Mina's pov
Chance
Maaga akong umalis sa bahay dahil baka maubusan ako ng slot pero baka ako pa ang mauuna dahil 6:30 palang
7:30 pa ang simula pero paniguradong magsisimula ang program ng 8:00 kaya.
Pero dahil gusto kong makuha yung slot, dahil huling pagkakataon ko na ito na maging isang dance troop at sayang din dahil bonus pa ang scholarship ng senior high kung mananalo ako.
May isang grupong kalalakihan na nagkakaguluhan sa may kanto
Madalas lang ang dumadaan dito, dahil wala masyadong sasakyan ang nadaan.
Nakita ko sila may nakita din akong matanda?
Anung ginagawa nila?
6:49am
Bahala na!
"Hoy!" Napatigil sila dahil sa pagsigaw ko pati yung kasama nilang matanda nakatingin sa akin na parang humihingi ng tulong
"Aba! Kung sinisuwerte ka nga naman oh, may grasyang dumating" sabi nung lalaking kulay blue ang buhok.
Tinulak nila yung matanda buti na lang mabilis ko itong nasalo
"Lola! Ayos lang po kayo?" Tanong ko sa matanda, weakness ko kasi sila dahil naalala ko sa kanila si inay.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko dahil kung ibabase sa suot niya mayaman ito.
Baka siguro napagdikitahan dahil andaming nakasabit na mga alahas sa kanya
Napatingin ako dun sa mga lalaki, papalapit sila sa amin, kaya ko kaya ito lima sila, isa lang ako.
Unang sumugod yung isang lalaki sa akin, nawala ako sa sarili ko ng sinuntok ko siya na napakalakas. Ayun tulog
Sumunod naman yung isang lalaking puro tattoo ang braso pero payat, madali lang ito.
*Booogshhhh*
Bagsak
"Malakas kang babae ka ha!?" Galit na sabi nung lalaking kulay blue ang buhok leader ata nila yon.
Sumunod naman yung lalaking may hawak na tubo pvta di ko kaya ito.
Tulongan niyo kami!!
Nakita ko si lola nakatayo lang sa isang sulok na parang di mapakali.
"Ahhhhh" mabilis akong napalingon dun sa lalaki sa harapan ko, malapit na sa akin yung tubo, mabilis ako umupo
*Boooogshhhh*
Pinakiramdaman ko yung ulo ko kung masakit pero wala akong maramdaman
Napatingin ako sa likod ko yun yung isang lalaking may tattoo yun pala ang natamaan.
Tumingi ako dun sa lalaki dalawa na sila, mabilis nilang hinawakan yung dalawa kong kamay
"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko dun sa lalaking kulay blue ang buhok feeling koreano amp.
Pvta wala na yong pangarap ko
Pag di ako nakaligtas dito
*Weeeeeeeeeeeeee*
Sirena ng pulis?!
Muli akong nabuhayan dahil nakita ko silang napatakbo kasama yung mga kasamahan nilang napatumba ko. Buti na lang
"Ayon sila" turo ng lalaking kasamahan ng mga pulis, naka-formal attire
Agad naman silang tumakbo
BINABASA MO ANG
A dreamcatcher
RandomMaraming pangarap ang natutupad dahil sa ito ay pinatiyagaan at pinaghihirapan. Maraming pagsubok ang dumating bago matagal na inaasam. Pero paano na lang kung hindi mo ito magawa-gawa dahil sa mapanghusgang mundo? At kung bakit sa dinami-dami ng pa...