Napatingin dito si Ysa at parang hinaplos nito ang kanyang puso sa mga binitiwang salita. Hinawakan nya ang mga pisngi ni Lexin at ngumiti.
"Ikaw na lang ang natitirang magandang alaala ko sa LAC, at ayokong dumating ang oras na pati magandang ala ala ay wala na ako sayo dahil nawala ka na rin sa buhay ko.. Ayokong dumating ang pagkakataong iyon dahil hinding hindi ko kakayanin.."kinuha ni Lexin ang kamay ni Ysa mula sa pisngi nya at nilipat sa tapat ng puso nya.
"hinding hindi ako mawawala sayo.. Pinapangako ko, kung kinakailangang pati kamatayan labanan ko.. Gagawin ko.. Mahal na Mahal kita Maria Ysabella Fajardo, ikaw ang nagiisang Campus Queen ng buhay ko.."
"Mahal na mahal din kita, Sobra sobra kitang mahal Lexin.."bulalas ni Ysa, unti unting nilapat ni Lexin ang mga labi sa labi ni Ysa at isang matamis at maalab na halik ang kanilang pinagsaluhan.
Nang mga sandaling iyon ay ang tanging nasa isip ni Ysa ay pagpapaubaya, sa mga gantong pagkakataon nya kailangan ng isang Lexin sa buhay nya.
Masyadong naging mainit ang mga sandaling iyon sa pagitan ni Ysa at Lexin, kapwa sila nakalimot at hindi inalintana ang mga problemang kakaharapin, tuluyan ng pinagkaloob ni Ysa ang sarili sa lalaking minamahal, paulit ulit syang inangking ni Lexin at paulit ulit ding nagpaubaya si Ysa.
*******************
"YSA..!"
"POLINAR!!"tawag niya sa binata na nasa tabing dagat, sa likod nito ang malalakas na alon. Tumakbo papalapit dito si Ysa.
"Bakit ang tagal mong nawala! Bakit hindi ka nagpaparamdam! Akala ko ba nandyan ka lang lagi para sa akin pero bakit wala ka ng mga sandaling kailangan kita!"nagtatampong wika ni Ysa.
Pero nakatitig lang sa kanya si POLINAR at kapagdakay tumanaw sa malayo at kapagdakay lumakad papunta sa dagat.
"Saan ka pupuntaa, baka mapano ka diyan ! Bumalik ka dito," sinundan ito ni Ysa. "POLINAR!"
"Ysa..kung sakaling buhay pa ako at ako ang unang nakilala mo sa LAC may pag asa kayang ako ang minahal mo at hindi si Lexin.."nagulat si Ysa sa tanong iyon ni Polinar, tinitigan nya maigi ito, wala ang nakasanayan nyang ngiti sa mga labi nito, bagkos ay seryosong Polinar ang nasa harap nya.
"Polinar Ano ba ang sinasabi mo?"
"Sana ako na lang sya.. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana pinaglaban ko ang buhay ko para mabigyan ako ng pagkakataong makilala ka.. Ako sana sya Ysa, ako sana ang mahal mo.."malungkot na wika ni Polinar at saka naglakad papalapit sa dagat.
"ANO! IIWAN MO NA AKO! HA POLINAR! IIWAN MO NA AKO!!"iyak ni Ysa, nilingon naman sya ni Polinar. "Wag.. Wag mo akong iwan.. Hindi ko kaya.."
"Kung pwede lang Ysa, kung pwede lang.. Pero hanggang dito na lang ako.."pigil ang luhang sabi ni Polinar saka tinuloy ang paglalakad hanggang sa lamunin ito ng malaking alon.
"POLIIINNNNAAAARRRR!!"
Napabalikwas ng bangon si Ysa, hihingal hingal at parang may kung anong kurot sa puso nya, parang may isang parte ng puso nya ang kulang.
Napatingin si Ysa kay Lexin na tulog na tulog,naalala nya ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila, sa kabila ng sugat sa mga hita nya, napangiti na lang sya ng makita ang lalaking minamahal pero pilit sumisiksik si Polinar sa isip nya. Nakataglid si Lexin sa kanya, yayakapin sana nya ito ng may makitang kung ano sa may batok nito. Kunot noong hinawi nya ito at nanlaki ang mata nya ng makita nya ang natatakpan ng buhok.
Isang tattoo, Isang maliit na butterfly na kulay itim. Pilit nyang inalala kung saan nya nakita ang markang yon.