Chapter 2

1 0 0
                                    

News

Mina's pov

Sa di ko malaman na dahilan kung paano nakapasok ang adviser namin sa classroom.

Lutang ka eh

"Hi I'm Chloe Jane Guevarra, your class adviser"

mukhang bata pa itong adviser namin, parang kaedad lang namin at kung pagtatabihin kami mas mukha pa akong matanda. Mapapa sana all ka na lang

Karaniwang gawain tuwing first day, sympre pagpapakilala pupunta sa harapan katulad ng ginawa ni Vincent ngayon.

"Hi I'm Zaden Vincent Dela Cruz" sabi niya sabay upo

Seriously ganun lang?

"Hi I'm Matthew Sy, 16years old at kung may gusto pa kayong malaman" tinuro niya yung upuan niya kaya napalingon kami "punta lang kayo dito" nag-smirk pa lahat kaya nagtilian ang ibang kababaihan

Tsk. Chick boy

Ako nga po pala si Mina Pavonine, 16years old--ay mali

I'm Mina Pavonine, 16 years old--ano pa ba ang dapat kung sabihin?

"Next!" Tawag ni maam

Shit!

Ito kinakabahan ako kahit sa pagpapangalan palang paano pa kaya kung recitation ito, namamawis yung kamay ko. Kinakabahan ako ewan ko

"I-i'm Mina P-Pavonine, 16 years old" sabi ko sabay mabilis na pumunta sa upuan ko.

Wow!

Parang kanina lang tawang-tawa ng malakas pero di ka manlang nahiya tapos sa pagpapakilala

Sympre iba yun!

Malay ko ba

Baka iba masabi ko, mahirap na.

Tiningnan ko yung dalawang ugok nakangiti ng nakakaloko, alam na kasi nila na lagi akong kinakabahan kapag nagpapakilala ako.

Sa tagal ko ba namang nakasama yang mga yan simula Elementary kasama or should i say childhood friends ko sila dahil magkakaibigan din ang mga magulang namin.

*Booogshhh*

Bigla na lang kumalabog ang pinto sabay bukas

"Sorry maam I'm late" sabi niya

Seriously, tama nga sya

Tumingin siya sa amin at nagsimulang magpakilala

"Hi I'm Michael Alva, Mich for short" habang nagpapacute

Lumantad na ang bakla

Tumabi siya sa akin at kinindatan niya ako

"Sabi sa iyo eh magkikita pa tayo" masayang sabi niya

"Namiss kita bes" sabi niya akmang yayakapan at bebeso

*Ehem*

Sabay kaming napatingin sa harap kitang kita kong nakatingin si maam sa amin

"Bueno eto nga pala ang lesson bukas at sa susunod na blah blah blah blah blah blah"

Wala akong maintindihan, buti na lang wala masyadong gagawin ngayon kaylangan ko munang magpakasaya dahil bukas seryosohan na.

"Ay! Nakalimutan ko nga pala" sabi ni maam, napatingin ako sa harap

"Wala nga palang klase bukas organization day, walang pasok lahat pero kailangan pumasok kayo dahil hahanapin ko din kayo" alam ko na yan

"Sana lahat kayo makasali sa mga pwedeng salihan bukas" sabi ni maam

"Btw open na ulit ang dance troop agahan niyo ang pagpunta baka kayo maubusan ng slot"

Napangiti ako dahil matagal na akong naghihintay na mag-audition dun

Nagkakataon lang na na-uubus ang slot dahil kung gaano lang karami ang umaalis o grumagraduate

Kailangan ko ng agahan!

"At isa papala maaari kayong lumaban sa ibang school or lugar kung saan makakakuha kayo ng scholarship para sa senior high--hindi ko lang alam kung saang school basta isang sikat na school  kaya eto na ang pagkakataon na ipakita ang talento niyo sa pagsayaw dahil piling school lang ang pwede kaya pasalamat kayo napasama ang Northwest University"

Parang Hindi ko kakayanin yung narinig ko

Kaya naman akong pag-aralin nina mama pero gusto ko yung pinaghirapan ko

Eto na!!!

Ang matagal kong pinapangarap

Parang maiiyak ako sa tuwa pero wag munang magpakasaya akong magpakasaya dahil baka sa audition hindi pa ako matanggap

Pero THINK POSITIVE tayo

Di ko bibiguin ang sarili ko, makakaya ko ito.


















Calm down excited na ako. Ano kayang mangyayari?

Follow me on Facebook:
@Min Jungseok Kim
rp account po yan.

Enjoy reading!!!

A dreamcatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon