Mina's pov
Help 'ate'
Nakauwi na ako sa bahay dahil sadyang mabilis lang ang araw na ito
Ewan ko ba kung bakit mabilis ang oras kapag na-enjoy mo, siguro hindi natin napapansin ang oras.
Ang saya ng araw na ito! Tumulong ka kaso hindi mo nga lang naabutan ang mahalaga mong pupuntahan. At dahil sa mga kaibigan ko binigyan nila ako ng pagkakataong ibahagi ang talento ko.
Sobrang saya ko!
Saglit nga lang--napaisip ako paano nila i-upload ang ying video ko, hindi ko naman sila nakita kanina.
Kung sabagay para na akong isang idol dahil sa ginawa nila,
si Matthew para siyang direktor dahil siya ang naka-antabay sa camera at para dun lang siya naka-focus.
Si Vincent siya naman yung naka-antabay kay direk Matthew, inshort cameraman, siya rin ang bahala sa props.
Ewan ko ba kung bakit may dala silang mga props
At sympre si Mich--este Michael siya naman yung manager, hairstylist at make-up artist saan ka pa?
Habang nag-iimagine ako kung anong buhay ko bilang korean idol.
"Ate?" Hindi ba ito marunong kumatok? Mina kapatid mo yan! Kapatid mo yan tandaan mo
"Oh bakit?" Inis na tanong ko, paano ba naman kasi nag-dadrama ako dito tapos mabibitin lang
"Pwede mo ba ako turuan sa homework?" Sabi ni Meri
Nag-nod, lumabas siya sumunod naman ako kainis!
Mamaya na nga lang mag-drama
Naabutan ko siyang naka-upo sa may sala, inabot niya sa akin yung isang papel tiningnan ko ito wala namang laman o kahit na anung sulat.
"Anung gagawin ko dito?" Tanong ko
"Ate bang tulungan mo ako sa paggawa ng script ako kasi ang naka-assign" sabi niya
Pinaliwanag niya yung gagawin at tungkol saan, naalala ko ito. Ito rin yung ginawa namin nung grade 6 ako.
Wala pang isang oras natapos ko ang script pinaliwanag ko yung bawat linya sa script sinabi ko din sa kanya kung anong emosyon ang dapat ipakita sa bawat linya.
Ipinaliwanag ko din kung anong suot ng mga gaganap at mga gagamit sa roleplay nila. Kahit hindi naman siya ang naka-assign dun, dahil sa ginawa namin binase namin sa script yung mga dadalhin.
"Sige ate salamat" sabay takbo niya sa kwarto niya
Anong oras na ba? 4:16pm
Pagabi na pala, pupunta na sana ako sa kwarto ko para makita ko kung may update na ba dun sa kdrama na pinapanood ko
"Ate! Perfect ako dun sa ginawa nating homework ko kagabi" masayang sabi Marie, napangiti naman ako
"Nag-meryenda na ba kayo ng kapatid mo?" Tanong ni mama, umiling ako
Biglang kumunot ang noo ni mama dahil may napansin siya sa braso ko
"Ano yan?" Mabilis na sabi ni mama kaya mabilis ko itong tinago
"Wala po, napatama po kanina sa kwarto" napakamot-batok na lang ako, hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipag-away ako
Meron siyang nilabas isang supot--mukhang alam ko na
"MILKTEA!?" sigaw ko, bigla na lang bumukas yung pinto ng kwarto ni Meri at mabilis na tumakbo papunta sa amin
Basta pagkain di papatalo ang Pavonine's sisters!!
Kakain na!!
Mabilis kong kinuha yung akin dahil baka maubusan ako lalo na at ang mga kasabay kung kumain ay sina Marie at Meri
Mabibilis pa mandin ang mga kamay nito lalo na kapag gutom.
Iinum na sana ako ng milktea---ng biglang nagsalita si Marie ng ikinabulunan ko
"Ate may homework uli kami" sabi ni Marie, hihindi na sana ako kaso nakita ko si mama na nag-nod na lang
Pilit na ngiti lang sagot ko matatangihan ko pa ba? Dahil sa panay ang pag-pacute nito.
Natapos kami kumain, sinamahan ko na si Marie sa kwarto niya atleast nakaligtas sa hugasin
Pumasok na kami ni Marie nilabas na rin niya yung homework niya at yung mga aaralin namin parang tutor na rin niya ako,
May ate ka na! May tutor ka pa! Saan ka pa halina--ay anu ba yan kung ano-ano naiisip ko
Nasa kalagitnaan kami ng pag-aaral ng bigla na lang may nagsisigaw
Si Meri yun ah!
Napatakbo ako baka kung ano na nangyari sa kanya, nakita ko si mama mabilis na paakyat sa hagdan, sumunod din si Marie
"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong, dumating na sina mama at Marie
"Anong nangyari?" Tanong din ni mama, ngumiti lang si Meri
Nagpapatawa ba ito?
"Nasisiraan ka na ba? Bigla ka na lang nagsisigaw diyan" inis na sabi ko
"Anong nangyari?" Mahinahon na sabi ni mama
Pumunta si Meri sa study table niya at hinarap niya sa amin yung laptop niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko
Totoo ba ito? Para ako hindi makapaniwala!
Nakita ko lang naman yung sarili ko na sumasayaw, maraming nagcomment puro papuri di rin naman mawawala yung masasamang comment
"Matigas ang katawan"
"Kulang sa expression"
"Parang hipon tapon ulo" pvta gets ko yun ah gusto ko sanang sabihin na 'alam ko yun'
Meron namang magagandang comments
"Idol🤩"
"Galingan mo pa, support❤️"
"Keep it up❤️ we support you"
Nakita ko ring 1.1m views na ang videos, ang galing at ang ganda din ng anggulo ng pagkakuha ko sa video
"Wow ate sikat ka na" sabi Marie
"Congrats anak, siguradong matutuwa si papa mo" sabay sa akin ni mama
Eto na yun! Pagpapatuloy ko pa, dahil base sa video andaming nanuod
Thank you Lord
Pinaliwanag ko kay mama kung bakit ako nasa video kaya agad kong tinawagan sina Matthew
"Hello" masayang sabi ko
"[Hmm?]" Sabi niya
"Nakit---
"Matthew pwede ba kayung pumunta dito isama mo sina Vincent at Michael" sabi ni mama atsaka ibinalik sa akin ni mama
"Bababa muna ako magluluto muna ako at tawagan ko na din yung papa mo na maaga umuwi" masayang sabi ni mama
"Hello?" Sabi ko
"[Malapit na ako natawagan ko na din sila]" sabi niya, ang bilis naman basta ba may pagkain tropa-tropa kami kaya pare-parehas kami ng ikot ng bituka.
"Ate yung homework ko pa" sabi ni Marie, kaya agad kami pumunta sa kwarto niya
ang saya ko!
Habang ina-advance reading ko si Marie panay tunog ng phone ko, tinitingnan ko ito isa-isa pero meron akong napansing isang message na ikinagulat ko.
From: Mina Pavonine
Message: Good day ms. Mina Pavonine this is your adviser from Northwest University, I am happy to say that our visitors chose you to get a scholarship. I am so proud of you because i know you deserve it. Have a nice day!❤️Scholarship?
Pero paano?
Sorry sa wrong grammer and spelling
Hope you like it!Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
A dreamcatcher
AcakMaraming pangarap ang natutupad dahil sa ito ay pinatiyagaan at pinaghihirapan. Maraming pagsubok ang dumating bago matagal na inaasam. Pero paano na lang kung hindi mo ito magawa-gawa dahil sa mapanghusgang mundo? At kung bakit sa dinami-dami ng pa...