Chapter 3: Kwentuhan Overload
-Ashley's POV-
Habang kumakain kami ng best friend ko. Biglang may dumaan na group of boys sa harap namin, lima sila at isa na dun si Harry at saka yung kaklase namin na si Mico Jay Puno. Nagtitilian nga yung mga babae sa katabi naming table eh. -_- Pero di ko rin sila masisisi, kasi ang gagwapo naman talaga ng mga 'to. *o*
"Bheztie ang gagwapo nila nuh?" -Serine
"Oo nga eh. Puro transferees sila, right?" -Ako
"Oo. Galing sila sa Tutri High Academy." -Serine
"Ahh. Kilala mo silang lahat?" -Ako
"Oo. Paano ko naman sila hindi makikilala eh bukam-bibig sila ng lahat ng babae sa classroom namin. Yung nakataas yung buhok siya si James Kevin Ramos, tapos yung katabi niya ay si Nathaniel Samonte, Yung isa naman na kausap nung cashier ay si Mico Jay Puno, tapos yung may kausap sa cellphone ay si Emmanuel Chua, at yung isang yun ay si Harry Josh Clemente. Diba kaklase mo yung dalawa dyan? Si Harry Clemente at Mico Puno?" -Sirene
"Oo bheztie. Tapos alam mo ba kanina sinalo niya ko nung muntik na kong madapa sa classroom. OhMyGhad! *o*" -Ako
"Ay shunga? Natuwa ka pa dyan? Baka nga mas naturn off pa yun dahil sa kalampahan na ipinakita mo kanina sa room niyo eh. -_-" -Serine
"Oy hindi naman dahil sa lampa ako kaya ako muntik na madapa, kundi dahil dun sa Clifford Dela Funete na yun." -Ako
"Alam mo, napansin ko lang simula nung grade 7 tayo lagi na lang kayo nag aaway nung Clifford na yun. Baka mamaya magkainlaban kayo nyan. ;)" -Serine
"Hoy Diana Serine Legaspi! Kilabutan ka na dyan sa sinasabi mo. Kahit kailan hindi kami maiinlove sa isa't isa. At saka may girlfriend na yun. Tapos ako naman may crush. *_____*" -Ako, sabay tingin kay Harry. Nagde-daydream na naman ako. Hahaha.
"Crush mo yung Harry na yun?" -Serine
"Oo naman. Ang bait kaya niya at saka ang gentleman pa. Tapos bonus na yung kagwapuhan niya." -Ako
"Okey sabi mo eh." -Serine
"Ikaw ba? Musta ang lovelife mo? May bago ka na bang inspirasyon? ;)" -Ako
Biglang sumama ang tingin niya sakin. Tss, niloko kasi siya nung ex-boyfriend niya nung grade 9 kami eh kaya ayun ayaw na ayaw nyang napag uusapan ang love life niya. Siguro hindi pa 'to nakaka move on sa ex niya. Hayyy...
"Okey okey, sabi ko nga po tatahimik na po ako." -Ako
"Tara na, magta-time na parehas yung klase natin." -Serine
"Sige." -Ako
At napagpasyahan na naming bumalik sa kani-kaniyang klase namin.
------
A/N: Pasensya na po kung pangit yung update. Hehe.
BINABASA MO ANG
Love or Hate?
Teen FictionPosible kayang ang magkaaway ay mainlove sa isa't isa ng hindi inaasahan kahit na galit na galit sila sa isa't isa?