Chapter 7

18 2 0
                                    

Play The Video or Use your Playlist to Play the Song ^_^ Dagdag Kilig ! Kyaaa!

Cindy’s POV

 

Mabuti nalang at nakagawa ako ng perfect alibi kay Renzo para di niya ako guluhin.. Hay sa wakassss! Ang totoo kasi di naman talaga ako Busy ^___^ Sinabi ko lang yun para di niya sirain araw ko ! Alamona? Para walang panggulo

*Ringgg*

Nasa kalagitnaan ako ng pagkatulala ng biglang nag-ring yung phone ko. May tumatawag -.- Sino naman ‘to? Unknown number

“Hello?”

[Cindy?] Sabi nung lalaki sa kabilang linya . Panlalaki boses eh! Kaya lalaki

“Sino ka?” Bat niya ako kilala? Di kaya Stalker ko ‘to? Ay -.- Kailan ba nagkaStalker ang mga Patatas na tulad ko?

[Si Renzo ‘to. Nasa labas ako ng bahay niyo. Magbihis kana , May pupuntahan tayo] Sabi nung lalaki sa kabilang Linya

Teka.. HA?! ANO? SI RENZO? Diba sabi ko sa kaniya na busy ako? A-Anong ginagawa niya dito?!

“Busy ako diba?” Di ko pinahalata na nagulat ako . Nakakainis!

[Wala akong Pake! Kaya lumabas kana diyan , Kung ayaw mong sunugin ko ‘tong bahay niyo] Pagtataas ng boses nito

“WOW! Parang kaya mo ha! Porke madami kang pera at may pampagawa ng bahay , Susunugin mo na bahay namin? Matinde ka din ha!” As if naman magagawa niya yun

[Isa! Sasama ka saakin o hinde?]

“Hindi”

[Dalawa!]

“Tatlo”

End call ..

 

Yes! Pinatay na niya! Bwahahaha! Pero sandali? Nasa labas pa ba siya ng bahay?

“ Oh Hindi” Yun nalang yung nasabi ko pagkatapos ko dumungaw sa may Bintana at .. at .. Kausap niya si Mama at nakita kong pumasok na sila sa bahay . Waaaaaaaaaaa!

*Toktok*

Nagulat ako nang may biglang may kumatok sa pinto. Expected kong sina Mama at Yabang yun. Huhuhu! I want to get out of here.

“Tulog si Cindy! Kaya bukas nalang” Sabi ko. Ay Tanga!!!!! -_- Wala na :3

Narinig kong nagtatawanan sina Mama sa labas ng Pintuan ko . Arghhh! Ayoko naa !

“Pagpasensyahan mona muna si Cindy Iho , Sadyang nahihiya lang yan kasi ngayon lang siya binisita ng lalaki dito sa bahay namin” Narinig kong sabi ni Mama

“Haha! Mukha nga po, Pero okey lang po Tita, Hihintayin ko siya lumabas” Narinig ko naman na sabi ni Renzo

Waaaaaaa! Anong gagawin ko? Lalabas na ba ako o hinde? Anoo!

Lumabas kana Cindy, Walang maitutulong ang pagkukulong mo dito . Magkikita at magkikita pa din kayo..

In a relationship with Mr.Arrogant (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon