Chapter 2: Good Day or Bad Day?
-Ashley's POV-
Pagkatapos ng 30mins na paggayak at pag aayos sa sarili, okey na ulit ako. Makakapasok na 'ko. Kaya eto ako ngayon nag commute na lang. Mahirap na, baka mapasama na naman. -____- Saglit lang naman ang biyahe ko eh, mga 5mins, kasi nga walking distance lang. Hehe.
Pagdating ko sa gate ng school, tiningnan ko ang relo ko. At pagtingin ko. O_____O Oh my ghad! Late na ko ng 25mins. T_____T
Dali dali akong tumakbo papunta sa classroom ko. Buti na lang at alam ko kung san ang classroom ko ngayon. Habang tumatakbo ako, muntik na ko madapa. T_T Buti na naman muntik lang.
*takbo takbo takbo*
At sa wakas nakarating na rin ako. Kinakabangan pa kong pumasok. Baka mamaya masungit yung bago naming teacher, masermonan pa ko.
Pumasok ako ng dahan dahan with matching yuko pa. Tapos biglang...
"Oh Ms. Sebastian, why are you late?" -Sabi ng napakagaling na si Clifford Dela Fuente. Kaklase ko na naman pala siya. Haist! Pahamak talaga.
Napatingin tuloy yung mga kaklase ko pati na rin yung teacher namin. At ansama ng tingin sakin nung teacher namin. T_____T Teka, eto ata yung sinasabi nung iba kong schoolmate na napakasungit na teacher eh, si Ms. Salvador. Matandang dalaga daw kaya ganyan kasungit. Tss, edi mag asawa siya para mawala yung pagkamasungit niya. Haist! Kainis ka talaga Mr. Clifford Dela Fuente. >_____<
"Miss, what is your name? And why are you late? First day na first day late ka?" -Taas babang kilay na tanong ni Ms. Salvador
"Ako po si Jane Ashley Sebastian. Ma'am sorry po. May nakasabay po kasi ako sa daan kanina nung papasok na ko na sinadyang basain ako kaya ayun po, umuwi muna ako para makapagpalit. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit." -Ako, sabay yuko
"Okey sige, pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod na malate ka, detention na ang punta mo. Alam mo naman siguro ang rules ng school na to, right Ms. Sebastian?" -Ms. Salvador
"Opo Ma'am. Salamat po." -Ako
"Okey sige, maupo ka na sa unahan ni Mr. Dela Fuente, yun na lang kasi ang bakante eh. -Ms. Salvador
At ayun nga, papunta na ko dun. Pero nung madaan ako sa gilid niya bigla niyang hinarang yung paa niya. Omo! Madadapa pa ata ako.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bigla na lang may humawak sakin at nasalo ako. O____O Yes! Ligtas ako! Pero teka, sino naman to? Kaya ayun tumingala ako para makita kung sino to. At pag tingin ko... Wow ang gwapo niya. *o* Nakakatunaw yung ngiti niya. *o* Ngayon ko lang siya nakita sa Dreamland Academy. Bagong lipat lang siguro siya dito.
"Miss okey ka lang?" -Siya, oo okey na okey dahil sinalo ako ng isang anghel. ^_____^
"Ahmm. Oo okey lang ako. Salamat. :)" -Ako
"Ako nga pala si Harry Josh Clemente. :)" -Siya, ang ganda ng pangalan niya, bagay na bagay sa kanya. :D
"Jane Ashley Sebastian." -Ako, tapos nag shake hands kami. Ang lambot ng kamay niya. Haha! ;)
"Ms. Sebastian and Mr. Clemente baka naman gusto niyo nang maupo? Nakakairita kayo sa mata." -Ms. Salvador, tss palibhasa wala pang asawa eh, bitter tuloy. Hahaha! :P
At ayun naupo na kami sa kani-kaniyang pwesto. Tss, ang layo naman sakin ni Harry. Huhu. T_____T Ayy lande? Umayos ka Ashley. Tsk tsk.
Tapos ay nagturo na yung teacher namin.
*fast forward*
After ng dalawang subject, break time na! Hahaha! :D Kaya naman ako'y lumabas na ng classroom para pumunta sa canteen. Haha! ;)
Habang naglalakad ako (medyo malaki rin kasi 'tong school na 'to.) Biglang may nagsisigaw ng...
"Hoy bheztie!" -Kilala ko ang boses na yun, kaya naman napahinto ako. Alam ko kasing ako yung tinatawag niya.
"Oh bakit?" -Ako
"Anu ba naman yan Ashley! Ang tagal kitang tinawag at hinabol tapos nung nahabol kita 'oh bakit?' lang ang sasabihin mo? Wala manlang 'Oyy bheztie! Kamusta na? Namiss kita.'? Ang sweet mo talaga Ahsley, damang dama ko." -Sabi niya.
Siya si Diana Serine Legaspi. Ang 'oh-so-pretty' at 'oh-so-crazy' kong best friend. Hindi kami magkaklase kasi section A ako tapos section B siya. Limang section kasi kami.
"Alam kong sweet ako, huwag mo nang ipangalandakan. ;)" -Ako
"Haist! Di ka pa rin nagbabago. Tara na nga sa canteen gutom na ko." -Siya, kahit hindi na namin sabihin sa isa't isa, alam na naman naming namiss namin ang isa't isa.
Okey pa rin naman pala 'tong first day of school ko ngayon. Akala ko magiging masaklap na eh. Haha. :D
-----
(A/N: Okey, dumadami na po ng dumadami ang mga characters. :))
BINABASA MO ANG
Love or Hate?
Teen FictionPosible kayang ang magkaaway ay mainlove sa isa't isa ng hindi inaasahan kahit na galit na galit sila sa isa't isa?