“Reyna Danaya napakalapit na ng inyong kaarawan, nais mo bang maaga kaming maghanda ni Pirena maayos na naming agad?” agad na yumuko si Amihan sa kapatid nitong reyna.
“oo nga po mahal na Reyna” dagdag ni Pirena
“hmmm… may mali ata sa pananalita at kinikilos ng aking mga kapatid na sang’gre” nagtataka at nagpapalipad hanging si Danaya.
“wala din naman pong mali mahal na reyna, kami’y gumagalang lamang” ani Pirena na malapit ng tumawa
“hala’t sige humalakhak ka na Pirena”
Tumawa ang mga sang’gre at sabay na humiga sa kama ni Reyna Danya
“napakasaya, sana’y ganito tayo parati”- Amihan
“ano na Danaya? Ano na ang gusto mo sa iyong kaarawan aking reyna?” Muling biro ni Pirena
“si Alena, siya lamang ang nais ko sa aking kaarawan Pirena, alam ninyo iyon” umiyak na si Danaya
“mahal kong kapatid, kung maari lang sana siya ang ma handog namin sa iyo Danaya, kung maaari lamang” agad niyakap ni Amihan ang kapatid at agad din yumakap si Pirena.
Sa Hardin
Malalim ang butlong hininga ni Danaya at marahil ay may iniisip. Siya ay nakaupo lamang sa isang bangko. Agad lumapit si Blair.
“ina? may problema ba kayo? Pag aalala nito.
“wala ito anak, maaari bang iwan mo muna ako? Ibig kong mapag isa, pumunta ka muna sa mga Ashti mo.” Pakiusap ni Danaya
Agad sinunod ito ni Blair at umalis na walang imik at tila nagtataka kung bakit malungkot ang kanyang ina.
Imaliwalas ang paligid agad lumabas ang mahal na Bathalang Emre.
“Emre” agad yumuko si Danaya upang magbigay galang.
“Danaya, nais mo ba talagang makapiling ang iyong kapatid?” panimula ni Bathala
“opo” simpleng sagot lamang ng reyna
ANG KAARAWAN
Napakaraming panauhin, lahat ay dumalo,napakasaya ng lahat ngunit ang reyna ay hinde, nanatili lamang itong naka upo sa trono niya, katabi nito ay ang mga kapatid niyang naka upo rin, Agad din siyang napnsin ni Amihan.
“Danaya? Hindi mo ba ibig ang aming hinanda para sa iyong kaarawan?”
“hinde Amihan, ako’y nagagalak, nagppasalamat ako Amihan, aking kapatid.”
“hindi iyong ang aking nakikita at nararamdaman Danaya, may bumabagabag ba?”
“Amihan tara na” paanyaya ni Pirena.
Tumayo si Pirena at Amihan at:
“nais kong magpasalamat at dumalo kayo ngayong gabi, nais kong batiin si Danaya, Hasne Ivo Live aking kapatid”- Pirena
Agad sumigaw ang madla “Hasne Ivo Live Mahal Na Reyna”
Napangiti si Danaya ngunit hindi pa ito sapat upang lumigya siya ng sobra.
Biglang umaliwalas ang paligid
Si Alena! Si Alena ay nag balik tulad ng sinabi ni Bathala.
“lahat ay bumati, magpapahuli ba ako Danaya?” nagyakapan ang mag kapatid
“nadanusmuste” dagdag ni Alena
“Salamat Alena, salamat” niyakap muli ng Reyna ang kanyang kapatid
Lahat ay nagulat at natuwa dahil sa pagbabalik ng dating Reyna ng Sapiro si Sang’gre Alena.
Naging napaka ligaya ni Danaya sa araw ng kanyang kaarawan, nagdiwang din sila dahil bumalik si Alena.