CHAPTER 1: First Day

27 0 0
                                    

Chapter 1: First Day

"Hoy Jane Ashley Sebastian gumising ka na dyan!!!" -Nagising  ako sa sigaw ng aking nanay. :3 Ano ba yan! Inaantok pa 'ko eh. -___- Hayyy! puyat na naman. >___<

"Opo Ma! Nandyan na po." -Ako, saka ako nag ayos ng sarili at bumaba na para kumain ng almusal.

"Oh Ashley mabuti at hindi na kita kailangan pang talak-talakan ng maraming beses para lang magising ka." -Mama, hay naku si mama talaga.

"Syempre naman Ma, first day na first day eh, tapos magpapa-late agad ako? Edi pangit agad record ko." -Ako, sabay subo ng pagkain.

"Oh siya siya bilisan mo dyan at nang makaligo ka na. Nga pala hindi ka na mahahatid ng kuya mo at magmamadaling umalis kanina." -Mama, nubayan! Si kuya talaga napakadaya, nang iwan na naman. Psh! :3

Binilisan ko na kumain para makaligo na ko at baka malate pa 'ko, mahirap na. :P
Nga pala magpapakilala muna ako kahit kilala nyo na ko. Haha!

Hi, ako nga pala si Jane Ashley Sebastian. Maganda, mayaman, mabait, matalino, sexy (syempre kailangan mong purihin ang sarili mo XD Haha! :P) 15 years old. Grade 10 (Junior High School) na ko sa Dreamland Academy at ngayon ang first day of school kaya naman medyo nag-aadjust pa ko sa paggising. (Miss A: Ansabe ng adjust mo? Ang sabihin mo tamad ka lang talaga gumising ng maaga.) Hoy author! Pwede ba manahimik ka dyan. Moment ko 'to, okey? At saka kung makapagsalita ka parang ikaw hindi ka tamad ahh?! (Miss A: .......) Haha! Hindi ka na nakapagsalita dyan. Bleeh! :P Okey, so ayun nga po first day namin ngayon kaya bye muna at ako'y maliligo na, iniwan kasi ako ng magaling kong kuya na ai Patrick Andrew Sebastian. Tsk! -___-

*fast forward*

Naglalakad ako ngayon papunta sa school, walking distance lang naman eh kaya yakang yaka nang lakarin na lang. Malapit na ako sa school nang biglang may tumilamsik saking tubig. Argh! Basang-basa na tuloy ako. >___< Sino naman ang may lakas ng loob na basain ako?!!

At pag tingin ko sa tabi ko, may nakahintong kotse, pagbaba ng bintana bumungad sakin ang napakagwapong mukha *O* ay este ang napakapangit na mukha na pinaka kinaiinisan ko, ang mukha ng Clifford Dela Fuente na 'to. Siya ang kontrabida sa buhay ko simula nung Grade 7 ako. >___< Aish!

"Hoy lalake nasa matinong pag iisip ka ba? Bakit ka nambabasa? Nakita mo namang papasok na ako ng school tas mambabasa kaaa?!! Kailangan ko pa tuloy bumalik ng bahay para magpalit! Aish! Kainis!" -Ako

"Teka nga? Bakit ka ba naninisi dyan? Ikaw 'tong lalakad-lakad sa tabi ng basang kalsada tapos sisisihin mo ko? At saka alam ko bang sa school ka pupunta? Akala ko mamamalengke ka lang eh. Psh! -_____-" -Siya

"Aba at talagang nanlalait ka pa? Hoy Clifford Dela Fuente! Para sabihin ko sayo, maganda ako! At saka bago at disente naman yung uniform ko nuh!! >_____<" -Ako

"Whatever! Dyan ka na nga at ako'y male-late na. Tsk -_____-" -Siya, tapos pinaandar na niya ang sasakyan niya.

Argh! Kainis!!! Male-late na ko eh. Tapos basang-basa pa ko. Mukha akong basang sisiw sa itsura kong 'to. Aish! Epal talaga yung Clifford Dela Fuente na yun! Paano na ko nito? Tsk! Uuwi, hindi? Uuwi, hindi? Aish! Bahala na nga, ako'y uuwi na lang. Nakakahiyang pumasok ng ganito nuh! >_____<

-----

A/N: Hello po, 13 years old lang po ako kaya huwag po masyadong mag expect sa story na to. Hahaha! Pero don't worry, I'll try my best para gumanda 'tong story na to. ;))

Love or Hate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon