Biglang nagring ang cellphone ni Lexin, agad nyang kinuha yon, ang ate nya ang tumatawag.
"Hello Lexin! Nasaan ang kapatid ko! Bakit ayaw mong sagutin ang mga text at tawag ko!!"
"Ate Flor.. "sagot ni Ysa.
"Ysa! Ysa.. Carlo si Ysa..!"narinig nyang sabi ng ate nya, maya maya ay hindi na si Flor ang kausap kung hindi si Carlo.
"Ysa nasaan ka?"
"Nandito sa Tagaytay, sa bahay nila Lexin dito.."
"Mabuti na lamang pala at tama ang pinuntahan namin, nagbakasakali lang kami pero sa awa ng diyos, diyan kami dadalin ng mga paa namin, malapit na kami dyan Ysa, pero ang gusto ko ay umalis ka na diyan habang may panahon pa.. Ysa, delikado si Lexin, sya ang killer, sya ang pumapatay, sila ng nanay nya, nag kaluluwa ng nanay nya..ng tunay nyang ina.."mabilis na kwento ni Carlo.
"Si Aishi ay kapatid ng kinilalang ina ni Lexin na si Mae, isang kahihiyan ang pagbubuntis ni Aishi noon dahil kasal na si Crisanto kaya naman ng ipanganak ito ay pinalabas nilang patay na ang bata at binigay na lang kay Mae, si Aishi naman ay hindi makapaniwala, labis labis ang hinagpis nya, ang anak nya na lamang ang pinanghahawakan para bumalik si Crisanto sa buhay nya kaya umampon siya, si Corine at pinalabas nyang yun ang anak nya kay Crisanto, pero hindi kinilala ni Crisanto ang bata kaya naman napilitan na lang syang magpakasal kay Daniel, Ysa kailangan mong umalis diyan, delikado si Lexin, kagabi ay pinatay nya si Daniel"
"SINO YAN!"si Lexin.
Nanginginig na napalingon si Ysa ng marinig ang boses ni Lexin na gising na pala.
"SABI KO SINO YANG KAUSAP MO!"tanong ni Lexin na parang nanguusig. Pinatay ni Ysa ang cellphone at matapang na hinarap si Lexin.
"IKAW BA ANG PUMATAY KAY POLINAR?!"malakas ang loob na tanong nya.
"ANONG.."
"Wag ka ng magmaang maangan Lexin! Alam ko na! Ikaw ang killer, ikaw!"nanginginig man sa takot ay pinilit ni Ysang magpakatatag.
"YSA.. LET ME EXPLAIN, KAYA KO LANG NAMAN NAGAWA YON DAHIL SINASAKTAN KA NILA.."si Lexin na akmang lalapit sa kanya.
"HUWAG KANG LALAPIT! BAKIT PATI MGA KAIBIGAN KO AT ANG PAPA KO PATI SI ATE ALEXA DINAMAY NG INA MO!!"takot na takot na si Ysa pero hindi nya pinahalata.
"HINDI KO ALAM ANG SINASABI MO, YSA.. DIKO PINATAY SILA AILEEN.. May sakit ako.. Pag may nanakit sa akin at sa taong mahal ko hindi ko mapigilang patayin sila.. Pinilit kong baguhin yun mula ng makilala kita, kaya nacocontrol ko na ang sarili ko pero yung ginawa nila Yuan, hindi ko mapapalampas yon!"pagpapaliwanag ni Lexin.
"At si Polinar! Anong kasalanan nya sayo!"tanong ni Ysa.
"Paano mo sya.."
"Sa maniwala ka man o sa hindi ay naging kaibigan ko sya, at wala akong kaalam alam na matagal na pala siyang patay.."kwento ni Ysa.
"YSA.. Hindi ko sya pinatay.. Hindi ko pinatay si Polinar.. Kusa syang tumalon sa rooftop.. Hindi ko sya napigil.. "si Lexin.
"SINUNGALING! AKALA MO BA MANINIWALA PA AKO SAYO! MAMAMATAY TAO KA!!"matapang na sabi ni Ysa.
Napayuko si Lexin at maya maya ay isang nakakademonyong tawa ang narinig nya mula dito.
"Hahahaahahaha! OO PINATAY KO SILA! PINATAY KO SILANG LAHAT! DAHIL MGA HAYOP SILA! AT SI POLINAR, OO TINULAK KO SYA! PERO SYA ANG MAY GUSTO NON DAHIL TRAYDOR SYA! "ibang ibang Lexin ang nakikita ni Ysa sa harap nya.
"PATI SI HAZEL PINATAY MO..ANONG KLASE KA!!"sigaw ni Ysa na umaatras papunta sa flower vase na malapit.