***
"HELLO SIR,. Si Carlo po ito, wag po kayong magsasalita kung sino ako, kailangan ko ng tulong nyo, may misyon ako ngayong ginagawa para matunton o malaman ang nasa likod ng patayan sa LAC. Mababalitaan nyo ang nangyaring aksidente sa kotse ko, wag kayo magalala sir at okay ako, kailangan ko lang ng mga damit at ilang personal na gamit para sa dalawang tao. Pagdating nyo dun sa pinangyarihan ng aksidente ay pasimple nyong ibaba ang mga pinapadala ko, at sa loob ng kotse ay kunin nyo ang box na nasa loob ng drawer ng kotse, at pakiusap, ibigay nyo to pagkatapos ng 20 days kay Ysabella Fajardo. Mawawala ako ng ilang linggo pero pag balik ko ay baon ko ang mga sagot sa lahat lahat."pagkatapos nun ay namatay na ang cellphone. Hindi na nagtanong pa si Bonker dahil malaki ang tiwala nya kay Carlo.
Sila Carlo naman ay kinailangang kumubli sa mga tao dahil wala sila anumang saplot. Sinunog kasi nila ang mga damit nila ni Axle. Ilang oras silang nasa ganong sitwasyon bago dumating si Bonker, pasimpleng binaba ni Bonker ang bag sa may damuhan na may lamang ilang damit at personal na gamit. May konting cash din syang natagpuan dito na pinagpapasalamat nya kay Bonker ng sobra dahil maski pera nila ay kinailangan nilang iwanan dun para di sila masundan, tanging mga gamit lang ni Alex ang tinira nila dahil maaring makatulong sa kanila ito at isa pa ay may binudbod ni Alex dito ang abo ng damit nilang sinunog. Matapos magbihis ay siniguro muna nilang makikita ng inspector ang biniling kahon at di naman sila namoblema dahil nakita din nila ito.
Ilang araw silang naglakad paikot sa lugar na iyon, ayon kay Alex, eto daw ang paraan para maiwan ag natitirang amoy namin sa pinangyarihan.
Pagkatapos non ay dumiretso na kami sa pakay namin, doon sa kahon ng mga gamit ni Marbly na ayon na nga sa magulang nito ay pagaari ni HAZEL ay may isang larawan ng babaeng nasa harapan ng Arko kung saan kitang kita ang pangalan ng lugar. "HACIENDA FALL" at sa likod ng larawan ay may nakasulay na "black lady"
Nagresearch sila sa internet ukol sa nasabing Hacienda, dalawang bayan pa na may parehong pangalan ng hacienda ang napuntahan nila bago nila matunton ang mismong pakay nila.
Isang linggo din silang nagmanman sa lugar na iyon at nalaman nilang bago na ang may ari na Hacienda, sinubukan nilang magtanong tanong sa mga taong nasa paligid, iilan lang ang nakakakilala sa mga dating may ari ng Hacienda dahil karamihan sa mga nakatira doon nuon ay lumipat na sa ibang lugar. Isa nga doon ang nakapagturo kay Sarah Monica.
"Hijo.."putol ng matandang babae sa pagbabalik tanaw ni Carlo.
"Ano po yun?"si Carlo.
"Halika muna kayo sa kusina at kumain muna kayo.."aya ng matandang babae.
"Naku po hindi na po.."
"Naku hijo.. Eh mukhang matagal na kayong hindi nakakakain ng maayos ng kasama mo, wag na kayong mahiya.."mabait na wika ng matanda.
Wala ng nagawa si Carlo at Axle dahil sa kakapilit ng matanda, talagang nagugutom na rin sila dahil ilang linggo ng puro nagkakasya sila sa tinapay lang.
"Pasensya na kayo at eto lang ang nakayanan kong ihain, mangyari kasi eh kami lang ng apo ko ang nasa bahay, nasa eskwela naman sya ngayon"pagpapaliwanag ng mabait na babae, sinangag, pritong dalagang bukid, talbos ng kamote, nilagang kamatis at bagoong ang nakahain. Meron ding nakatimplang kape at sa tabi noon ay may sariling gatas ng kalabaw.
"Naku manang, sobra sobra naman po ito, "magalang na wika ni Alex na umupo na at naghugas ng kamay sa hinawan sa mesa.
"Wala yan, mukhang gutom na gutom at pagod na pagod kayo, magagahan muna kayo at magpahinga muna, malamig ang hangin dito, bumawi muna kayo ng lakas."wika ng matanda habang pinaglalagay ng kanin ang dalawa.
"Naku Manang.."si Carlo
"Manang Tricia.. Ako si Sarah Monica.."ngiting pagpapakilala ni Manang Tricia. "Kumain na kayo at magpahinga, pagsasampalukan ko kayo mamayang tanghalian.."
"Pero kailangan po naming.."
"At saka tayo magusap.."putol ni Manang Tricia sa mga sasabihin pa ni Alex. Tumango lang ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.