KABANATA III- ANG PAGPIPILI NG REYNA

698 11 4
                                    

Gulat na gulat ang mga paslit na sang’gre sa kanilang narinig na bagong balita.

“subalit napaka bata pa po namin upang maging susunod na reyna” agarang sagot ni Briella.

“may tiwala kami na sapat na ang higit 12 taon na pagsasanay ng Reyna Danaya sa inyo, hindi ba Danaya?”

“Tama si Amihan, inaasahan kong natutunan niyo na lahat ng itinuro ko, ni Pirena at Amihan” ani Danaya

Umalis ang mga sang’gre at natira ang 3 nakakatanda at si Imau

“bakit hindi nalang ang anak ni Danaya? Hindi ba dapat ay ang anak ng Reyna ang isusunod sa trono mga mahal na sang’gre?” labis na pagtataka ni Imau

Nagtinginan ang mga sang’gre at nagsimulang magsalita si Amihan.

“Imau nais naming pumili ng Reyna na may sapat na kaalaman at ugali, hindi naman sa wala kaming tiwala kay Blair”

“kung gayon, ano ang nais ninyong mangyari? Mahal na Reyna Danaya?” muli nitong pagtanong (imau)

“nais naming magbigay ng pagsubok sa kanila, ibig naming malaman kung sino sa kanila ay may utak at pusong Reyna” ani ni Danaya habang ipinapakita kay Imau ang isang kasulatan kung saan nakalaad ang talaan ng mga sunod sunod na pagsubok ng mga sang’gre.

“malalaman din nila ito kinabukasan o di kaya’y pagsapit ng susunod na pagpupulong sa susunod na araw” ani Pirena

Sa Hardin ng Lireo..

“labis akong nagtataka, hindiba’t naka takda na ang trono sa iyo Blair?” wika ni Aundria habang nag aayos ng kanyang sandata na minana sa ina.

“hindi naman siguro…” ani ni Blair habang pinapaikot ikot nito ang kanyang arnis.

“ang labis kong pinagtataka ay ang bagong estilo at pamamaraan ng kanilang pagpili” ani Briella

“sana’y kung anoman ang uri ng pagpipili ay hindi maapektohan o mabuwag an gating pinagsamahan” – Aella

Sa di kalayuan..

“napakaganda ng kanilang pinaguusapan.. kung naririto lang sana si Alena” biglang umiba ang emosyon ni Danaya ang mga ngiti sa kanyang labi ay nawala at ang kinang sa kanyang mga mata ay naging kalungkutan.

“Danaya, wag ka ng umiyak, kami rin ni Pirena ay nangungulila sa pagkawala ni Alena” –Amihan

“naalala niyo ba nung mga paslit pa tayo?” muling pagbalik ni Pirena.

Nakaraan,

“Alena, Amihan, Danaya.. pangako, hinding hindi tayo magkakahiwalay muli”- Pirena habang yakap ang talong kapatid.

“Danaya, ikaw bunso hinding hindi ka naming pababayaan” ani ni Amihan at hinalikan sa noo si Danaya

“hinde Amihan kayang kaya ko ang sarili ko! Kayang kayak o ang mga kalaban” agad na ipinamalas ni Danaya ang kunwaring galing nito at kaangasan sa pakikidigma ng bigla siyang nadulas

Kasalukuyan..

          “alalang alala ko noon, ikaw ang pinakamakulit!” ani Pirena

“pero ngayon, ikaw ay isang napakaganda at napakatalinong reyna” ani Amihan at hinalikan sa noo si Danaya.

Nagtawanan ang mga sang’gre sa ala-alang ginunita.

Sa silid nina Danaya..

          “oh anak.. Adarde”- Danaya

“ina.. nais ko lamang magtanong” agarang lumapit si Blair sa ina.

“ano ang kailangan ng aking magandang prinsesa? Ha? Prinsesa ko?” agad  na umupo ang dalawa sa higaan

“ina, akoy labis na nagtataka, bakit ninyo iniba ang nakasanayang tradisyon natin sa pagpipili ng reyna?” Sambit ng sang’gre habang sinusuklay siya ng kanyang ina.

“malalaman niyo rin ito” ang natatanging sagot ni Danaya.

Araw ng anunsayson..

Gulat na gulat ang sila sa bagong estilo ng mga sang’gre sa pagpipili.

“nasa pagpipilian ay sina Blair, Briella at Aella” – imau

“Ngunit bakit hindi kasama sa pagpipilian si Aundria?” pagtanong ni Briella.

“dahil siya ang pinipisil na susunod na Reyna ng Sapiro” sagot ni Armea.

Ipinaliwanag ng mga sang’gre ang ideya tungkol sa mga pagsubok ng mga paslit at agaran din nila itong naunawaan.

“mag uumpisa ito sa susunod na lingo, kung kayat maghanda na kayo mga susunod na Reyna”

Agad na tinapos ng Reyna ang diskusyon at nag si alisan ang mga membro ng bawat kaharian

Encantadia Ang Bagong YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon