko si Ijun lang pala.
"Oh?" sagot ko sa kanya habang palinga-linga.
"Di ka pa papasok?" nandito pa kasi ako ngayon sa may hallway at di pa ako pumapasok ng room.
"Mamaya na" sagot ko ng di pa rin naka-tingin sa kanya.
"Problema mo? Di ka mapakali dyan?" sabi nya.
"May hinahanap ako! Wag ka magulo!" naiinis na sagot ko.
"Ow? Sino? Yung pantasya mo?" pangungulit pa rin nya
"Tumigil ka nga! Hindi sya!" inis naman na sagot ko.
"Talaga? Oooi, may bagong chix sya" >:)
"Ijun, pwede ba tigilan mo nga ako dyan sa mga kalokohan mo!"
"Sino ba kasi hinahanap mo?"
"Yung babae kahapon" naka-busangot na sagot ko
"Pffffft! Hahaha! You mean yung napagkamalan mo?" sabi nya habang namumula na sa kakatawa.
"Oo, ano nakakatawa?"
"Wala,wala, sige hanapin mo lang, nakakahiya ka dude!" sabi nya habang naka-akbay sakin at pailing-iling pa.
"Tsk! Oo na palpak na!" sarcastic na sabi ko.
"Eh bakit mo naman hinahanap yun?" pagtatanong na naman nya.
"Papatahimikin ko lang" >:(
"Ha? Bakit magka-kilala ba sila ng pantasya mo?" seryosong tanong nya.
Maka-pantasya naman tong ugok na toh! >_<
"They not just simply know each other,they are actually bestfriends!" pagsa-sabi ko with sarcasm.
"Naku! Yari ka dre! Magsusumbong talaga yun" pananakot nya
"Manahimik ka na nga lang! Lumayas ka na dito!" sabay akma ko ng suntok.
"Woah! Woah! Oo na" sabi nya sabay takbo habang patawa-tawa pa.
Tsk! Loko-loko talaga eh!
Maya-maya lang pagka-alis ni Ijun eh nakita ko na yung babae na hinahanap ko.
Agad-agad na akong lumapit nun sa kanya at hinila sya.
"Hoi! Sino ka?!" tanong nya habang hinihila ko pa rin sya.
"Hoi! Hoi! Ano ba?!" pagpupumiglas nya.
>o< Tsk! Napakalikot naman nito!
Saglit akong tumigil at hinarap sya.
O_O -> mukha nya
"Kuya epic!" sabi nya habang tinuturo ako.
"Epic ka dyan! Rico ang pangalan ko!"
"Bakit?" tanong nya
"Anong bakit ?" sabi ko naman
"Ha?" sabi nya lang ulit
"Ha ka dyan!" inis na sagot ko
"Ano?" tanong na naman nya. Dun ko lang napansin na parang out of the flow na yung usapan namin.
Napa-tingin naman ako dun sa headphone na suot nya.
>.< Kaya naman pala eh!
"Naririnig mo na ako?" sabi ko after alisin yung headphone nya.
"Oo" sagot nya naman.
A/N: ok guys!! that's all for today muna :)) Hope you enjoy and appreciate it.
CLICK !
COMMENT AND VOTE ^_^ PLEASE ?
^____________6
~KEHe13~