hey! this is one of a story in my one shot collections and i decided to make it a short story bcos its one of my fav story! hope u like it :)))
PROLOGUE
Nakita nanaman kita. Araw-araw kita nakikita sa First Love Cafe, hindi ko alam kung bakit ka nandito eh wala naman kaming free wifi, lagi mong inoorder iyong Ice Coffee Americano pero hindi mo naman ito iniinom, natunaw na ang mga yelo rito pero loptop mo parin ang kaharap mo.
Nakatitig lang ako sayo, lagi kasing nakakunot ang mga noo mo para sakin mas lalo ka lang gumagwapo sa paningin ko.
Hindi ko alam kung kailan ako nagkagusto sayo, basta nalaman ko na lang sa sarili ko na lagi kitang hinanahanap, na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita.
"Sir, sorry po magc-close na po kami," kabado kong sabi sayo.
You smiled at me, my heart beats a little faster dahil sa nakita ko iyong malalim mong dimple. Bakit ang gwapo mo? Pero mukhang araw-araw kang may hinihintay dito. You always waited for someone. Ordering two drinks at the same time, sitting in the same place. Tapos kapag may nakaupo sa gusto mong pwesto hinhintay mo pa na umalis sila.
You always order two drinks but you never drink the Ice Coffee. I wonder why? Naghihintay ka ba sa girlfriend mo? Sa ex mo? I'm curious but I shouldn't step my boundaries Because after all, I'm still a stranger.
"Ah, ganon ba?"
"Yes po" pabibo kong sagot. He looked at the Ice Americano with a sad face. Oh God, He looks like a puppy just now. A very handsome puppy.
"A-alis din ako."
Shit. Don't ask, Don't ask anything Hetti. Hindi ka si Jollibee para maging pabibo okay? Si Hetti ka.
"May hinhintay po ba kayo Sir?" Oopps, Chismoza alert tayo nito. Baka mainis ka na sakin. Sana hindi na lang pala ako nagtanong.
"Yes. And she never came."
"Sir, Sorry I know it's weird pero 1 month and 12 days ka ng nakatambay dito bakit hinhintay mo parin?"
Narinig ko ang mahina mong pagtawa sa sinabi ko. Oo na, weird na ako. Binilang ko iyong mga araw na nandito ka at yunh mga araw na hindi ka rin present dito sa Cafe. You never ordered cake, laging Ice Americano na hindi mo naman iniinom at isa namang Mango shake. Lagi kang magisa at parang may hinhintay, wala kang ginagawa kung 'di tumambay sa Cafe at umupo sa favorite place mo habang nakatingin ka sa bintana...pinagmamasdan ang mga taong dumadaan.
Maybe you really hope it was her?
"I'm still hoping..Hetti."
Gulat na gulat ang mata ko ng tignan kita. Pano mo nalaman ang pangalan ko? Isa ka bang manghuhula? O baka kamukha ko lang talaga yung friend ni Jollibee dahil sa kulot 'tong buhok ko?"S-sir? Pano mo nalaman name ko? Stalker ka 'no!" Hoping na sana totoo hehe, choz. Kasi naman baka ako lang talaga iyong hinhintay mo. Kakapalan ko na 'yong mukha ko since once in a life time lang naman 'to. Pero syempre alam kong hindi totoo dahil tumawa ka ng malakas.
"I saw it in your name plate...Hetti diba? You're funny." Ay, funny lang?
"Opo Sir. Hetti Spa po at yoyr service."
"Damn, what a weird name"
"True Sir, buti nga po hindi pa nilang ginawang Spa Hetti e, baka mawalan na ako sa katinuan 'non."
"Haha! By the way I'm Timothy."
Sabi mo sabay lahad ng kamay sa harapan ko. Kinuha ko agad ito dajil isa na itong opportunity 'no! Why not grab it?"Sir?"
"Hm?"
"Baka po nakakalimutan nyo, Magc-close na po kami, hehe."
"Ah!" Ngumiti siya sakin at nagpaalam na para umalis. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ikaw na ata ang First Love ko! Kung ganon..paniguradong ikaw na rin ang magiging first heartbreak ko. Hay, ayoko pa namn sa mga taong may hinihintay lagi kasing dumadating iyong mga hinihintay nila.
Kinabukasan. Nakita ulit kita. Sitting in the same place, Ordering the same drinks. Pero may kakaiba ngayon kasi..naalala mo yunh pangalan ko! Achievement na 'yon no! Ibig sabihin hindi mo nakalimutan ang maganda kong mukha.
"Sir, bakit po ba dalawa lagi inoorder nyo?" Curious na tanong ko.
"Hmm..Ewan, para matulungan 'tong coffee shop nyo?" Sabi mo sabay tawa. Kaso yung tawa na yon hindi umabot sa mata mo. Ang lungkot mo kasi e, umaasa ka pa ba? Na baka bumalik siya?
Tsk! Kung ako 'yong babae iinumin ko yang Ice coffee na yan ng diresto! Kahit ayoko sa kape. (E? Pero sa coffee shop ka nagtrabaho?)
"Sige Sir. Balik na ako sa trabaho" Sabi ko. Hindi lang ito ang huli nating paguusap. Nasundan pa ito ng nasundan hanggang sa isang araw, may babaeng nakaputing bestida ang dunating. At alam ko nung araw na 'yon hindi ka na babalik.
Habang naguusap tayo bigla kang tumayo. "Sir Timothy?" Mahinang tanong ko. Lumapit ang babaeng nakaputi satin na namumula ang mga mata. Tumakbo ka papunta sakanya at niyakap siya. Napabunting hininga ako. Umalis ako sa inuupuan ko kanina para kayo naman ang makaupo.
Nagusap kayo na para bang kayo lag dalawa ang tao sa mundo. Ganon pala talaga ang pagibig 'no? Nakakasira ng bait. Kahit na ilang araw ka niya pinaghintay, hinitay mo parin at pinapasok sa buhay mo. Baliw ka siguro Timothy? Ah mali, mas baliw ako sayo kasi nagkagusto agad ako sa taong kakakilala ko pa lang at nasasaktan ako sa nakikita ko.
Edi wag tumingin! Pumikit para hindi masakit. Kaso masaya din ako para sayo. Dahil alam ko hindi mo na siya hihintayin ulit. Ang Ice coffee na lagi mong inoorder ay ubos na rin sa wakas. Hindi na nasayang ang pera mo dito! Alam kong masaya ka tapps makakalimutan mo rin ako pero okay lang. Dahil isa lang ako sa mga taong dumaan sa buhay mo.
At sa oras na din iyon, ang mga ngiti mo'y umabot sa mata. At don ko nalaman na...hindi ka na ulit babalik pa.
