"Wala na?Paanong wala na?"si Flor, kakarating lang nila sa presinto, kinailangan muna nilang isugod si Lina sa hospital dahil hinimatay pero ng umayos ito ay dali daling nagaya sa anak na si Ysa, pero eto nga at huli na sila.
"Sinong kAsama?"usisa ni Flor.
"Yung anak ni Gov, sinugod nila sa hospital dahil nawalan ng malay dahil sa tama ng baril sa hita"kwento ng pulis.
"Ang anak ko.."palahaw ni Lina.
"Ma, chill ka lang, "pagpapahinahon ni Flor sa ina. "Sir, alam nyo po ba kung saang hospital?"tanong pa nya.
"Hindi ko alam eh.."sagot ng pulis at nagpatuloy sa ginagawa.
Napahawak naman sa ulo si Flor na wari bay sumasakit ito.
"Nasaan kaya ang kapatid mo Flor?"punong puno ng pagaalalang tanong ni Lina.
"Ma, wag kang magalala, kung nasaan man siguro si Ysa ay hindi dya pababayaan ni Lexin.."wika ni Flor pero bakas sa tinig nito ang pagaalala.
"Flor!"
Napalingon si Flor sa pinanggalingan ng tawag sa kanya.
"Carlo!"
"Anong ginagawa nyo dito??"usisa ni Carlo na kararating lang, kasama nito si Alex, oras na nalaman nila ang katotohanan ay agad agad silang umalis kasama si Manang Tricia. Agad silang dumiretso sa presinto upang makipagkita sana kay Bonker at pagusapan ang kanilang nadiskubre. Pero laking gulat nya ng madatnan ang ina at kapatid ni Ysa.
"Si Ysa, napagbintangan sya na pumatay kay Corine.."naiiyak na sabi Flor.
"Ha! Panong.. Nasaan sya?"si Carlo.
"Napyansahan na sya, pinyansahan daw sya ni Lexin at dinala sa hospital dahil may tama ng bala sa hita.."sagot ni Flor. Hindi naman napansin ni Ysa ang pagpapalitan ng tingin ni Carlo at Alex.
"Partner! Nakabalik ka na pala.."narinig nila na bati ni Bonker na kalalabas lang galing sa isang opisina.
"Sir.. ! Naibigay nyo na po ba kay Ysa yung kahon?"tanong agad ni Carlo na kinakabahan.
"Oo. Kaninang bago sya mapalaya.."
"Kailangan na nating mahanap si Ysa.."putol ni Carlo sa mga sasabihin pa ni Bonker.
"Bakit Carlo? Ano ba talaga ang nangyayari?"mas tumindi ang pagaalala sa tono ni Flor.
"Saka ko na lang papaliwanags sayo.. Hanapin na natin sya.."sabi ni Carlo at saka bumaling kay Bonker.
"Kailangan namin ng sasakyan.."
"Mabuti pa gamitin nyo na lang yung kotse ko, at doon kami ni Adrian sa police car."suhestyon ni Bonker.
"Isama nyo si Alex, para maipaliwanag nya sa inyo ang lahat.."si Carlo agad binigay ni Bonker at saka lumakad na.
"SINO KA!! ANONG KAILANGAN MO SA AKIN?!"si Daniel, nagising na lang sya na nakatali sa isang upuan, ang huling natatandaan nya ay palabas na sya sa LAC papunta sa presinto dahil nabalitaan nya na napalaya ang suspect sa pagkamatay ng anak nya. Isang matigas na bagay ang tumama sa ulo nya. Hindi na nya alam ang sumunod na nangyari. At eto nga ay nagising lang syang nakatali sa isang upuan.
May tao sa harapan nya pero masyadong madilim kaya hindi nya ito mamukhaan.
"SINO KA! ANONG KAILANGAN MO??PERA BA! BIBIGYAN KITA PAKAWALAN MO AKO DITO!!"sigaw nya. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ng lalaking kausap. At kapagdakay lumapit sa kanya.
"Pera.. Aanhin ko pera mo!"malamig na sabi ng lalaki at saka nalantad kay Daniel ang pagkatao nito.
"IKAW!!! ANONG.. "