Chapter 5

0 0 0
                                    

Mina' pov

Dinner

Tapos ko nang i-review yung kapatid ko, andito ako sa kwarto paano ba naman kasi ang tagal nina Matthew sabi 'otw' (on the way) na daw siya o baka naman yung ibig sabihin niya ng 'otw' ay on the water baka maliligo palang ang mukong.

Habang nagmumuni ako dito naisip ko kung paano ako nakakuha ng scholarship kung hindi naman ako nakaabot dun sa audition

Weird?!

"Bakla dito na kami!" Malakas na sigaw ni Michael, buti na lang wala pa si papa ang ingay kasi ng bunganga

Bumukas yung pinto bumungad sa akin sina Vincent at Michael

Nasaan si Matthew

"Kung yung mokong na yun ang hinahanap mo, ayun nandun sa sala niyo nanonood ng tv feel at home" sabi ni Vincent

Ano pa bang aasahan ko dun?

Niyaya ko na sila sa baba marami akong katanungan sa kanila

At ang mokong nakahilata pa sa sofa nakataas pa ang paa

Feel at home nga

Nung nakita niya kami umayos na siya ng upo

Mabuti nga

Dahil sa katahimikan na nakapaligid sa amin binasag ko ito

"Yung tungkol nga pala sa scholarship paano nangyari yon?" Tanong ko ng isa-isa silang tiningnan

"Nakuha mo!" Masayang sabi ni Michael

"Nag-chat sa akin yung adviser natin" sabi ko

"Congrats!" Masayang Sabi nila, ngumiti ako pero napalitan din yun ng lungkot

"Pero paano kayo?" Sabi ko na ikinakunot naman ng noo nila

"Paano kami?" Sabi ni Vincent

"Edi kapag lilipat na ako ng school next year saan na kayo?" Tanong ko

"Don't worry meron pa namang isang taon para makapaghanda kami, nandyan naman yung parents namin" tama nga naman si Matthew andyan yung magulang nila paano naman kasi mayayaman yung mga kaibigan ko ako lang ata yung napag-iwanan.

Ngumiti ako "basta aasahan ko yan ha!" Sabi ko at nag nod naman sila

Konting kwentuhan pa ng dumating si papa at agad ko sinabi ang goodnews, masaya si papa nung sinabi ko yon. Ngayon nandito na kami sa hapag-kainan nag-kwentuhan ng may biglang nag-doorbell

*Ding dong*

Si mama na ang pumunta sa may pinto para buksan ito, pumunta sila dito at parang kilala ko na kung sino yung kasama ni mama

"Tita Harlyn!" Sigaw ni Meri,

Pinsan ni papa, tsk!

Binati naman siya nung tatlong kumag

"Good evening po" sabi nila.

Umupo na sila, mukhang may hindi magandang mangyayari alam ko pa mandin ang ugali niya. Ibang-iba siya sa mga pinsan ni papa dahil ampon lang naman siya kaya ibang-iba ang ugali niya.

Nagkwentuhan muna sila tungkol sa mga nangyayari sa buhay nila bago napunta sa akin ang usapan, as usual mukha ako ini-interview

Artista lang!

"Napanood ko yung video mo sa youtube, ang galing mo!" Sa una papuri lang yan "kaso, hindi naman maintindihan yung sayaw mo atsaka parang malaswa! Nagbebenta ka ba ng katawan sa social media?" Tumaas ang isang kilay ko, kung may itataas pa ito aabot ito hanggang langit

A dreamcatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon