Chapter 4: Getting to Know Each Other
-Ashley's POV-
"Bye bheztie." -Serine
"Bye din, ingat." -Ako, tapos naghiwalay na kami. Dito kasi sa 2nd floor yung classroom namin tapos sa 3rd floor pa yung classroom nila.
Habang papasok na ko ng classroom. Nabigla ako ng may biglang nanggitgit sa akin at inunahan ako pumasok sa classroom, si Clifford. Tsk, as if naman male-late na siyang pumasok, kailangan pang manggitgit mauna lang? -_- Di ko na lang pinansin tapos pumasok na ako sa classroom at naupo sa upuan ko.
Pagkaupo ko, may biglang umupo sa upuan sa tabi ko. Wala kasi si Ana sa upuan niya (yung seatmate ko) nakikipagkwentuhan sa likod, kaya ayun may umupo sa upuan niya, at pagtingin ko kung sino? Si Harry. Ay kilig naman ang lola mo. xD Haha.
"Hi. :)" -Harry
"Ahmm. Hello. :)" -Ako
"Matagal ka na dito sa school na 'to? Ako kasi bago lang dito." -Harry
"Ahh oo. Simula grade 7 dito na ko. :)" -Ako
At ayun hanggang sa nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay. Mga favorite naming pagkain, color, birthday, etc.
Mahilig pala siyang magbasketball. Tapos mahilig ding sumayaw. :D Ako naman mahilig kumanta at sumayaw. In short gustung-gusto kong nagpeperform pero hindi ako mahilig sa mga sports. Haha.
Sa mga napagkwentuhan namin, lalo akong humanga sa kanya.
Nga pala, hindi na pumasok samin yung susunod naming teacher masama daw pakiramdam kaya ayun napahaba ng kwentuhan namin ni Harry. :D
*fast forward*
Uwuan na ngayon, at inaantay ko si kuya. Naku! Hindi ako papayag na hindi niya ako sunduin, hindi na nga niya ako hinatid tas hindi pa niya ako susunduin? Adjo! Baka gusto niyang mag wrestling kaming dalawa! Hahaha.
Habang nag aantay ako sa labas ng gate, may nakita akong PDA. Tsk. PDA sa gate ng school? Aba matinde!
Teka....
Si Mariz yun ah? Yung girlfriend ni Clifford.
Pero teka, eh hindi naman si Clifford yung lalaki ah?
Teka nga, huwag mong sabihing nakikipaghalikan si Mariz sa ibang lalaki kahit na may boyfriend siya? Break na kaya sila nung Clifford na yun? O sila pa din at niloloko niya si Clifford? Hay whatever! As if naman may pake ako sa relasyon nila.
Maghihintay na lang ako kay kuya.
Oh ayun na pala si kuya eh.
Paghinto niya sa harapan ko.
"Oh sakay na panget." -Kuya
"Hoy magkamukha lang kaya tayo. Kaya kung panget ako, panget ka din. -_-" -Ako
"Tss. Oo na. Sumakay ka na." -Kuya
Bago ako sumakay sa kotse, tiningnan ko muna ulit si Mariz at yung lalaki. Tsk tsk. Makasakay na nga.
-----
Hello. GoodEvening po.
BINABASA MO ANG
Love or Hate?
Teen FictionPosible kayang ang magkaaway ay mainlove sa isa't isa ng hindi inaasahan kahit na galit na galit sila sa isa't isa?