Makalipas ang tatlong taon..

2.5K 28 4
                                    

Makalipas ang tatlong taon sa Encantadia  ay nanumbalik ang dating masayang lugar, tahimik, walang gulo at puno ng pagmamahal. Siyang tunay na ngang nag hari  ang kapayapaan sa mga kaharian ng Lireo, Sapiro at Adamya. Napanatag na rin sa wakas ang loob ng mga sang’gre. Halos araw araw ay parang may pag diriwang sa lugar, may mga tagapagtanghal at kumakanta tuwing may salo salo. Tuwang tuwa ang bawat encantado at encantada sa nangyari. May pinatayong munting paaralan si Reyna Danaya upang matuto ang bawat mamamayan magbasa ng echan at matuto ng echanta. Ito ang nagpapatunay na nagkakaisa na sila at nagtutulungan.

Encantadia Ang Bagong YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon